5

218 11 3
                                    


"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kunot noo kong tanong kay kuya habang nakatingin sa bintana. Its already 1:28 in the morning and i still cant sleep.


"Nakakainis ka. Nakalimutan mo na agad birthday ko?" Natawa ako dahil kung kausap ko lang sya ngayon in person, naka-pout na sya.



"So, ano balak mo?"


"Bar."


"Kuya!" inis na sigaw ko sakanya. Wala akong pake kung magising si Hopia na natutulog sa sahig. Nakakainis! Sa dinami-daming lugar na pwede syang mag celebrate, sa bar pa!


"Bakit? Ako may birthday ah"


"Edi wag ka nang umasa na pupunta ako doon!" napairap ako kahit alam ko namang hindi nya makikita iyon.


"Sa sabado pa naman eh. Cgi naa, please?" Napabuntong hininga ako. Yan nanaman sya. Nag papa-cute nanaman!


"Pano si mom?"


"Well, nasa korea parin sya ngayon and hindi rin naman nag tetext saakin. Pero, wag kang mag alala. Kachat ko si Julia" napatango naman ako. Kala mo talaga makikita nya eh.


"Cge na. May apat na araw pa naman para pag isipan ko kung pupunta ba ako o hindi"


"Phori naman eee" natawa nalang ako at napailing bago ibaba ang tawag. Para talaga syang bata.


Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas. Malamig ang simoy ng hangin sa labas kaya naman hindi ko na binuksan ang aircon. Mula dito sa bintana ng condo unit ko, makikita ang iba pang bahay, buildings o stores. 9th floor kasi ang condo unit ko kaya mataas. Nakaka-relax lang.


Naalala ko si Gio kanina. Bakit nya pinagsasabi ang mga iyon? Halatang-halata sakanya na hindi pa sya naka-move on saakin. Ni-hindi nya man lang inisip kung anong mararamdaman ng girlfriend nya sa mga pinagsasabi nya saakin kanina. Bakit nga ba kami nag break?


Si Giomark Antonio ay ang leader ng Typhoon Gang. Ang kaisa-isang Gang na kinakatakutan ng lahat ng Herculians. While me, just an ordinary girl na gustong-gustong makuha ang posisyon ng Magna Cum Laude. So, paano kami nagkatagpo diba? Ang layo ng sitwasyon namin sa isa't isa.


Nagkakilala kami nung middle school. Magkaklase kami and kami ang nagka-partner sa isang partner act. So, ibig sabihin lagi kaming magkasama. Puro sya banat saakin ng mga pick-up lines. Yun lang ang mga ginagawa nya habang ako, ginagawa ang project namin. Eh ako naman tong si tanga, nagpahulog ayun. Kami na.


So, bakit nga ba kami nag break? Kasi—


"Lalim ng iniisip." Muntik na kong mapasigaw ng may magsalita sa tabi ko. Agad ko syang kinurot sa tagilirian na ikina-tawa naman nya.


"Ba't gising ka pa?" Tanong ko at tumingin sa lockscreen ng phone ko para makita ang oras.


Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon