3

277 11 1
                                    


"FRANZEAN COLENBRANDER!" naiiyak na sigaw ko, wala pang ilang minuto ang nakakalipas nakita kong bumukas ang pinto ng condo unit ko at nakita syang gulo-gulo ang buhok at halatang kakagising lang.


"Ano ba yan?! Madaling araw na, Siopao!" Inis na sabi nya saakin habang nag kakamot ng ulo.


Nanginginig kong tinuro yung ipis na nasa sahig malapit sa TV habang nakapatong ako dito sa sofa at halos isiksik na ang sarili sa pader. Napakamot sya ng ulo at papaluin na sana iyon ng tsinelas pero napasigaw ako ng biglang lumipad iyon sa direksyon ko kaya naman napatalon ako sa likod ni Zean at pumasan sakanya.


"Tangmother! Bumaba ka dyan!" Inis na sigaw nya pa saakin pero lalo akong napakapit sakanya. "Hoy! Ang bigat mo!"


"Patayin mo na kasi yuny ipis!" Sigaw ko pabalik sakanya.


"Pano ko papatayin eh nakapasan ka sa likod ko?!"


"Papaluin lang eh!"


"Ba't hindi ikaw ang gumawa?!"


"FRANZEAN!"


"Sabi ko nga eto na eh!" Pagsusuko nya sa away namin at dahan-dahan lumapit doon sa ipis. Dahil nakapasan ako sakanya, syempre pati ako napalapit. Lalong napahigpit ang hawak ko sakanya at di na tinignan yung ipis.


"Okay na." Sabi nya at nakita ko namang patay na yung ipis.


Nakahinga ako ng maluwag atsaka bumaba sa pagkakakapasan sakanya.


"Pano nalang kung wala akong dito?" Naiiling na tanong nya habang nililinis yung sahig kung saan namatay yung ipis. "Hindi ka siguro mabubuhay ng wala ako?"


"Wingsyou!" Mura ko sakanya. Assuming amp. Ano sya? Hangin, para di ako mabuhay dito aa mundo? Baka nga, mahangin eh.


"Ano ba kasing ginagawa mo? Madaling araw na" sinamaan nya ako ng tingin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot talaga sya pag bagong gising lalo na kung naistorbo sya sa pagtutulog.


"Hindi kasi ako makatulog! Namamahay ako, remember?!" Pagtataray ko pa sakanya at uminom ng gatas para naman makatulog na ako. Male-late pa ako nito bukas lalo na't may exam.


"Hayst, tara na" napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Matulog ka na, di ako makatulog sayo eh!"


Napabuntong hininga nalang ako at nauna na sa kwarto. Kinuha nya yung foam ng kama sa kabilang kwarto at nilatag iyon sa baba ng kama.


"Hindi ka nag sasara ng bintana?" Tanong nya at nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na hindi ko pala nasara yung bintana. Napaiwas nalang ako ng tingin at binuksan ang aircon. "Mananakawan ka pa sa ginagawa mo eh"


"Matulog ka na nga. Sakin mo pa binubuhos inis mo eh" inirapan ko sya. Umupo naman sya sa dulo ng kama ko.

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon