DH-C1

10 0 0
                                    

Kakatapos lang ng summer. Pasukan na naman. Ni hindi ko nga alam na nakapag enroll na pala ako sa isang school.Hindi ko din alam na nag eexist pala tong school  nato eh. Well sabi ni Mama at Dada eh sila na daw yung nag enroll sakin sa school na yun. Ipinasok nila ako sa school na yun without my permission. Weird. Sa buong buhay ko ngayon lang hindi humingi ng permiso sakin si Mama at Dada sa  papasukan kong school. Sa katanuyan eh papapunta na nga kami dun. Nakahanda na din ang mga gamit ko. Sa halip na mga kabahayan ang natatanaw ko eh, mga malalaking puno lang.

Umabot din ng tatlong oras ang naging byahe namin. Hanggang sa matanaw ko na ang isang gusali na may roong matataas na pader. Naramdaman kong huminto na ang sasakyan at lumabas sina Mama at Dada kaya lumabas din ako. Woah, ang tataas naman ng mga pader dito. Ni hindi mo man lang mapagkakamalang school to. Isa-isa ng ibinababa ni Dada ang mga gamit ko na nasa likod ng kotse. May isang babae naman ang papalapit sa gawi namin. Sa tingin ko eh nasa Age 60's na siya. Yung aura niya kase parang aura ng lola ko hehe.

"Welcome sa Drayton High Ms.Collin". bati nung babae. "Well I am Ms.Davis ang Principal ng Drayton High". pahabol ni Principal Davis.

"Ahm Thankyou po". Drayton High? Secret school ba to? Bago lang kase sa pandinig ko.

"Sweetie, we'll miss you. Alagaan mo ang sarili mo dito sa Drayton ha? Be brave sweetie. Always protect yourself and promise me na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo sa school nato. Okay?". Ahhh, ma miss ko din naman kayo eh. Tumango lang ako at ngumiti. Ginawaran naman ako ni Dada ng halik sa noo bago tuluyang pumasok sa Drayton, at sa huling pagkakataon nilingon ko sina Mama at Dada. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala para sa akin.

Nang tuluyang makapasok sa school, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Drayton. Malaki eto kumpara sa dati kung pinapasukan. Kita din ang taas ng pader na pumapalibot sa Drayton.
Sinundan ko na lang si Principal Davis hanggang sa dumating kami sa Isang gusali. Marahil eto na nga ang Dorm.

"Eto na ang susi ng room mo Ms.Collin. Nakahanda nadin ang mga gamit mo sa kwarto. Room 056. Feel at home". Tumango lang ako at kinuha ang susi sa kaniya. Nagsimula nading maglakad papalayo si Principal Davis.

Naglalakad lang ako ng makarating sa pinakadulong kwarto ng gusali. Room 056. Tama, eto na nga ang kwarto ko. Ipapasok ko na sana ang susi ng bigla nalang bumukas ang pintuan. Isang pigura ng babae ang bumungad sakin. Marahil eto ang ka roomate ko.

"Hiii, pasok ka". tinulungan niya din ako sa iba ko pang gamit. "Ako nga pala si Zeira. Zeira Snow Villaremos. Matagal na din akong estudyante ng Drayton pero ni kailanman hindi ako nakalabas". bakas sa boses niya ang pagkadismaya. Anong ibig sabihin niyang hindi pa siya nakakalabas?.

"What do you mean?". takang tanong ko sa kaniya.

"Huh? hindi ba nasabi ng mga magulang mo ang tungkol sa Drayton?". kunot-nuo niyang tanong. Well hindi, ni hindi ko nga alam na Drayton pala yung papasukan ko eh. Umiling lang ako.

"Well ako nalang ang magsasabi". Ni minsan hindi talaga to nasabi ni Mama at Dada sakin. Ni hindi nga pamilyar sakin ang Drayton.

"Drayton High. Isang paaralan kung saan pinapadala ng mga pamilyang member ng Drayton Assasination ang mga panganay nilang anak bilang pagtanggap sa naturing organisasyon". panimula ni Zeira. Huh? hindi ko naman alam na member ng isang organization sina Mama at Dada ah o baka hindi nila sinasabi sakin. "Dito nila tayo ipinadala upang sanayin. Sinasanay nila tayo para protektahan ang naturing organisasyon laban sa iba pang Organisasyon na gustong sakupin ang Drayton Assasination kabilang na din ang Drayton High". So kahit mamatay kami basta ma protektahan lang tong Drayton?

"Kahit mamatay man basta na protektahan lang ang Drayton. Hindi lang kami basta-bastang mag-aaral dito. Kaya naming kumitil ng buhay. At kakayanin mo din kase wala kanang magagawa. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ka nandito diba? Ang labanan at paghandaan ang pagdating ng mga kalaban. Hindi na natuloy ang sinasabi ni Zeira ng biglang may kumatok sa pintuan na siya namang pinagbuksan ni Zeira. May pinagusapan sila ng lalaki saka siya nagpaalam sakin.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Maaliwas at maayos eto. May mesa, dalawang upuan at isang refrigerator. Maganda din ang kulay ng kwarto. Pumunta ako sa isang kama malapit sa may bintana. Eto nga ang higaan ko. Malambot at mabango ang mga sapin at unan neto. Sa taas ng kama ay may mga nakapatong na damit. Marahil ay eto ang uniporme ko at iba ko pang susuotin. Kasama na dun ang sapatos ko at isang Identification Card. Isa-isa ko ng  nilabas ang mga gamit ko at inilagay sa kulay abo na cabinet.

Nagdesisyon na muna akong lumabas para makapaglibot sa buong Drayton. Bago lumabas si Zeira eh tinanong ko na muna sya kung bukas ba ang library ng Drayton. Bukas naman daw tsaka dalhin mo lang yun Identification Card mo. Paglabas ko ng dorm eh kita ko na agad yung mga estudyante na may kaniya-kaniyang grupo. Nagtatawanan, nagchichismisan at nagbubulungan. Hindi halata na kaya nilang kumitil ng buhay.

"Ahm excuse me, saan banda yung library dito? Bago lang kase ako kaya hindi ko pa alam hehe". tanong ko dun sa babaeng nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno. Maganda ito at may makinis na balat. Maganda din ang hubog ng katawan neto. Matangkad at bumagay sa kaniya ang brownish niyang buhok na hanggang pwet na may konting kulot sa dulo. Ngumisi ito sa akin at tumayo.

"Sa library din ang punta ko gusto mo sabay na tayo?". She's nice. Akala ko talaga susungitan niya ko pero laking pasasalamat ko ng hindi niya ako sinungitan. Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula nading maglakad sa direksyong kanyang tinatahak. " I'm Astrid. Astrid Synx Alberts". pambabasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Katana. Katana Diezel Collins". sagot ko s kaniya habang nakangiti.

"Kailan kalang dumating? Bukas na mag uumpisa ang unang araw ng klase at unang araw ng pag eensayo natin. Anong Room mo?". tanong niya. diko kase alam eh hehe!

"Hindi ko kase alam eh hehe". tumigil na muna siya sa paglalakad saka ako tinignan.

"Siguro hindi sinabi ng mga parents mo noh? Ayos lang yun sasamahan naman kita eh". nakangiti niyang ani. Buti pa siya aware siya sa kung anong mangyayari sa kaniya dito. Tumango lang ako at napakamot sa ulo.

Biglang tumigil si Astrid at ibinigay ang Identification Card niya sa nakasalaming babae kaya yun na din ang ginawa ko. Habang papasok sa loob eh hindi ko maiwasang magtaka kung ano ba talaga ang storya ng Drayton. Huminto kami at umupo sa isang bakanteng lamesa. Dahil nga bawal maingay ay hininaan ko ang boses ko bago magsalita.

"Astrid alam mo ba kung anong nangyayari sa Drayton?". Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at luminga-linga sa magkabilang gilid bago sinagot ang tanong ko.

"Gusto mo ba talagang malaman?". tumango lang ako. Nagpakawala na muna siya ng buntong hininga bago magsalita ulit. "Sabi ni Mommy at Daddy eh saklaw daw ng Drayton Assasination ang Drayton High. Ang Drayton Empire ang namamahala sa organisasyon. Lahat ng panganay na anak ng mga kasapi ng naturang organisasyon ay pinapadala dito para sanayin. Sinasanay nila tayo para protektahan ang Drayton High laban sa ibang organisasyon na may balak na abgkinin ito. Sabi din nila nasa Drayton ang kaisa-isang anak ng mga Drayton pero ni isa hindi alam kung sino siya. Hindi siya nagpakilala bilang Drayton para na din sa kaligtasan niya. Kapag nalaman ng ibang organisasyon kung sino ang anak nito magagamit nila ito laban sa Drayton Empire. Kaya napag-isipan nilang hindi siya ipakilala bilang Drayton kung kaya't hindi pinasabi o may nakakita sa mistulang anak nila. Hanggang ngayon palaisipan pa din kung sino ang anak nila dito. Wala namang nag lakas-loob na alamin kung sino ang susunod na tagapagmana ng Drayton kase pinapapatay". Sino nga ba talaga ang taong yan? Napaka misteryoso niya naman.

Lumipas ang isang oras ay nagpaalam na din ako kay Astrid na babalik na muna sa Dorm para magpahinga. Malapit nadin gumabi. Nagsibukasan nadin ang mga ilaw sa bawat pasilyong aking dindaanan. Pagpasok ko ay wala akong taong nadatnan sa loob kung kaya't wala pa si Zeira. Pagkatapos kumain ay nagbihis na muna ako ng pantulog bago humiga sa kama. Dahan-dahan na akong humiga at kinausap ang litrato ni Mama at Dada. I miss them so bad. Hanggang sa naramdaman ko na ang pagbigat ng aking mga talukap.

Drayton HighWhere stories live. Discover now