Napasimangot ako ng makababa ng airport. Pinanood ko lang sila kuya at mommy na busy sa pagbaba ng mga bagahe. Bigla namang sumulpot sa tabi ko si Joseph kaya lalo akong napasimangot.
"Oh? Di ka ba masaya? Uuwi tayo ng korea." Sabi pa nya na lalong nag palungkot saakin. Yun na nga eh, uuwi kami ng korea. Malamang matatagalan kami doon.
"Okay lang yan. Atlis naka-graduate ka diba?" Sabi pa ni Kuya at inabot saakin ang dalawang maleta ko. Yumg isa ay malaki at yung isa naman hand carry.
"Hindi naman yun ang ikinalulungkot ko" tinalikuran ko sila at nauna na kami ni Joseph pumasok sa airport.
I graduated yesterday.. but, not a a Magna Cum Laude. Hindi ko naman talaga gusto abutin ang posisyon na iyon, gaya nga ng sabi ko dati.. gusto ko lang maging proud saakin sila mommy. Pero, hindi ko nagawa. Raze is our Magna Cum Laude and proud naman ako sakanya since nag bati na kami.
"Hey, smile! I told you, i'm so proud of you" sabi pa ni Mommy ng makaupo na kami sa departure area.
"I'm not sad mom.." sabi ko nalang at nag pekeng ngiti sakanya. Napatingin ako sa pinapanood ni Joseph sa tabi ko, walang katapusanv harry potter, amp.
"Di mo parin tapos yan?" Kunot noo kong tanong. Alam ko nung isang buwan nya pa pinapanood yan eh.
"Inuulit-ulit ko, ketba?" Inis na tanong nya pa pabalik saakin.
"Di mo kasi maintindihan kaya inuulit-ulit mo" mataray na sabi ko pa sakanya. Nag salita pa sya ng kung ano-ano pero di ko na naintindihan ng biglang mag beep ang phone ko.
Hopia: San na kayo, babe?
Di ko alam pero uminit agad ang pisngi ko ng makita ang message nya. At the same time ay nalulungkot. Bakit ba kasi kailangan pa naming mag bakasyon sa korea for christmas break? Di ko tuloy sya makakasama sa pasko.
Siopao: Waiting for departure.
Napatingin ako kay Kuya ng ayain nya ako bumili ng mga pagkain kaya naman agad akong tumayo at sumunod sakanya.
I'm wearing a white pants, white long-sleeves, black boots na heels at yung light blue coat ko ay nasa backpack pa dahil nasa pinas parin naman kami.
"Libre mo?" Tanong ko kay kuya habang tumitingin ng pagkain. Tumango sya kaya naman agad akong napangiti.
"Ate, dito nga po, dito, doon, atsaka yung isa po doon tapos eto narin po, saka eto at yung isa sa dulo tapos eto—"
"Seryoso ka dyan?" Kunot noong tanong ni kuya habang pinapanood ang mamili ng bibilhin. Nakangiti akong tumango at nang makuha ko na ang pagkain na binili ko para sakin ay umalis na agad ako.
Baka mamaya, sakin pa pabayaran eh. Euphoria's ways, omg.
"Aray." Napatingin ako doon sa lalaking bumangga saakin at napanganga naman ako ng makita ang gwapo nitong mukha. Agad akong napaiwas ng tingin. Phori, loyal tayo. Okay?
"Mianhe" napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nya. Koreano ba to? Naka-shades kasi at mask kaya hindi makita ang buong mukha.
"Korean ka no?"
"Ne? Ah... yes, i'm a korean" napasabunot ako sa buhok ko ng mag sink-in sa utak ko ang tinanong ko kanina. Koreano nga pano maiintindihan iyon.
"JUNGKOOOOOKK!" napalingon ako sa paligid namin at nakitang dumadami ang tao, yung iba ay kilig na kilig, yung iba nag tatatalon pa, yung iba tili ng tili.

BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.