Nandito kami ngayon sa clinic dahil nga sa braso nitong lalaking to. Injured daw yung braso nya at hindi daw magalaw. Pag may nangyari lang talagang masama dito, hindi ko na alam yung magagawa ko kay Gio.
"Sabi ko sayo, okay nga lang ako" sinamaan ko sya ng tingin. Kanina pa yan ganyan, ayaw ng may kasama dito sa clinic o talagang ayaw nya lang ako kasama?
"Okay ka sa lagay na yan? Sapakin kaya kita tignan natin kung okay ka lang?" inirapan ko sya at pinagpatuloy nalang ang paggawa ng assignment sa ipad. Si sir kasi eh absent ng absent.
"About sa sinabi ni Gio kanina--"
"Hindi naman ako naniniwala kaya wag kang mag alala" sabi ko sakanya habang nakatingin parin sa ipad. Pahirap na pahirap na ang lessons namin kaya naman grabe na ang lang ang focus ko. Mahirap na, baka hindi pa ako maka-graduate ng magna.
Saglit kaming natahimik dito sa clinic, kami lang kasi ang tao dito dahil iniwan kami nung nurse. May naaksidente rin daw sa pag lalaro ng volleyball. Tinignan ko sya para icheck kung okay lang ba at napakunot ang noo ko ng makitang nakapikit sya.
"Ginagawa mo?" agad naman syang napatingin saakin at umiling-iling. Napaka-weirdo nya! Nakakainis.
"Sabihin mo nga, may sasabihin ka ba o wala? Sasapakin kita kapag di mo sinabi--"
"Nagugutom ako." putol nya sa sasabihin ko. Agad ko namang kinuha ang phone ko para makapag-padeliver kami ng jollibee dito. Tinatamad akong lumabas dahil nga may ginagawa akong assignment.
"Akin na ipad mo." utos ko sakanya habang nakafocus parin sa assignment na ginagawa ko. Nang hindi nya sinunod ay agad ko syang kinurot sa tyan ni ikina-aray naman nya.
"Ikaw ah, pasimple mong hinahawakan abs ko—"
"Wala ka nun kaya ibigay mo na" inis na sabi ko sakanya at sinamaan sya ng tingin. Ngumuso naman sya bago ibigay saakin ang ipad nya.
Agad kong inairdrop ang assignment ko sakanya. "Hoy! Ba't mo ginawa yon? Gagawin ko naman mamaya yung assignment ko eh!"
"Wag ako, Hopia. Hindi ka gumagawa ng assignment" inirapan ko sya at napatingina ko sa pinto ng clinic ng may kumatok doon. Yung jollibee!
Lumiwanag naman ang mukha ni Hopia ng makita ang bitbit kong plastik. Bidabida talaga to. Hinanda ko na ang kakainin namin sa table at nakita ko naman syang nakanguso. Napaka-arte, sarap batukan.
"Oh," sabi ko at nilapit sakanya ang kutsarang hawak ko na may lamang chicken at kanin. Tinignan lang nya iyon na ikinainis ko naman.
"Hindi mo kayang kumain diba—" napairap nalang ako ng agad nya iyong sinubo at namula pa.
Napairap nalang ako at kumain narin. Susubuan ko na sana sya pero napatayo ako ng makita si Lucas na papasok ng clinic. Nanlalaki ang mga mata ko syang tinignan.
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.