22

144 12 0
                                    

Franzean's Pov

"Ang hirap naman makuha ng kapatid mo pre" inirapan ko sya at tinungga ang alak na hawak ko. 


"Chill.." natatawang sabi pa nya. Kung di ko lang talaga kaibigan to kanina ko pa talaga to nasapak. 


"Nung una si Gio, pinagselosan ko talaga nang sobra yun. Tapos nung nalaman kong ginamit lang pala sya, gusto ko ng patayin pinigilan ko lang sarili ko." napahawak ako ng mahigpit sa basong hawak ko at tumingin sa paligid. 


"Hindi ba nahahalata ni Phori? Isa rin yun eh, manhid amputek." naiiling na sabi nya habang nakatingin doon sa magandang babaeng nasa kabilang table. 


"Nung friday, sinabi sakanya ni Gio. Tapos parang wala lang sakanya" napakagat ako sa labi ko at tinungga nanaman yung alak. Hindi naman talaga ako umiinom, pero.. tangmother, ang sakit eh. 


Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng makita si Larity sa gilid ko. Anong ginagawa nitong babaeng to dito? Napalinga-linga ako sa paligid at sinasabi ko na nga ba.. Lagi nalang mag kasama tong dalawang to, iisipin ko na talaga na may nabubuo sa pagitan nila eh. 


"Ginagawa nyo dito?" kunot noong tanong ko sakanila ng makalapit na si Colai sa table namin. 


"So, alam mo pala na may fiance si Phori di mo man lang sinasabi saamin?" napanganga naman ako sa sinabi ni Larity. Ba't sila nagagalit saakin, aber?


"Ay gag*, oo nga pala may kapatid ako" napatingin kami kay Kuya Jake ng agad syang tumayo at kuhanin ang gamit nya.


"Oh san ka pupunta? May deal tayong ikaw ang magbabayad nito ah?" sabi ko sakanya sabay turo sa mga bote namin sa table. 


"Kailangan ako ng kapatid ko, erp. Baka katayin na sya doon nung magulang ng fiance nyang mukhang tubol" sabi pa nya bago kaming tuluyang iniwanan. 


Napasapo naman ako sa noo ko at sinilip ang wallet ko. May limang libo pa naman don.. mag oorder pa ko ng isang bucket--


"So, ano nang balak mo pre?" tanong ni Colai at tumabi saakin. 


"Hindi ka pa ba aamin?" tanong naman ni Larity at umupo sa harapan namin. Napakamot ako sa batok ko at umiwas ng tingin. 


"Ba't pa ko aamin? May fiance na sya sa tingin nyo ba mag kakaroon pa ko ng pag asa?" tinungga ko ang alak na nasa baso ko. 


"Ang bobo nyo" wala sa sariling sabi ko na ikinagulat naman nila. 


"Ikaw ang bobo Franzean Colenbrander" sabi ni Larity sabay irap pa saakin. Wow, iba na to. Totoo na yun, binuo ba naman pangalan ko eh. 


"Oo nga. Sabi naman ni Phori hindi nya type yung lalaking yun" inirapan ko lang si Colai at ininom na ulit ang alak. Kahit hindi nya type yung lalaking yun, magiging asawa nya parin yun someday. 


"Napaka-torpe mo naman kase, Franz. Kung gusto mo na sya matagal na, dapat umamin ka na agad" sabi pa ni Larity habang naka-hawak sa ulo na para bang stress na stress. 

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon