Nakatulala ako ngayon sa kisame, malalim ang iniisip at nakangiti. Para akong baliw. Okay lang, baliw naman na talaga ako eh. Sakanya.
Niyayaya nya akong mag date sa wednesday.. anong ibig sabihin noon? Gusto nya rin ba ako? Binabalik nya ba ang feelings ko para sakanya?
Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon. At the same time, kinakabahan. Paano kung bigla syang manligaw saakin? Pano kung sabihin nyang gusto nya rin ako? Baka kung anong magawa ko kapag nag date kami. Nakakahiya, kung ganun.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumabas ng condo. Hindi ako nagdalawang isip kalampagin ang pinto ni Zean kahit na madaling araw na. Hindi parin talaga ako nakakatulog. Pero, hindi iyon ang dahilan kung bakit ko sya kailangan.
Kakatok na sana ulit ako pero napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad saakin ang Hopia na naniningkit ang mga mata at gulo-gulo ang buhok. Mukhang naistorbo ko tulog nya.
"Pwede ba tayo magusap?" Ngiting-ngiti kong tanong sakanya. Excited na akong sabihin sakanya na mag de-date kami ni Raze sa wednesday! I cant wait!
"Natutulog ako eh, istorbo.." nagulat ako dahil sa sinabi nya at sinarado na nya ulit yung pinto. What the wings! Sinabihan nya ba ako ng 'istorbo'?
Sa sobrang inis ko ay kinalampag ko ulit ang pinto. This time, matagal ang lumipas na minuto bago nya ulit buksan ang pinto, Kunot-noo.
"Ano ba? Ang hilig mong mang-istorbo—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at hinila na sya papasok ng condo unit ko.
Tinulak ko sya paupo ng sofa at nilock ang pinto para naman hindi na sya makalabas. Ang kulit eh! Nakakainis pa, sabihan ba naman akong istorbo!
"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong nya saakin ng makitang palapit ako ng palapit sakanya. Napairap naman ako.
"Sinabihan mo ba ako ng istorbo?!" Inis na tanong ko sakanya. Napalunok naman sya at napapikit dahil sa inis na rin.
"Ano ba kasing kailangan mo? Pwede mo naman ako itext o kaya tawagan, kailangang kalampagin pa ang pinto—"
"Hindi ka nagigising sa text o tawag!" Sigaw ko pa sakanya na ikina-buntong hininga nalang nya.
Napasigaw ako ng hilahin nya ako paupo sa tabi nya at tinignan ako ng seryoso.
"So, bakit nga?" Kunot noong tanong parin nya. Napakagat naman ako sa kuko ko at umiwas ng tingin sakanya. Lahat ng inis ko kanina sakanya, napalitan ng hiya.
Sasabihin ko ba?
"A-Ano kasi.."
"Ano?"
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.