26

146 13 0
                                    

Matapos nyang gawin yun ay niyakap nya ako ng mahigpit na para bang ayaw na nya akong pakawalan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nag-panic ako sa hindi malamang dahilan.


"We want your mom's money"


"HELP--"


"Papatayin ko ang mommy mo pag hindi ka tumigil dyan"


Agad kong natulak si Zean sa hindi malamang dahilan. Naiyak ako ng malakas, napahagulgol, bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ako lumalayo kay Zean ngayon.


"Dont! Please dont! Nagmamakaawa ako sayo.." umiiyak kong sabi at onti nalang ay lumuhod na ako sa harapan nya para mag makaawa.


"Phori.." tawag nya sakin na para bang naguguluhan sya sa nangyayari at nasaktan sa ginawa ko. Triny nyang lumapit saakin pero agad ko syang binato ng unan para patigilin sya sa balak nyang gawin.


"Damn you! Wag na wag kang lalapit saakin!" sigaw ko sakanya habang pilit na lumalayo. Nakatayo lang sya sa harapan ko habang lumuluhang nakatingin saakin.


Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa si kuya kasama si Mommy. Lalo akong naiyak at dahil sa iyak na pinipigil ko ay nahirapan akong huminga. Agad na lumapit saakin si mommy at tumawag naman si kuya ng doctor.


Napakapit ako kay mommy ng maramdamang para akong nahuhulog sa kung saan. Hirap na hirap akong abutin ang hininga ko kaya naman agad na sinuot saakin ni mommy ang oxygen mask.


"Phori.. hinga lang.. calm down, okay?" pagpapakalma saakin ni mommy at niyakap ako. Sakto namang dumating na ang doctor at si kuya.


Pinapaypayan na ako ni kuya habang yakap-yakap naman ako ni mommy. Nilakasan rin ng nurse ang aircon at lumapit naman saakin yung doctor. May kung ano syang ginalaw sa oxygen bago tuluyang lumapit saakin.


"Breathe Ms. Grazildon, breathe.." napapikit ako ng sabihin yun ng doctor. May tinusok syang injection saakin pero wala man lang akong naramdamang sakit.


"Mom.. i- i c-cant b-breathe.." hinang-hina kong sabi kay mommy na nakayakap saakin, naluluha narin.

 

















Franzean's Pov

Tulog na si Phori ngayon matapos syang turukan nung kung anong doctor. Kahit papaano ay nakahinga kami ng maluwag dahil nag papahinga na sya ngayon. Napaupo ako sa sofa at pinigilang maiyak. Napahawak nalang ako sa ulo ko at bahagyang napaupo.


Damn! Ang sakit.. hindi ko aakalaing pagtatabuyan nya ako ng ganon. Na para bang isa akong masamang tao at takot na takot sya saakin. Gusto ko lang naman sya pakalmahin at iparamdam sakanya na nandito lang ako ano mang nmangyari. Pero bat ganun... harap-harapan nya akong pinagtatabuyan.


Lumabas saglit ang doctor kasama si Tita at Kuya Jake kaya naman naiwan kaming dalawa dito ni Phori na mahimbing ang tulog. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at pinigilang maluha.

Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon