28

159 10 0
                                    

"Ano?! Bigyan mo ko ng rason para mabuhay pa sa mundong to, Kuya! Wala na ang pangarap ko, pagod na pagod na ang katawan ko, wala nang nag papalakas ng loob saakin para lumaban pa!"

Binato ko yung bote ng alak sa sahig dahilan para mabasag iyon. Napatingin naman saamin yung ibang tao dito sa bar at nagulat sa ginawa ko.

"Euphoria naman, wag ka naman mag basag oh!" Galit na sigaw saakin ni kuya, kanina pa sya punong-puno saakin.

Agad naman nyang binayaran sa waiter ang binasag kong bote. Napaupo nalang ako sa upuan at napahawak sa ulo.

"Calm down, okay? Sabi ko naman sayo, mag take ka nalang ulit ng special exam! Next next week pa naman ang graduation nyo kaya pwede ka pa humabol!" Sigaw ni Kuya saakin habang naka-pameywang sya at bakas sa mukha nya ang stress.

"Kuya, pagod na ko.. a-ayoko na" tears started to fall down again on my cheeks. Akala ko, wala na akong ilalabas na luha. Akala ko, tapos na tong sakit na nararamdaman ko.

Siguro kahit sapakin nila ako, sampalin, sabunutan, at saktan, hindi ko na mararamdaman dahil manhid na manhid na ang sarili ko. I fvcking lost my dream! Yung ilang taon kong pinaghirapan, ilang taon akong nag aral, ilang taon akong naghirap para abutin yung magna cum laude na yun, tapos sa isang iglap, mawawala ang lahat?! Punyeta.

"Wag mong sabihin yan, Phori. I'll call mom, stay here" seryosong sabi nya bago lumayo para tawagan si Mommy. Napatakip naman ako sa mukha ko habang umiiyak.

Nawe-weirduhan ako sa sarili ko dahil, ang dami nang nangyari saakin, ang dami nang pumasok na problema saakin, Naaksidente si kuya, mom is threated by that bastards, i almost raped! And.. i fvcking lost my dreams. Lahat yon kinaya ko, buhay pa ako ngayon. But.. why?

Simula pa lang, alam ko na sa sarili ko na mahina ako, oo. Pinanganak akong mahina dahil nga nadala ko ang sakit ni mommy. Kaya ganun nalang ang pag-aalala saakin nila kuya, mommy at iba ko pang mga kaibigan.

Minsan, natanong ko narin sa sarili ko na.. bakit inaalagaan pa nila ako? Bakit nag sasayang pa sila ng effort na bantayan ako kung alam naman nila na sa isang matinding pag-atake sakin ng sakit ko, mawawala na ako. I can't get it! Bakit pa sila nag sasayang ng oras sa taong madali lang matapos ang buhay?

I wiped my tears and stood up para kumuha ng tubig sa bartender. He looked at me, worriedly ng makita ang itsura ko but i just gave him a small smile nang iabot nya saakin ang tubig.

Habang naka-sandal sa counter ay pinapanood ko lang ang mga taong masayang nag sasayawan sa dance floor, may mga nag iinuman habang sumasayaw, may nag da-dance bottle at yung iba.. masakit sa mata.

Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong tubig ng makita si Miya na sumasayaw sa gitna ng dance floor. Ngayon ko nalang ulit sya nakita since nung nag mall kami kasama si Joseph! Siguro busy sya sa Chrelary or what?

Nakita kong umalis sya sa dance floor at umakyat sa second floor kaya naman sinundan ko sya para sana kamustahin since wala naman si kuya. Maraming bumabati sakanya, of course she's the Queen Bee of Chrelary. She': beautiful, have a great-shaped body and smart. I wonder she's the Magna Cum Laude in Chrelary. S-Sana all..

Tumakbo ako papunta sakanya ng malapit na ako sakanya at muntik pa akong madapa dahil sa pag mamadali ko! May dumaang tao sa harapan ko kaya naman napa-kunot ang noo ko dahil matapos dumaan nung lalaking iyon ay nawala na si Miya sa paningin ko.

"Hey miss, drinks?" Yaya saakin nung lalaking naka-sandal sa railings. He looked at me from head to toe bago ngumisi. Inirapan ko lang sya at naglakad na ulit para hanapin si Miya.

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon