Maganda ang gising ko ngayong umaga. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti kapag naaalala ang mga nangyari kagabi. Sana maulit muli~, kanta ko.
Bep. bep. bep.
From: Shemunggoy
Magkita tayo sa labas ng abandonadong gusali. Siguraduhin mong walang makakasunod sa' yo. Tsaka bilisan mo, ayokong pinaghihintay.
Bossing na bossing. Napatawa naman ako sa kalokohan kong nagawi kagabi. Inedit ko kase yung contact name niya HAHAHA. Sana naman wag siyang magalit sakin pag nalaman niya to.
Dali-dali akong nag-ayos kase baka iwan ako ni Shem. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapansin ang isang maliit na kulay dilaw na sticky note.
Sorry kung hindi na kita na congratulate kagabi, tulog ka na kase; tsaka ayokong gisingin ka mahimbing pa naman ang tulog mo. Pero Congratulations! Maaga akong umalis kase may importante akong bagay na gagawin.
-Zeira
Umuwi pala siya dito hindi ko man lang namalayan. Siguro nga napasarap yung tulog ko. Habang naglalakad papunta sa abandonadong gusali, palinga-linga naman ako para masiguradong walang nakasunod sakin. Last day na ng foundation at mag peperform pa ako mamaya para sa slow dance. Patuloy pa din ang kasiyahan sa Gym.
Bep. bep. bep
From: Shemunggoy
Pumasok ka na. Nandito ako ngayon sa entrance. Tagal mo kase kaya na una na lang ako. Bilisan mo ding maglakad.
Paktita talaga oh! Iniwan na pala ako, mainipin! Tsk! Nakita ko nga si Shem na nakasandal sa pader habang may hawak na puppy. Puppy ngaaa!!! Uwuuuu! Dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi ni Shem at agad kinarga ang cute na puppy.
"Ohhh doggy, ang cute-cute mo naman". habang hinihimas ko ang kaniyang likod. Ang cutee sarap ulamin! Joke lang hehehe.
"Binili mo?". tanong ko sa kaniya habang hinihimas pa din ang puppy."Nakita ko lang". Kung sinuswerte ka nga naman oh! Pero bat napadpad ang kasing cute na puppy dito sa loob ng Drayton. Naku, buti na lang at si Shem ang nakapulot sa' yo.
Binuksan na ni Shem ang entrance. Nakasunod naman ako habang karga ang natutulog na puppy. Maingat akong umupo sa couch para hindi magising ang cute na puppy.
"Ano namang pangalan niya". tanong ko.
"Wala pa". tipid niyang sagot. Heto naman ako nag-iisip kong anong magandang pangalan ang pwedeng ipangalan sa kaniya. Aha! Alam ko na!
"Sheizel. Tama, simula ngayon tatawagin ka ng sheizel". nakangiti kong ani. Iwinasiwas naman ni Sheizel ang maliit niyang buntot. Sign ba yun na nagustuhan niya yung pangalan na ibinigay ko sa kaniya. Saktong-sakto sa kaniya ang sheizel kase girl pa' la siya.
"Sheizel?". Kunot-noong tanong ni Shem.
"Sheizel. Shem+Diezel=Sheizel". Nakangisi kong ani. Nakita ko namang ngumiti si Shem sa sinabi ko habang nakadungaw sa labas ng binatana
*****
Shem's POV
To: Angel Voice
Magkita tayo sa labas ng abandonadong gusali. Siguraduhin mong walang makakasunod sa' yo. Tsaka bilisan mo, ayokong pinaghihintay.
Nandito ako ngayon sa abandonadong gusali habang hinihintay si Katana. Siguro matagal pa yun. Kaya naglibot-libot na muna ako para pampawala ng pagka-inip.
"Awww! Awww! Awww!". Tahol? Tinignan ko ang paligid kung saan pwedeng manggaling ang boses ng biglang may isang puppy ang lumabas sa isang maalikabok na kahon.
Agad kong kinuha ang puppy. Pano naman kaya to napunta di' to? Hinimas-himas ko ito mula ulo hanggang sa may bandang likod niya. Siguro mas mabuting sa entrance na lang ako maghintay.
To: Angel Voice
Pumasok ka na. Nandito ako ngayon sa entrance. Tagal mo kase kaya na una na lang ako. Bilisan mo ding maglakad.
Text ko ulit sa kaniya. Nakasandal ako ngayon sa pader habang karga-karga ang puppy. Nakita ko naman si Katana na nanlaki ang mga mata at dali-daling tumakbo papunta sa gawi ko at agad kinarga ang puppy.
"Ohhh doggy, ang cute-cute mo naman". nakangiti niyang ani habang hinihimas-himas ang likod nung puppy.
"Binili mo?". tanong niya"Nakita ko lang". tipid kong sagot. Hindi ko maiwasan mapangiti habang tinitignan si Katana. Mukha namang gusto din ng puppy si Katana.
Nakita kong umupo si katana ng dahan-dahan sa couch. Nakaupo lang din ako sa may bintana habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ano namang pangalan niya". tanong niya habang nakangiti.
"Wala pa". Hindi ko alam kung anong ipapangalan ko sa kaniya.
"Sheizel. Tama, simula ngayon tatawagin ka ng sheizel". nakangiti niyang ani. Sheizel? Cute naman.
"Sheizel". Pag-uulit ko sa pangalang ibinigay niya sa puppy.
"Sheizel. Shem+Diezel=Sheizel". Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan ang labas. Ipinag combine pa talaga niya yung pangalan naking dalawa ha? Weird but cute.
Peachyyy's Chika ( Chika+tanong).
Chika-chika muna, magtatanong din ako. Wala eh, walang magawa yung author HAHAHA. So yeah, isa ka din ba sa may napapansin sa dalawang love birds ay este dalawang bidang character natin? Maliban sa Sheizel, may naisip din po ba kayong iba pang combination name nung dalawa? Aba! Kung meron, i comment mo na yan!
#SheIzel
#Shemunggoy
#Angel Voice

YOU ARE READING
Drayton High
أدب المراهقينDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH