Natapos ang klase namin ng puro ako titig kay Raze. Parang hindi naman nya napapansin kaya okay lang. Ang galing nya kasi mag salita, mag explain, gumawa ng project, at kahit nakatitig lang ako sakanya, naiintindihan ko yung sinasabi nya.
Inairdrop na nya saamin ang act na ginawa. Hindi naman ako nag cooperate pero pinasa nya parin sakin. Aba, talaga lang! Baka mag bago ang isip kong i-tutor ang kapatid nya kung ganoon!
"Phori.." tawag nya saakin at nagmadaling lumapit saakin. "Hatid na kita?"
"Ahh.. cge—"
"Tara na, nagugutom na ko" napatingin ako kay Zean ng bigla syang sumulpot sa gilid ko. Badtrip, panira ng moment.
Awkward naman akong tumingin kay Raze na nakatingin ng seryoso kay Zean na parang wala nanamang pake sa paligid.
"Ahh.. sa sabado nalang, Raze—"
"Birthday ng kuya mo sa sabado diba?" Pinigilan kong mapasabunot sa buhok ko at tinignan nalang sya ng masama. Yung hopia naman, tinaasan lang ako ng kilay.
"Cge, next time nalang" sabi ko kay Raze at nginitian sya ng pilit. Kainis naman eh! Hahatid na nga ako oh!
"Sure. Bukas ah?" Nginitian ko lang sya at hinila na ako ni Zean palabas ng classroom. Pagka-layo namin agad ko syang sinapak sa braso.
"Napaka-epal mo, noh? Ihahatid na nga ako nang crush ko, sumulpot ka pa" inis na sabi ko sakanya.
"Cge, mauna na ako. Magpahatid ka na sa CRUSH mo" inis na sabi nya rin at binilisan ang lakad. Napanganga naman ako sa ginawa nya.
Tangmother! Napasapak nalang ako sa pader na nasa tabi ko dahil sa inis. Nilayo nya ko kay Raze tapos ganun ang gagawin nya? Nakakainis sya!
Maglalakad na sana ako para sundan sya pero napatigil ako ng may humawak sa pulsuhan ko. Napatingin ako sakanya, maikli ang buhon nya, maganda sya, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, manipis na labi at medyo maliit saakin.
"I'm Scarlet, Can we talk?"
Nandito kami sa Pakening Sht at nakaupo sa isang bench katabi ng malaking puno dahilan para may lilim at hindi kami masikatan ng araw.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko sakanya, may pagka-taray. Bakit ako magiging mabait sakanya? Sya ang dahilan kung bakit nagutom ako ng wagas kahapon no!
"Si Gio kasi..."
"Sorry, may gagawin pala ako" sabi ko nalang at tumayo na. Wala akong panahon para mapakinggan ang tsismis kay Gio. Kinakalimutan ko na nga yung tao tapos eto naman sila, puro pag papaalala saakin.
Maglalakad na sana ako palayo pero hinablot nanaman nya ang pulsuhan ko. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman napa-bitaw sya sa pagkakahawak saaakin.

BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.