Dahan-dahan kong inilagay si Sheizel sa couch para hindi magising. Napagod ata. Na kwento na din ni Shem sakin kung paano niya nakita si Sheizel. Naku, kawawa naman pala siya. Sa maalikabok na kahon pa talaga inilagay.
"Bat mo nga pala ako pinapupunta dito?". Hindi na kase ako nakapagtanong kase na busy ako sa pag hehele kay Shiezel. Ang cute kase parang ako hehehe.
"Kailan nating ipag tagpi-tagpi ang lahat ng mga nalaman natin para malaman nating kung sino ang mga kalaban". Nakakalorke din yang paktitang Red Lady na yan, ang thicky ng mukha! Nag lakas loob pa talagang mag panggap na estudyante di' to.
"Ano ng gagawin natin pag sumugod sila. Ano na, pana't palaso nalang bang gagamitin natin? Pano kung mga baril ang gamit nila edi dun palang talo na tayo".
"Diyan ka nagkakamali. Madami ka pang hindi alam tungkol sa Drayton. Maghintay ka lang, alam kong aabot din tayo diyan". Kunot-noo ko naman siyang tinignan na may halong pagtataka.
Marami pa kaming pinag-usapan ni Shem. Pagkatapos nun nagpaalam na muna ako kay Shem at kay Sheizel. Gusto ko sana siyang isama sa dorm kaso no pet's allowed eh kaya dun na lang muna siya. Bisitahin ko na lang siya sa susunod.
Wala si Zeira ngayon, kaya heto ako nagmumukmok sa kwarto. Matutulog na lang siguro ako. Matutulog na sana ako ng naalala ko yung tungkol sa slow dance. Napabangon ako bigla. Hindi pa ako nakakapili ng kanta. Hindi ko din alam kung anong susuotin ko. Arghhh! Naalala ko naman yung duet namin ni Shem. Tama! Si Shem! Dali-dali akong tumakbo papalabas kung saan papunta sa boy's dorm.
Toook! toook! toook!
Parang wala namang tao. Naku, wag naman sana. Biglang bumukas ang pintuan.
"Napadalaw ka ata". Si Blaze pala. San kaya yung unggoy na yun.
"Nandiyan ba si Shem?". tanong ko. Hindi ko maikakailang may itsura din itong si Blaze pero mas gwapo pa din si Shem. Ay ano ba yan! Tigilan mo nga yan Katana! Gosh self!
"Naku, wala pa si bestfriend dito eh. Pero kung gusto mo, hintayin mo na lang siya dito baka mamaya umuwi na yun". Tumango lang ako at sumunod sa kaniya.
"Feel at home". Ani ni Blaze kaya inupuan ko yung kama ni Shem. Ang lambot!
Umupo naman si Blaze sa study table niya. Napansin kung wala ang gitara ni Shem di' to. Pangalawang beses na' kong nakapasok dito. Mahilig pala sa mga libro si Shem. Mystery. Kaya pala nakahiligan niya ng mag imbestiga sa mga bagay-bagay.
"Katana right?". Tumango lang ako sa tanong ni Blaze. "Kayo na ba ni bestfriend?". Nabigla ako sa tanong niya. Kami? Kaming dalawa? Hell no.
"Naku, hindi noh". pag-aamin ko.
"Pero gusto mo siya?". Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Blaze. Gusto ko ba talaga siya?
Bep. bep. bep.
From: Shemunggoy
Nasa forest park lang ako
"Shemunggoy?". Natatawang sambit ni Blaze. Mag bestfriend talaga sila. Bigla-bigla na lang kaseng sumusulpot eh.
"Blaze, nasa forest park lang pala siya. Puntahan ko na muna ha?". Tumango lang si Blaze.
Tama nga ang hinala ko, nasa forest park siya. Napansin ko kaseng wala ang guitar niya. Kaya naisipan kong baka tumambay lang siya.
Ayun nakita ko na siya, nakaupo sa sanga ng puno habang may hawak-hawak na gitara.
"Susme, nandiyan ka lang pala". Paghintayin ba naman ako dun yun pala nandito lang. Chill-chill lang hindi man lang inisip kalagayan ko, nakaka stress maghintay noh gosh!
Pinagpagan ko na muna ang sarili ko saka umupo katapat kay Shem.
"Shem, ano ng plano?". Tanong ko.
"Wag mo munang intindihin yun, sa ngayon isipin mo muna yung kakantahin mo". Ay oo nga pala ano hehe.
"Shem kung okay lang sana, manghihiram na naman ako pero kung ayaw mo naman okay lang din sakin, syempre sayo ya----". Pinutol na niya ang sinabi ko. Wow hindi man lang ako pinatapos. Tsk.
"Okay lang". Tipid niyang sagot habang busy sa pag st-strum ng guitar.
"Talaga?".
"Yung guitar di ba ang hihiramin mo?". Hala manghuhula ba tong si Shem? Ba 't palagi niya na lang nahuhulaan yung mga pinag-iisip ko. Hala! Di kaya Mind Reader siya?
Mabalis kausap tong si Shem ano binigay agad sakin yung guitar eh.
"Hmm.. Ano na naman kayang kanta ang kakantahin ko mamaya para sa slow dance?". Pag-iisip ko, last day na pala ng foundation day namin ngayon.
Naalala ko tuloy yung love song nina Daddy at Mommy. Aba! Oo nga! Pwede yun! Hindi din naman ako mahihirapan i perform to kase alam ko naman ang tono at pyesa, madalas ko kaseng kinakantahan si Mommy at Daddy noon. Masubukan nga.
I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin' I have insideYou're a hopeless romantic is what they say
Fallin' in and out of love just like a play
Memorizin' each line
I still don't know what to say
What to sayDon't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could flyEvery minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways
You're beside me all the time
All the time
I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel
This feelin' I have for you insideI'm a hopeless romantic I know I am
Memorized all the lines and here I am
Struggling for words
I still don't know what to say
What to sayDon't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could flyEvery minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways
You're beside me all the timeAll the time
All the time
All the timeHindi ko maiwasang malungkot, miss na miss ko na sila Mommy at Daddy gusto ko ng umuwi at mayakap sila. Haaayst.
Kailangan ko ng bumalik sa Dorm at mag ready na para sa performance ko mamaya. Gusto ko special tong performance na 'to kase last day na din naman ng foundation day kaya sulitin na!
Song: Don't know what to say(Don't know what to do)
By: Ric Segreto

YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH