Ms. Davis's POV
Flashback...
"Principal Davis, kailangan niyo pong pumunta sa forest park". hinihingal na sabi ng isang estudyante.
Dali-dali akong nagpunta sa forest park kasama ang mga DA na kasalukuyang nagbabantay sa Office. Maraming estudyante ang nagkukumpulan. Nahati naman sa dalawa ang mg estudyante ng makita nila ako. Ikinagulat ko ang mga estudyanteng nakabitay sa puno. Naka wakwak ang kanilang mga tiyan. Ang isa nama'y tinanggalan ng mga mata at isa ay wala ng mga kamay. Nayukom ko na lang ang mga kamao ko ng makita ang kalunos-lunos na nangyari sa mga estudyante.
End of Flashback...
Hindi to pwede. Unti-unti na nilang pinapatay ang mga estudyante. Kailangan kong gumawa ng paraan para ma protektahan ang Drayton, pati na din ang mga estudyante. Nangako ako sa mga Drayton na poprotektahan ko ang Drayton High at ang mga estudyante kahit na ang buhay ko man ang malagay sa piligro.
Flashback...
"Ms. Davis. Maipapangako mo ba ang kaligtasan ng mga estudyante at ng Drayton High?". Ani ni Mr. Drayton habang kalong-kalong ang kaniyang anak.
"Opo Mr. Drayton. Poprotektahan ko po silang lahat, kahit na ang buhay ko man ang maging kapalit".
"Hindi natin alam kung kailan kikilos ang mga Halmington". Ani naman ni Mrs. Drayton.
"Ipagkakatuwila ko sayo ang kaligtasan ng Drayton High at ng lahat".
"Makakaasa po kayo". sagot ko.
End of Flashback....
Nangako ako sa mga Drayton. Kung kaya't hindi ko pwedeng sirain ang tiwalang ipinagkaloob nila sa akin.
Kring. Kring. kring.
Unknown number.
"Hello?".
"Hi principal davis. Nakita mo na ba ang sorpresa ko? Na sorpresa ka ba, o kulang pa? Baka gusto mong dagdagan ko pa?".
"Walang hiya ka!". Walang hiya siya.
"Easy ka lang tanda. Una palang yan. May susunod pa". ani niya habang tumatawa.
Tooot. tooot. tooot
Hayop siya! Ngayon pa lang dapat nakahanda na kami. Kailangan ko ng gumawa ng paraan.
*****
Halmington's Headquarter
"Hello?".
"Hi principal davis. Nakita mo na ba ang sorpresa ko? Na sorpresa ka ba, o kulang pa? Baka gusto mong dagdagan ko pa?".
"Walang hiya ka!". Easy tanda. Baka mamatay kana sa galit diyan.
"Easy ka lang tanda. Una palang yan. May susunod pa". Nakakatawa talaga siya.
Tooot. tooot. tooot
Poor Draytonians. Sa halip na awa ang maramdaman ko ngayon eh mas lalong tumitindi ang galit sa kaloob-looban ko.
Kayo ang dahilan kung bakit namatay sila Mommy at Daddy. Inagaw niyo na ang lahat sa kanila. Magbabayad kayong mga Drayton. Uubusin ko ang mga lahi niyo. At babawiin kung ano ang nararapat samin. Ako na ang magpapatuloy sa lahat ng hindi nagawa nila Mommy at Daddy. Kayo naman ang magdudusa ngayon.
Flashback...
Lagi ko na lang naririnig ang pag aaway nila Mommy at Daddy. Lagi nilang bukambibig ang mga Drayton. Si Mommy na kumakampi sa mga Drayton at si Daddy na tutol sa kagustuhan ni Mommy na manahimik nalang.Ang mga drayton na sumira sa pamilya ko.
"Mommy!! Wag ka' ng umalis!". Walang humpay ang pag iyak ko.
"Ana--k maa-kii--inig ka. Kahit kailan wag na wag mong sisisihin ang mga Drayton sa pagkawala ko ha? Mababait ang mga Drayton". Nanghihina na si Mommy. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Mommy. Ng biglang
Tiiiiiiiiiiiiing....
"Time of Death 5:43". Ani nung doctor.
"Hindii! Buhayin niyo ang Mommy ko! Mommy gumising ka na!". Iyak lang ako ng iyak.
Nailibing na si Mommy. Nandito naman kami ni Daddy sa sala habang tulala.
"Kasalanan to ng mga Drayton". Wala sa sariling sabi ni daddy.
"Kung hindi nila inagaw ang lahat sakin, satin. Hindi sana mawawala ang Mommy mo!". Wala akong ibang nararamdaman noong mga panahong iyon kundi poot at galit. Galit para sa mga Drayton. 13 years later sunod namang nawala si Daddy. Pinangako ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko sila. Na pag babayaran ng mga Drayton ang ginawa nila sa pamilya ko. Magdudusa sila. Humanda kayo sa pagbabalik ko. Una, palang yan. May susunod pa. At ang susunod na yun ay mismong pagbagsak na ninyong mga Drayton!!
*****
Third Person's POV
Usap-usapan na sa buong Drayton ang unti-unting pagpatay sa mga kapwa nila estudyante. Hindi naman nila maiwasan ang kaba at takot na nararamdaman nila ngayon.
Ng dahil sa unknown number na tumawag kay Ms. Davis ay mas lalo pa siyang nagalit. Alam na niyang mangyayari at mangyayari ang lahat ng to. Ang kailangan nalang nilang gawin ngayon ay ang maghanda at mag-ensayo kung sakali mang lusubin na sila ng kalaban. Ng dahil doon, pinatawag lahat ni Ms. Davis ang mga professor's at trainor's ng Drayton High.
"Pinatawag ko kayong lahat dahil kailangan ko ang tulong ninyo". seryosong saad ni Ms. Davis habang nakaupo sa swivel chair niya.
"Alam niyo na man siguro kung ano na ang nangyayari sa Drayton ano? Kumikilos na ang ibang organisasyon at ang kailangan natin ngayon ay gumawa ng plano para ma protektahan ang buong Drayton High at ang mga estudyante". dugtong ni Ms. Davis. Lahat ng nasa silid na iyon ay seryosong nakikinig sa kanilang principal.
"Hindi pwedeng malaman ng kabilang organisasyon na gumagawa na tayo ng plano. Wag na muna tayong magpa dalos-dalos. Hindi din pwedeng biglain ang mga estudyante. Ang kailangan lang muna nating gawin ngayon ay wag mag panic".
"Activity?". tanong ni Mr. A.
"Anong klaseng activity naman yun?". tanong ng isang professor.
"Foundation Day". tipid na sagot ni Ms. Davis.
"Seryoso ka ba Ms. Principal?". Tango lang ang naging sagot ni Ms. Davis.
"Magkakaroon muna tayo ng activity sa ngayon habang nag iisip pa tayo ng plano. Para din hindi mag hinala ang ibang organisasyon.
"Hindi ba' t pwede silang umatake nun?". tanong ng isang Trainor.
" Hindi. hindi pa. Hindi sila gagawa ng unang hakbang hangga't hindi pa nila nakikilala ang Drayton Master".
YOU ARE READING
Drayton High
Novela JuvenilDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH
