After the fireworks display, we decided to go home na dahil mag sasara narin ang Ek. Napagdesisyunan rin nila Larity at Colai na sa unit ko na matulog para daw bonding. Ang daming alam. No choice naman si Hopia at sa unit ko nalang rin matutulog. Pinagtulungan nilang tatlo na maglatag sa living room ng foam habang ako naman ay nag eedit ng vlog namin sa mesa.
"Buhay prinsesa si Phori oh." rinig kong sabi ni Colai habang hirap na hirap silang nag lalatag sa sala. Inirapan ko lang sya, ang hirap kayang mag edit!
"Hayaan mo na" sabi naman ni Hopia kay Colai
"Pinapaalala ko lang sayo na tapos na yung challenge, mukhang nag-enjoy ka naman ata?" natatawa pang sabi ni Larity.
Matapos nilang malatag ang higaan namin para mamaya ay kanya-kanya na silang higa doon at nanood nalang ng movie. Hinayaan ko lang sila at nag patuloy sa pag eedit. Kailangan bukas ma-upload ko na to o kaya mamaya.
"Coffee or milk?" napatingin ako kay Hopia ng sumandal sya sa counter at tinignan ako, naghihintay ng sagot.
"Coffee nalang baka antukin agad ako" sagot ko at nag patuloy na sa pag eedit.
"Malamig o hindi?"
"Hindi"
"Sa baso o tasa?" inis ko syang tinignan
"Pinagtitripan mo ba ako?"
"Mahal mo o mahal ka?" napatigil naman ako sa sinabi nya. Pero natauhan rin agad ng tumawa sya at tinimplahan na ako ng kape.
Napailing nalang ako sa kalokohan nya at pinagpatuloy na ang pag eedit. Natapos na nya akong timplahan ng kape kaya naman nilagay nya iyon sa mesa at tumabi saakin.
Naalala ko yung tanong nya. 'Mahal mo o mahal ka?', pag narinig mo ang salitang iyon parang napaka-simpleng tanong lang pero pag ikaw na ang tinatanong, mawawala ka nalang sa sarili mo. Pag pinili mo ang mahal mo, aabutin ka pa ng matagal na panahon para maibalik ang feelings nya sayo o kaya baka napilitan lang syang mahalin ka pabalik. Pag pinili mo naman ang mahal ka, gagawin nya ang lahat para sayo, papasayahin ka at aalagaan. Pero, yung nasa isip mo yung taong mahal mo parin.
"Kahit naman anong piliin ko doon sa dalawa, masasaktan parin ako" wala sa sariling sabi ko. Nakita ko namang nagulat sya dahil nagsasalita ako mag isa dito.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago sumagot, "Kasama ang sakit sa pag-ibig, hindi mo naman maiiwasan iyon"
Tinabi ko muna ang laptop ko at kinuha ang kape, "Ikaw? kung papipiliin ka sa dalawa, anong isasagot mo?"
Natawa sya ng konti pero agad rin naman nyang sineryoso ang sagot, "Syempre mas okay na yung pipiliin ko yung mahal ko."
Napataas naman ang kilay ko pero hinayaan ko parin syang mag-explain, "Mas okay nang mag aksaya ako ng oras para iparamdam sakanya na mahal ko sya kesa turuan ang puso kong mahalin ang hindi ko naman mahal"
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.