19

151 13 0
                                    

"FRANZEAN COLENBRAN—"


"Ano?" Kunot noong tanong nya dahilan para maputol ang sigaw ko. Napasimangot naman ako ng makitang galit sya. Ano bang ginawa ko? Letseflan!


"Sabing wag ka sumimangot eh" napaayos naman ako ng mukha ng pisilin nya ang pisngi ko.


Bakit ba ayaw nyang naka-simangot ako? Eh asar sya ng asar saakin alangan namang matuwa ako dahil inaasar nya ako diba? Myghad.


"Sahihin mo, 'oo, pumapayag ako'" nakangiti kong sabi sakanya. Napataas naman ang kilay nya dahil sa sinabi ko.


"Bobo ka ba?"


"Ay wao. Nahiya ako sayo" inirapan ko sya. Sinabihan akong bobo habang sya tamang kopya lang kay Ivannie!


"Bakit ko naman sasabihin yun?"


"Kasi kaibigan mo ko." I gave him a cute smile. Saglit syang natahimik na para bang nag iisip. Tinignan nya ako bago bumuntong hininga.


"Oo, pumapayag ako" abot langit naman ang ngiti ko ng marinig ang sinabi nya. Nilabas ko ang phone ko at inistop ang voice recorder. Mas okay nang may ebidensya para hindi nya bawiin!


"Aba, napakataba ng utak! Kasing taba ng pisngi" sinamaan ko sya ng tingin. Ngayon, yung pisngi ko naman ang inaasar nya! Onti nalang mapapag-untog ko na sila ni kuya eh!


"Ano ba kasing gagawin—" hindi ko sya pinatapos at tumakbo papasok ng unit nya. Dumiretso ako sa kwarto nya at hinalungkat ang laman ng cabinet nya.


"Hoy tangmother, anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong nya ng makitang gulo-gulo na ang mga damit nya sa loob ng cabinet.


Hindi ko sya pinansin at napangiti ng makita ang tshirt na bigay ko sakanya na may maliit na sticker na hopia sa may kaliwang dibdib. Color black iyon at pagsinuot ko malamang, oversized. Kumuha narin ako ng jersey shorts nya na may nakalagay na '11'. His birthdate, bruh.


Iniwan ko ang cabinet nya doong parang dinaanan ng bagyo at hinila sya papasok sa condo ko.


"Euphoria Grazildon, magsalita ka para kang bata!" Inis na sigaw nya saakin ng makapasok na kami sa unit ko. Ngayon sya naman ang naiinis saakin, psh.


Tumakbo ako sa cabinet ko at kumuha doon ng pink off-shoulder at maong shorts na pwede para suotin nya. Lumapit ako sakanya at nilahad sa harapan nya iyon at nginitian sya.


"Tang—" hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng iplay ko ang voice recorder ko. Napabuntong hininga sya ng malalim bago kuhanin ang damit ko at dumiretso sa unit nya.


Napatalon naman ako sa tuwa at dumiretso narin sa kwarto ko para makapagbihis. Sinuot ko ang tshirt na bigay ko sakanya at tinuck-in iyon sa jersey shorts. Natawa nalang ako sa itsura ko at pinonytail ang buhok ko para mag mukha akong lalaki.

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon