Halmington's Headquarter
Bukas na gaganapin ang madugong laban. Assassin's Vs. Mga walang kwentang estudyante na hadlang sa mga plano ko. Ako mismo ang papatay sa Drayton Master na yan. Blaze Luther Drayton, magdasal kana.
Nandito ako ngayon sa HCS kung saan pinapanood ang mga Assassin's kung nag-eensayo. Kung pwede lang sanang baril ang gamitin, madalian silang mamatay. Hand to hand weapons lang pala ang pwedeng gamitin. Napaka-cheap ng rule. Hindi man lang pwede ang atomic bomb, Riffle, at Machine gun. Napaka-boring naman. Pero hindi na importante iyon.
Pinoproblema ko pa ang Katanang iyon, lalo na 't may koneksyon pala siya sa Drayton Master at sa mga kaibigan nito.
Blaze Drayton
Shem Ferell
Zeira Alberts
Katana CollinsMga hangal! Isa-isa kong pinatawag ang tatlo sa mga malalakas na mga Assassin's dito sa Halmington.
"Lady Red". Sabay-sabay naman silang yumuko.
"Nakikita niyo ba ang apat na 'to?". Tango lang ang naging sagot nila.
"Gusto kong patayin niyo sila. Hindi kasama ang isang yan. Ako mismo ang papatay sa hangal na Drayton Master na yan". Sabay turo ko sa litrato ni Blaze na nakapatong sa desk ng camera system.
---
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ngayong araw muling masisilayan ang Halmington's Assassination. Oras na mapabagsak ko na ang Drayton, kikilalanin kami bilang pinakamagaling na Assassination sa buong mundo.
"Gigisingin na natin ang mga hangal na estudyante ng Drayton! Kikilalanin na tayo bilang pinakamalakas na Assassination oras na mapabagsak na natin ang mga Drayton!". Naghiyawan naman ang mga Assassin's ko.
Nandito na kami ngayon sa Labas ng Drayton. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw kung kaya 't dapat na silang gisingin HAHAHAHA mga hangal!
"Alam niyo na ang gagawin niyo". Pag-uutos ko sa mga Assassin's na nakatoka sa mga granada.
"Ngayon na!". Kasabay nun ang paghagis nila ng Granada sa loob ng Drayton at ang isa-isang pagsabog nito.
"Simulan na natin ang laban!". Naghiyawan naman ang mga Assassin's ko.
Bago pumasok sinuot ko na muna ang Mask ko.---
Boooom! Booom! Boooom!
Nagising kami dahil sa lakas ng sunod-sunod na pagsabog.
"Shit!". Ani ni Zeira. Dali-dali naming kinuha ang bag kung saan nandun ang mga weapons namin.
"Yung pana 't palaso ilabas niyo!". Utos ni Shem na agad din naman naming sinunod.
"Sigurado akong mga Halmington yun!". Kung noon makikita mo ang pagka isip-bata ni Blaze, eh ngayon bigla na lang napalitan ng pagkaseryoso.
Dali-dali kaming lumabas ng headquarter at patakbong umalis papunta sa main hall ng Drayton.
Marami ng nasira ng dahil sa pagsabog. Nakikita ko na din ang ibang estudyante ng Drayton na kinakalaban ang mga naka-itim na Assassin's.
Isa-isa na ding nagsilabasan ang mga Trainor's na pinangungunahan ni Mr. A. Kasabay nun ang pag-sunod ng ibang estudyante.
"Protektahan ang Drayton! Protektahan ang Drayton Master!". Sigaw ni Mr. A. Nagsimula na nga ang labanan pero hanggang ngayon hindi pa din nagpapakita si Lady Red.
Akmang susundan na namin ang ibang estudyante ng may tatlong Assassin's ang humarang sa 'min.
"Miss me?". Tumatawang sambit ni Lady Red.

YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH