15

188 13 4
                                    

"Para kayong kupol sa stage! Nakakainggit" napaiwas ako ng tingin ng isigaw iyon ni Colai ng makababa kami sa ground. Napatingin tuloy saamin ang ibang tao.


"May pa-kiss at yakap pa! May mga bata dito oh!" Sermon pa ni Larity pero deep inside kilig na kilig yan saamin. Ang hirap magkaroon ng kaibigang katulad nila. Mapagpanggap huhuhu.


"Yaan mo na! Birthday naman ni Zean, gift na para sakanya yun makasama yung crush—" hindi natapos ni Colai ang sasabihin nya ng bigla syang batukan ni Hopia na ikina-aray naman nya.


"Pasmado bibig mo erp?" Inis na tanong sakanya ni Zean. Napanguso nalang si Colai at kunyaring iiyak pero napangiti agad sya ng kunyari rin syang kino-comfort ni Larity.


Napatingin ako kay Zean ng hawakan nya ang kamay ko pero hindi sya nakatingin saakin. Nakatingin sya sa bandang nag peperform sa stage kung saan kinakanta ang "18 by One Direction"


Nagulat ako ng biglang may bumulong saakin. "Napaka-manhid mo, ghurl. Kinakanta na sa harapan mo, hindi mo parin ramdam?"


Napakunot naman ang noo ko sa mga pinagsasabi ni Hiularity. Kahapon pa sya ganyan. Nakakainis. Hindi talaga mag sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nya.


"I have loved you since we were 18
Long before we both thought the same thing
To be loved, to be in love
All I can do is say that these arms were made for holding you
I wanna love like you made me feel
When we were 18"


Napataas namang ang kilay ko ng marinig ang lyrics ng kanta. Oh ano naman ngayon? Anong meron sa 18 na yun? Mag dedebut ba? Or ano? Ba't may 'To be loved, to be in love'? Ang bata bata pa sa edad na 18 may pa-love love agad.


Nagkwentuhan lang kami dito sa ground habang pinapakinggan ang mga pinatutugtog ng banda. May mga estudyanteng sumasayaw na para bang nasa ball or js prom, may mga nag paparty, basta may kanya-kanyang mundo.


"I still can't believe it.." natawa naman ako sa mga pinagsasabi ni Zean. Kanina pa nya sinasabi saakin na hindi sya makapaniwala na nandito ako, kumanta kaming dalawa sa stage, naalala ko ang birthday nya, at nagawa namin ang pangarap namin.


"Hindi ko naman aakalain na pupunta ka dito—"


"Surprise nga diba?" Natatawa kong putol sa sinasabi nya. Napasimangot naman sya. Minsan ko lang sya sinurprise dahil dati, lagi kami nag se-celebrate ng birthday nya sa park, restaurant, cinema, arcade at kahit saan pa. Kaya naman, hindi nya talaga aasahang magsu-surprise ako ngayon.


"So, pati yung hindi pag attend ni Winter—"


"Yeah.. that called Euphoria's moves" nakangisi kong sabi sakanya. Nakita ko namang napahawak sya sa nose bridge nya na parang nainis. Alam ko namang na-stressed rin sya dahil sa pagkawala ni Winter.


"Alam mo ang sarap mong—" gigil nyang sabi saakin. Tinaasan ko sya ng kilay ng hindi nya ituloy ang sasabihin nya. "Ang sarap mong kurutin.."


Napa-aray ako ng kurutin nya ang magkabilang mataba kong pisngi. "Erey, Hepie!" Tawa sya ng tawa habang pinipisil ang magkabila kong pisngi.

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon