Hinanda ko na ang mga pagkain sa coffee table. Lagi kaming kumakain sa coffee table pag kaming dalawa lang at hindi ko alam kung bakit. Nilapag ko ang isang plato sa harap nya habang pinapanuod nya lang ako.
"Hindi ka kakain?" Kunot noong tanong nya saakin. Umiling lang ako at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng banana milk at tumabi sakanya.
"Sabi mo kakain 'tayo' tapos ako lang kakain. Ano yun parang nasa relasyon tayo tapos ako lang mag isang nagmamahal?" Napakagat ako sa straw ng banana milk at tinignan sya.
"Pinagsasabi mo dyan?" Umiling nalang sya at nagsimula nang kumain. Ang weird talaga nitong baklang to.
"Ang dami mo naman atang inuwi? Pyestahan ba pinunta nyo ni Miya?" Napangisi ako at pinigilang matawa dahil baka sabihin nya baliw na ako.
"Nakasalubong kasi namin si Joseph kanina. Eh nag mayabang na ililibre kami ng dinner kaya ayun, sinulit ko na" napatango naman sya at nanood nalang ako ng Tv.
Nakakailang kasi sobrang tahimik nanaman namin. Nag aalala tuloy ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang lutang ko hindi ko namalayang ibang klaseng scene na pala ang pinapanuod ko. Agad kong pinatay iyon at umiwas ng tingin sakanya.
"Sus, feeling inosente" sabi nya at kumagat sa pizza. Inirapan ko lang sya at pumunta sa kwarto para kuhanin ang ipad ko.
"Na-airdrop ba sayo ni Raze yung project?" Tanong ko sakanya ng makabalik na ako, naka-focus parin sa ipad.
"Oo. Napaka-daya mo nga eh may project ka, di ka naman nakikinig" napataas ang kilay ko at napatingin sakanya.
"Pano mo naman nalaman na hindi ako nakikinig?"
"Titig na titig ka kaya kay Cypher" inis na sabi nya sabay subo ng kanin. Napakagat naman ako sa straw ng banana milk. Kung nakita nya, edi lahat ng mga ka-team ko kanina nakita rin? O baka nakita nya lang dahil nakatingin rin sya saakin?
"San kayo pupunta bukas?" Taas noong tanong nya saakin at napaiwas naman ako ng tingin. Bat ba sya ganito kung kumilos? Daig pa si kuya.
"Sa bahay nya—"
"Ano?!"
"I mean.. itu-tutor ko yung kapatid nyang si Rizza dahil sabi ng Mommy nya." Sabi ko agad sakanya. Baka mamaya, kung ano pang isipin nya at isumbong ako kay kuya.
"Matalino naman sya ah. Bakit hindi sya yung magturo sa kapatid nya?"
"Aba, malay ko. Ba't ka ba tanong ng tanong?" Inis na sabi ko sakanya at inirapan sya.
"Sus, gustong-gusto mo naman." Inubos nya na ang mga hinanda kong pagkain sakanya at halata namang hindi sya gutom dahil naubos nya lahat ng inuwi ko. Hindi talaga, slight lang.
"Dito ka matutulog—"
"Uwi na ko. Thanks sa pagkain" pagpuputol nya sa sasabihin ko at lumabas kaagad ng unit ko. Napataas naman ang kilay ko. Ano yun? Eat and Run? Aba.
BINABASA MO ANG
Btw, He's my Bestfriend
Teen FictionSince birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendships.