DH-C23

0 0 0
                                    

---

Natapos na ang labanan. Nalinis na din ang mga bangkay sa Drayton. Isa-isa na ding naihatid ang mga bangkay ng estudyante sa kani-kanilang pamilya.

Nandito kami ngayo 'ng mga natira sa Gym kung saan makikilala na namin ang Drayton Empire. Nasa taas naman ng entablado Si Blaze, Zeira at Shem.

"Mga magigiting na estudyante ng Drayton. Proud na proud ang buong Drayton Assassination sa husay na ipinakita ninyo. Na protektahan niyo ang Drayton High at ang Drayton Master. Ngayon makikilala niyo ang Drayton Empire".

Isa-isang lumabas ang Drayton Empire.

Mr. Hades Drayton
Mrs. Tamara Drayton

"Ang mga magulang ng ating Drayton Master at ang namamahala ng Drayton Assassination". Masayang bati ni Ms. Davis sa kanila. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ang gwapo at ang ganda nila. Bagay na bagay.

Mrs. Stacey Drayton

"Ang kapatid ni Mr. Hades Drayton". Teka, parang may hawig siyang Zeira.

"At ang anak niyang si". dugtong ni Ms. Davis.

Zeira Snow Alberts Drayton

Napanganga kaming lahat ng dahil sa sinabi ni Ms. Davis. What the? Pinsan pala ni Blaze si Zeira pero baat ganun? Isa pala siyang Drayton. At yeah kaya pala kahawig ni Ms. Stacey si Zeira kase anak niya pala to

"At ang panghuli ang totoong Drayton Master". Nagsimula namang mag bulongan ang mga tao. Huh? totoo? It means hindi si Blaze ang Drayton Master?

Shem Ryu Mendez Drayton

Sh--heem? Si Shem? Pero pano? Nagpakilala bilang Drayton si Blaze pero ang totoo si Shem pala? Si Shem na gusto ko? Si Shem na tinatawag kong unggoy yun pala siya ang Drayton Master? Hell nooo.
Magpinsan pala si Shem at Zeira?

"Marahil kayo ay nagtataka kung bakit nagpakilala bilang Drayton si Blaze. Lahat ng plano na ginawa namin ay hindi namin ipagkakait sa inyo kung kaya 't sasabihan ko". Ani ni Shem

Flashback..

"Luther. Kumikilos na sila. Ano ng gagawin natin". tanong niya.

"Magpapakilala ako bilang Drayton. total yun naman ang pakay nila hindi ba? Ba't hindi natin ibigay ang gusto nila". walang emosyon kong sabi.

"Hindi pwede, sa tingin mo ba pag ginawa natin yan ay ititigil niya na ang pag-angkin sa Drayton High? ". Walang emosyon niyang sabi.

"At sa tingin mo ba may magagawa pa tayo? May mga espiya na sa buong Drayton High".

"Tama ka. I have a plan at ang kailangan ko na lang ay ang kooperasyon mo". Siguraduhin mo lang magiging maayos ang plano mo.

---

"Nanie". Tawag ko kay Nanie.
"Ms. Davis". Ani naman Ni Blaze.

"Kailangan nating gumawa ng plano". Saad ko kay Nanie.

"May nakita kaming naka itim sa bodega, hula ko naglagay yun ng bomba at hula ko ding pasasabugin niya yun sa araw closing ng Foundation day". Saad ko.

"Alam kung si Lady Red iyon. At alam ko na din ang kung sino ang Lady Red na yan. Sa gabing yun, alam kong magtatanong siya kung sino ang Drayton Master. Kung kaya 't magpapakilala si Blaze bilang Drayton". dugtong ko.

"Oras na may gawin siya, tatanggapin natin ang gusto niya. Magpapanggap din tayo 'ng hindi pa natin alam kung sino siya". Si Blaze naman ang nagpaliwanag.

"Kooperasyon niyo lang ang kailangan ko". Tango lang ang naging sagot nila.

---

Boooooom!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!".

"Oh ano? Nagustuhan niyo ba ang pasabog ko? Pano ba naman kase hindi niyo ako ininvite sa kasiyahan niyo kaya ayun nagtampo tuloy ako! Ouch naman! Pero di na bale nakapaghanda naman ako ng munting regalo na kakasabog lang kanina, HAHAHAHAHA poor Draytonians".

"Sino ka ba ha?!".

"Relax tanda baka atakihin ka diyan HAHAHA mauna kapang mamatay kesa sa mga estudyante mo HAHAHA. Well, ako lang naman si Lady Red ang pinakamagandang Lady Red".

"Wala kang puso!".

"Pano kaya kung tanggalan kita ng puso?!".

"Oh ano na kayo ngayon? Isa lang naman ang gusto ko at matatapos na rin ito".

"Ano naman yun?".

"Ang Drayton Master".

"Pano naman kami makakasigurong matatapos na ang lahat ng to kung ibibigay namin sayo ang Drayton Master?".

"Hindi namin alam kung sino ang Drayton Master!".

"Talaga ba tanda? Kung gayon--".

"Ako. Ako ang Drayton Master".

"Tama. Ako nga ang Drayton Master. I'm Blaze Luther Drayton".

"Sa wakas at lumabas ka rin. Napakaduwag mo kase kaya ka tago ng tago".

"Anong kailangan mo?".

"Ang Drayton High ang Drayton Assassination".

"At sa tingin mo ba basta-basta ko na lang isusuko ang Drayton High?".

"Kung ganon I declare war between our Assassination's. Draytonians Vs. Halmington Assassin's".

"Sa tingin mo matatakot mo na ako niyan?".

"Talaga lang ha? Sige kung yun ang gusto mo HAHAHAHA. May two weeks pa kayo para sa paghahanda at magsisimula na ang labanan. Wait bago ako magpaalam may last surprise na muna ako sa inyo".

---

"Lahat ng nangyari ay palabas lang namin. Hindi ko magagawa ang lahat ng to kung wala ang tulong nina Nanie na si Ms. Davis, Blaze at Zeira". Ganun pala ang nangyari. Matagal na pala nilang alam na si Astrid at Lady Red ay iisa.

"And Katana. I'm reall sorry kung hindi namin sinabi sa 'yo agad. Dahil alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo yun, at pag nangyari yun, magiging mahina ka". Apologetic na sabi ni Shem. Nginitian ko lang siya.

"Sa lahat ng lumaban para sa amin. May mga sorpresa kami para sa inyo". Biglang bumukas ang Front door ng Gym at may mga pumasok.

"Welcome to Drayton High!". Masayang bati ni Shem. Nakita ko ang nag-iiyakang mga estudyante habang sinasalubong ang mga pamilya nila. Nakita ko naman si 'na Mommy at Dadyy kaya 't dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi nila.

"Mommy! Daddy!". Sigaw ko habang mangiyak-ngiyak. Agad ko silang yinakap ng mahigpit.

"We are so proud of you Katana". Saad ni Daddy at ginawaran ako ng halik sa Noo.

"Opoo naman! Malakas ata tong anak niyo!". Taas-noo kong sabi.

"Nakuu ikaw pa din naman ang baby girl namin". Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy.

"Mama naman eh". Nahihiya kong sabi. Namiss ko talaga sila.

Akala ko hindi ako makakasurvive sa pangyayaring iyon. Nawalan man ako ng kaibigan, nalaman ko naman ang katotohanan. Tama si Mr. A " Hindi sa lahat ng bagay pwede kang magtanong, minsan sarili mo lang din ang makakatuklas sa sagot". Masaya ako 't naging parte ako ng pagkapanalo ng Drayton Assassination. Sa lahat Drayton High ang pinakagusto ko. At kailan man hinding-hindi ko ito malilimutan.





Peachy's Notee

Oh yeaah~ Natapos na din ang journey niyo sa loob ng Drayton High mga Draytonians. Chareeng HAHAHAHA. Joke lang may labing moments pa nga si Shem at Katana eh.

Drayton HighWhere stories live. Discover now