12

189 11 2
                                    


Nandito ako ngayon sa library, nakatambay lang.. tamang basa ng libro at tamang nood nalang rin sa ipad ko. Ngayon na ang simula ng mga programs kaya naman wala nang klase. Kanya-kanyang mundo na dito, kung gusto mo tumambay, hindi pumasok o sumali sa mga programs, wala nang pakielam ang mga teachers doon.


Kakatapos ko lang kanina pumunta sa Music Room para ipaalam si Winter na hindi makaka-kanta ngayon as planned. So, kahit hindi ko sabihin na ako ang papalit, yung teacher na agad ang nagsabing ako ang pumalit. Mas okay na yun..


"Tangmother—" sinamaan ko ng tingin si Larity ng kunin nya ang librong binabasa ko at umupo sa harapan.


"Anyare? Balita ko di ka sinipot?" Natatawa nyang sabi. Napasimangot naman ako. Naalala ko tuloy ulit yung pinagdaanan ko kahapon. Kainis. Sarap sampalin nitong babaeng to.


"Oo eh. Emergency daw" sabi ko nalang at nag research sa ipad ko. May pina-assignment kasi si Mr. Aguilar. Eh kahit bawal mag klase ngayon, kailangan nyang humabol sa mga lessons namin.


"Balita ko rin nag lasing ka kahapon ah? Kala ko ba hindi ka umiinom?" Napatingin naman ako sakanya. Dalawa lang ang pwede kong pagbintangan kung sino ang nagsabi sakanya noon, si Joseph o kaya si Hopia.


"Alam mo, hindi na balita yan. Tsismis na yan" inirapan ko sya. Napaka-tsismosa talaga nitong babaeng to.


"Pero Phori, wala ka bang nahahalata kay Franz?" Napakunot naman ang noo ko.


"Meron. Yung pag iiwas nya saakin sa hindi ko malamang dahilan" napataas ang kilay ko ng tawanan nya ako. Buti nalang wala yung librarian kundi pinalayas na kami dito.


"Highest honor, hindi mo malaman ang dahilan kung bakit ka iniiwasan? How insane" uminit naman ang dugo ko dahil sa sinabi nya. Porket top of the class, kailangan alam na ang lahat? Napaka-ano neto.


"Aba, highest honor lang ako hindi ako mind reader!" Sigaw ko pa sakanya.


"Pero kahit na ba. Obvious na obvious eh." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Anong obvious? "Kahit kami nga ni Colai nahahalata na eh"


"Eh kayong dalawa ba naman, tsismosa at tsismoso kayo, remember?" Binato naman nya saakin yung librong inagaw nya kaya naman sinalo ko iyon.


"Makinig ka kase. Hindi mo ba nahahalata? Sa tuwing magkasama kayo ni Cypher, nawawala sya sa mood. Tapos nung nalaman nyang magde-date kayo, iniiwasan ka na nya at tinutuon sa ibang babae ang pansin"


Napaisip naman ako. Tama naman lahat ng mga sinabi nya pero bakit nadamay si Raze dito?


"Anong ibig mong sabihin? Bakit nasama si Raze?" Kunot noo kong tanong. Gusto ko nang ihampas ang ulo ko sa pader para naman gumana ang utak ko. Pag dating talaga sa mga ganito, napaka-slow ko.


Napabuntong hininga sya. "That means, nag seselos sya kay Cypher—"


Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon