Nakatulala lang ako habang kumakain kami. Sila lang pala. Nawalan na ako ng gana dahil sa sinabi ni mommy kanina. Fiancè? Ikakasal ako ng walang kaalam-alam? Ikakasal ako sa taong hindi ko naman kilala? Gusto kong magalit kay mommy dahil hindi nya sinabi saakin kaagad pero hindi ko kaya. Ayokong magalit sakanya sa ganitong sitwasyon na kakatapos lang nila ni Dad maghiwalay. Pero, paano? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pwede.. ayoko..
"Hey, you okay?" Napatingin ako kay kuya nang mapansin nyang hindi na ako kumakain. I faked my smile at him and nodded.
Uminom ako ng tubig at nakita kong nag aalala ring nakatingin saakin si Lucas but he just gaved me a smile bago pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi ako nagsasalita hanggang sa matapos silang kumain. Hindi parin talaga ako makapaniwala. Maski-si kuya ay nagulat kaya alam kong hindi nya alam. Alam kong wala naman akong magagawa dahil nga si mommy ang nagsabi. Pero.. ikakasal? What the wings!
"Mauna na ako sainyo, uuwi pa ako sa bahay ng auntie nyo" nakangiting paalam ni mommy saamin ni kuya ng makalabas na kami ng restaurant. Nang tignan nya ako ay nagiwas lang ako ng tingin.
"Phori, darling, i'm very sorry.." sabi nya pa at niyakap ako. Hindi man lang ako nag aksaya ng oras para gantihan ang yakap nya kay agad syang humiwalay saakin at kiniss si kuya sa cheeks bago sumakay sa kotse nya.
"Uuwi na rin ako. Ikaw?" Tanong saakin ni kuya. Napabuntong hininga nalang ako. Parang nawalan na ako ng gana..
"Phori.. h-hatid na kita?" Napatingin ako kay Lucas ng lumapit sya saakin, nagkakamot ng batok na para bang nahihiya.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni kuya.
"Una na ako." Sabi nya at lumapit saakin para ikiss ako sa cheeks pero may binulong sya pagkatapos noon, "Call me if you need me."
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko ng tuluyan na syang sumakay sa kotse nya. Tumingin ako kay Lucas na nakayuko, nasa bulsa ang dalawang kamay at pinaglalaruan ang batong nasa sahig gamit ang paa.
"Let's go." I act normal before going to his car. Nagulat ako ng tumakbo sya papalapit saakin at sya ang nagbukas ng pinto para saakin.
Nginitian ko lang sya ng tipid bago sumakay. Nang makasakay narin sya sa driver's seat ay pinaandar na nya agad.
"Sa Matcha Condo ako." Sabi ko nalang para naman alam nya kung saan sya pupunta. Parang kanina pa kasi sya kinakabahan na parang mag rereport sa harap ng principal. Napabuntong hininga nalang ako at tinuon ang atensyon sa bintana.
"Are you okay?"
"Yeah." Sagot ko habang nakatingin parin sa bintana. Sa totoo lang, hindi ako komportable dito sa kinauupuan ko. Sitting next to a stranger is sick.
"Dont worry, wala naman akong gagawin sayo eh."
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.