2

309 17 0
                                    


Matapos akong dalhin ni Zean sa Mall para mag libang-libang ay hinatid na agad nya ako dito sa bahay. Tignan ko pala ang bahay namin ay parang ayoko na pumasok. Alam na alam ko nang may gera sa loob. Nakaka-wala tuloy ng gana pumasok.


"Wag mo silang pansinin, kausapin mo si kuya Blaster. Tawagan kita mamaya" tinanguan ko lang si Hopia at binatukan sya bago bumaba ng kotse.


Kumaway pa ako sakanya bago huminga ng malalim at pumasok sa bahay. Malaki ang bahay namin pero pagpasok ko palang ng pinto ay rinig ko na ang mga sagutan nila mommy sa kwarto nila.


"Ija, kakain ka?" Tanong ni yaya saakin. Nginitian ko lang sya ng tipid bago umiling. Bukod sa wala akong gana ay kakakain lang rin namin ni Zean kanina sa HappyCafe.


Umakyat ako at pumasok sa kwarto para iwan doon ang bag ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni kuya at umupo sa kama nya.


"You saw, right?" Agad na tanong nya saakin. Nakaupo sya sa tabi ko at halatang kakauwi nya lang rin dahil naka-uniform pa sya.


Tumango lang ako at bumuhos nanaman ang luha ko. Narinig ko ang buntong hininga nya bago ako yakapin ng mahigpit.


"Ang unfair, kuya.." sabi ko habang umiiyak. "He's so happy with other girl and other kids. Pero pag kasama nya tayo, seryoso ang mukha nya. Its my first time to see him smiling, pero sa ibang dahilan pa."


Hinaplos ni kuya ang buhok ko para patahanin ako. Is this the end? Dito na ba masisira ang pamilya namin? Ito na ba yung araw na yun? But, why? Kaka-reject ko lang kay Raze kanina tapos eto? Wingshit!


Napatigil kaming dalawa ni kuya ng makarinig ng basag sa baba. Nanginig ako sa hindi malamang dahilan at agad namang lumabas si kuya ng kwarto.


Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinundan ko si kuya sa baba. Napa-takip ako ng bibig ng makita ang nangyayari sa baba habang nasa hagdan. What the wings is happening?!


"Kaya ka pala lagi wala sa bahay dahil jan?!" Galit na galit na sabi ni Mommy at napansin kong may hiwa sya sa braso pero hindi naman iyon masyadong nagdudugo at maliit lang.


"I told you, kaibigan ko lang sya!" Sigaw pabalik ni Daddy habang naka-hawak sa ulo.


"Kaibigan?! Mukha ba akong tanga sayo, Apollo para sabihin mo saakin ang mga salitang iyan—" napatigil si Mommy sa pagsasalita ng sumapak si Daddy sa pader causing the mirror to break.


"Yan ang ayaw ko sayo, Serendina! Lagi mo nalang pinapamukha sa sarili mo na tanga ka!" Hindi ko na napigilang mapaiyak ng malakas at tila nanghina ang mga tuhod ko at napaupo nalang ako sa hagdan.


"Hindi naman ako magmumukhang tanga kung hindi mo ako ginagawang tanga! Nakita ka ng anak ko, masayang nakikipag-kwentuhan sa babae mo at sa mga anak mo! Tapos, sasabihin mong tanga ako?!" Sigaw ni mommy. Napahawak nalang ako sa ulo ko at agad na tumakbo papasok sa kwarto.


I cant watch them fighting in front of me. Nakakapanghina!


Btw, He's my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon