DH-C2

3 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang aking alarm. Iniligpit ko muna ang aking higaan bago naligo. Sinigurado ko na din muna na ayos na ang lahat ng mga gamit ko bago lumabas. Hindi ba umuwi si Zeira dito kagabi? Kahapon pa siya wala eh. Pagkatapos ng lahat ng paghahanda eh dali-dali na din akong lumabas. Inilock ko munta ang pinto. Nakuha ko na din ang class schedule ko pati na rin ang room number ko. Nandun lang pala nakasabit sa tukador hehe. Lakad lang ako ng lakad ng nakita ko si Astrid, dahil hindi ko nga alam san ko mahahanap yung room ko eh magpapasama nalang ako. Kapal ng fes ni ate oh HAHAHAHA.

"Oh alam mo na ba anong room mo?". Bagay na bagay sa kaniya yung uniform namin. Simple lang siya kung tignan.

"Alam ko na pero hindi ko alam saan hahanapin hehe". napakamot nalang ako ng ulo. Eh sa hindi nga ako nakapaglibot sa Drayton. Library lang din yung alam kung lugar dito.

"Anong room number mo ba?". nakangisi niyang sambit. Hindi talaga ako mauubusan ng laway kakapuri sa kaniya.

"RM.056". Bigla niya lang pinulupot ang kaniyang mga kamay sa aking braso. Napakalapad ng ngiti ni Astrid ngayon ah.

"Well walang problema, sabay na tayo we're classmates naman pala hahaha". Wow classmate naman pala kami, kaya ayon nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa aming silid.Buti nalang at hindi pa kami late hehe. Madaldal kase tong si Astrid eh HAHAHA panay kwento sa buhay niya. MMK lang ang peg? HAHAHAHA

Panay tawanan, chismisan at kwentuhan ng mga kaklase ko. Hindi naman nauubusan ng topic si Astrid kaya ayon nag kwekwento pa din HAHAHAHA. Bigla nalang may pumasok na may katandaan ng babae na sa tingin ko ay ang professor namin.

"Goodmorning Draytonians. I'm Ms. Stefañia ang magiging professor  sa daytime class niyo." Isa-isang tinatawag ni Ms. Stefañia ang mga pangalan namin para sa daily attendance. Sa kalagitnaan ng pagtatawag ni Ms. Stefañia ay may pumasok na walang emosyong lalaki at nilagpasan lang si Ma'am. Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa likurang upuan.

"Mr. Shem Ferell hindi mo ba nakuha ang class schedule mo?". tanong ni Ms. Stefañia sa kaniya. Sa halip na sagutin niya eto ay tinignan niya lang si Ms. Stefañia ng naka poker face. Sungit. Saka ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana.

Nagsimula ng magsalita si Ma'am. Imbes na makinig sa mga sinasabi ni Ma'am eh kay Shem lang nakatuon ang atensyon ko. Sa bintana padin ang tingin niya, hindi ba siya nakakaramdam ng pangangawit? Baka mabali na leeg niya yan.

"Hoy, Katana". Bulong ni Astrid sakin. Palipat-lipat ang tingin ni Astrid sakin at kay Shem ng bigla niya lang sinundot ang tagiliran ko na nagpabalik sa aking wisyo.
"Type mo noh?". ngisi niyang nakakaloko. Hindi naman sa type ko siya pero nakuha niya lang talaga ang atensyon ko. Parang may kakaiba sa kaniya pero hindi ko naman alam kung ano. Weird.

"Hindi noh". Pagtanggi ko sa sinabi niya.

"Suss, baka nga matunaw na yan kakatitig mo eh". hindi parin mawala ang ngii niyang para bang nanunukso. " Ganiyan talaga yan, weird HAHAHA gwapo sana kaso snob. Ni wala nga siyang masyadong kinakausap eh". Sa huling silip ko sa kaniya,nagkatitigan na muna kami pero umiwas din ako agad. Baka mapagkamalan pa nun na crush ko siya. Natapos na ang daytime class namin.

"Katana, kain tayo dun sa cafeteria. Balita ko yummy yung mga food dun". taas-baba ang kilay niya habang nakangiti. Wala na akong choice dahil hinila niya na ako papalabas ng classroom.

Dun kami naupo sa tabi ng  water dispenser.

"Katana anong order mo? ako na pipila". Nice hindi na ako pipila hehehe.

"Chocolate cake at soda nalang". Tumango lang siya at naglakad papalayo papunta sa food counter. Dumating na nga si Astrid at isa-isang nilapag ang mga inorder na pagkain. Habang abala sa paglapag ng pagkain namin si Astrid. Bigla nalang napako ang aking tingin sa isang lalaking kumuha ng tubig sa water dispenser na katabi lang ng table namin. Bigla namang dumating si Shem saka umupo sa likuran ng table namin. Habang abala kami sa pagkain eh bigla na lang may bumulagta sa sahig, yung lalaki pala kanina na kumuha ng tubig sa gilid ng table namin.
Dali-daling tumakbo si Shem papunta sa kinaroroonan ng lalaki. Kinapa ni Shem ang pulso niya saka tumayo.

"Patay na siya. Lason, lason ang ikinamatay niya". Ani ni Shem. " At ang lason na ginamit para patayin siya ay ang Sympamore". Iba kasi ang epekto kapag nalason ka ng Sympamore. Bigla ka nalang bubulagta at may lalabas na dugo sa ilong o sa mata mo.

"Baka yung tubig ang hinaluan ng sympamore". ani nung babaeng ka table niya. Ayon sa aking nakita pare-pareho sila ng inorder  bukod lang sa tubig na ang biktima lang ang kumuha. Pero malabo namang tubig ang dahilan ng pagka deads niya. Nakita ko kase siyang kumuha ng tubig kanina pati na din yung ensaktong laman. Pano naman siya malalason sa tubig kung hindi niya naman ito nainom?

"I think hindi sa tubig inilagay ang lason". Wait! Omg sinabi ko ba talaga yun? Gosh! Kung kanina kay Shem lang ang atensyon nila eh nabaling na sa akin. Kita sa kanilang mukha ang pagkagulat at puno ng pagtataka. Kunot-noo namang napako sakin ang tingin ni Shem. Nagpakawala na muna ako ng isang buntong hininga bago nagsalita ulit. " Malabong tubig ang dahilan kung bakit siya namatay. Nakita ko kase siyang kumuha ng tubig dun at ang ensaktong laman ng baso. Kung titignan ang baso eh hindi niya naman eto na galaw o nainom". Yes malabo ngang ang tubig ang hinaluan ng lason.

"Anong ibig mong sabihin? So saan nga hinalo ang lason?". tanong nung isang lalaking ka table niya din.

"Sa soda". tipid kong sagot.

"Huh? Edi sana pati kama nakabulagta nadin diyan sa sahig". Easy girl patapusin mo muna ako.

"Kung titignan hindi kayo maghihinala kase pareho silang soda ang inorder pero tignan niyo iba ang soda ng biktima sa mga soda ng mga kasama niya". Iba nga ang soda ng biktima.

"Hindi niya naman inorder ang soda eh, nasa loob daw yan ng locker niya kaya kinuha niya na lang. Paborito niya din kase ang sodang yan". Kaya pala. Nakakuha ng pagkakataon ang salarin na ilagay iyon sa locker ng biktima dahil alam niyang hindi ito matatanggihan ng biktima.

"Kaya nakakuha ng pagkakataon ang salarin para lasunin ang biktima kase alam niyang hindi niya ito tatanggihan". Sino kaya ang gumawa nito sa kaniya? Ano ang motibo niya para lasunin ang biktima?

Kinuha na ang bangkay ng lalaki. Bago bumalik sa table eh sinulyapan ko na muna si Shem na sinusuri ang soda. Bigla niya nalang binaliktad ang soda at may nakita akong isang marka. Kulay itim na marka na may ekis sa gitna, may letra ding nakasulat doon. H. huh? Ano namang ibig sabihin nun? Matapos kumain ay nagpaalam na ako kay Astrid na pupunta na muna ako sa Dorm para magpahinga. May nightime class pa kase kami. Lahat daw magtitipon-tipon sa gymnasium para magsanay.

*****

Someone's POV

"May nalason na estudyante sa Drayton kanina. Ang lasong ginamit sa kaniya ay ang Sympamore."

"Nagsisimula na ngang kumilos ang kalaban. Isa lang naman ang gumagamit ng lason na Sympamore hindi ba?. Kailangan lang nating makiramdam sa nangyayari sa paligid ng Drayton High dahil alam kong may nakapasok na espiya na galing sa kabilang organisasyon. Patuloy lang na sanayin ang mga estudyante habang inaalam pa natin kung sino ang espiya. Mas mabuting hindi nila malaman kung sino ang Drayton Master."




Author's note:

Hello G! Hindi po talaga nag eexist ang lason na sympamore. Lahat po ng pangyayari na yun ay hindi ko po ni research or kinuha sa libro at movie. Galing lang po yun sa utak ko dulot ng malikot na imahinasyon. Please vote and comment po! Tnx! Lovelots!

peachyyy,

Drayton HighWhere stories live. Discover now