DH-C6

0 0 0
                                    

Naka ayos na ako para sa Night-time Class ko ngayon. Bigla namang nag ring ang phone ko.

Bep. bep. bep

From: +09268538610

This is Shem. Punta ka dito sa forest park.

To: +09268538610

Pano mo nakuha ang number ko?


From: +09268538610

Astrid.

Akala ko ba pagkatapos pa ng Night-time Class namin. Ba't napaaga yata? So aabsent na naman ako? Okay lang, quits naman kami ni Shem eh HAHAHA.

Wala ng masyadong tao sa labas dahil nga nasa gymnasium lahat. Dali-dali akong naglakad papunta sa forest park.

"Sheem! Sheeem! Yohooo! I'm here". tawag ko sa kanya. Naglakad-lakad ako para hanapin si Shem ng bigla nalang may humablot sa braso ko saka isinandal sa puno.

"Shhhhh, wag kang maingay". Shocks! Akala ko talaga kung sino na. Ba't ba kase nagtatago siya? Nagtatago lang kami sa isang puno ngayon ng may narinig kaming mga yabag habang may kausap sa phone.

"Nasa gymnasium po silang lahat ngayon para sa Night-time Class nila".

"Nandito pa din po ako ngayon, nakamasid lang sa Drayton. Hindi po madaling malaman kung sino ang Drayton Master. Masyado pong maingat ang mga kilos niya".

"Pabalik na din po ako, Yes LadyRed".

Umalis na siya. At sino naman yun? Hindi kaya, alagad din yun ng halmington? Naku, kakalbuhin ko talaga sila. Lumabas nadin kami sa pinagtataguan namin kanina. Gosh!

"Lady Red?". bulong na pasabi ni Shem.

"At sino na naman yun ha?". Nakakalito na yan ha. Una, Halmington. Pangalawa, Lady Red. Sang lupalop ba yan sila makikita ng masabunutan ko naman sila.

"Hindi ko din alam". tipid niyang sagot.

"Bat ba hinahanap nila yung Drayton Master na yan?". Gosh!
"Bat napaaga ata tayo ngayon?".

"May kailangan kase akong ipakita sayo". Ano naman yun? Loveletter? Death Treat? Or whatsoever.

"Hooy! Bakit ba kase diyan pa? Baka mahulog pa ako or may snakey diyan!". Sino ba naman kaseng hindi mag sisisigaw kung yung ka meeting mo eh nasa itaas na ng puno? May bench naman dito sa ibaba, ba't ba sa taas pa? Lakas talaga ng trip ng lalaking to.

"Tsk. Puro ka naman reklamo". Arghh! Kainis to! Wow, napaka-gentleman niya naman.

"Paano naman ako aakyat diyan? Hindi naman ako kagaya mo na may lahing unggoy tsaka--". Hindi kona natapos ang sinasabi ko ng bigla nalang siyang naghagis ng hagdan na gawa sa lubid.

"Sure ka bang safe to?". Dahan-dahan akong umaakyat para iwas disgrasya. Sa wakas, nakaakyat nadin. Sa sobrang kalikutan ayun nadulas ako kaya imbes na sa ibaba ako pupulutin laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa ibaba ko. Si Shem! Lakas ng tibok ng puso ko mga peps.

"So--soory". Apologetic kong sabi saka kumalas sa pagkakadagan ko sa kanya.
"Ano ulit yung gusto mong ipakita sakin?". tanong ko sa kaniya saka tuluyang umupo.

May inabot naman siyang isang letter. Agaw pansin din ang itim na marka na may ekis sa gitna na may nakasulat na H.


June 16

To:L.R

Hindi ko na kayang pumatay ng mga inosenteng estudyante para lang mapalabas ang Drayton Master. Hindi na kaya ng konsensiya ko. Gusto ko ng magbagong buhay. Gusto kong mamuhay ng hindi binabagabag ang konsensiya ng dahil sa kumitil ako ng mga buhay na wala namang kasalanan. Siguro sa lahat ng ginawa kong pagsisilbi sa inyo ay maging sapat na yun.

-Hades


"So, ibig sabihin. Hindi ang halmington ang may kagagawan nung nangyari sa cafeteria at sa boy's dorm. Kagagawan lang din yun ng estudyanteng alagad ng halmington". Tango lang ang naging sagot niya.

"June 16". pabulong niyang sabi na sapat naman para marinig ko ng malinawan.

"June 16? Diba yun din yung araw kong saan natagpuan ang bangkay nung Hades?". Tango lang ulit ang naging sagot niya.

"L.R means Lady Red hindi ba? Kaya siya pinatay kase ayaw na niya?". Kay babang dahilan naman. Hindi pa ba sapat sa kanila yung ginawa niya.

"Tama ka". tipid niyang sagot.

"Shem, sa tingin mo ba ang halmington at ang Lady Red na yan ay same lang ang gusto? Ang makuha ang Drayton High?".

"Hindi lang yun. Lady Red huh? The one and only daughter of Halmington Empire". Kaya pala, grabe! Ansama talaga ng mga ugali ng mga Halmington na yan. Walang magawa sa buhay.

"Kaedaran lang ba natin yun?".

"Hindi lang natin kaedaran. Nakakasalamuha pa natin". Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya with matching takip sa bibig.

"Ibig sabihin nandito lang siya sa paligid? Kaya ba dito tayo sa taas ng puno nag uusap kase baka makarinig siya? Nakuu! Oh noo!". "Ouchy!". Sakit ng noo ko, pitikin ba naman!

"Umayos ka nga. Mahulog ka pa diyan". Hinimas-himas ko na lang yung noo ko habang naka pout. Masakit yun ha.








Drayton HighWhere stories live. Discover now