Kanina pag gising ko akala ko talaga wala na naman si Zeira. Pero laking gulat ko ng nakita siyang mahimbing na natutulog. Hindi ko nalang siya ginising kase parang ansarap ng tulog niya. Kaya ayun, nag-iwan nalang ako ng note sa tabi ng lamp shade niya.
Nandito na ako ngayon sa Gym kung saan busy lahat sa paghahanda. Ang mga taga faculty naman busy sa pag lalagay ng decoration sa stage para bukas. Sa bandang likod naman ilalagay ang mga booths. Hindi naman problema ang pwesto ng mga booths kase malaki naman ang Gym ng Drayton. Agad hinanap ng mata ko si Astrid. Ayun! Buti na lang at hindi ako nahirapan kakahanap sa paktitang to. Nakaka stress kaya!
"Oh ano Katana? Nakapili ka na ba kung anong kakantahin mo bukas?". Wow. Hindi naman kailangang isigaw ano. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang estudyante na gumagawa ng booth. Tsk kahit kailan talaga tong si Astrid oh. Pahamak.
Todo goodluck at cheer naman ang mga kaklase ko na siyang ikinangiti ko. Masaya lang ako ngayon. Yung ansaya lang kase kahit walang kasiguraduhan ang kaligtasan namin. Nakuha pa din nilang ngumiti at magsaya.
Dahil nga horror booth ang gagawin namin. Kailangan namin ng mga costume. Kaso ang mga costume nasa bodega pa. Nag presenta naman akong kunin yun dahil wala din naman akong ginagawa. Hindi na kase ako nila pinatulong dahil kakanta din naman ako bukas. Iwas stress daw. Ang exagge naman. Aalis na sana ako ng magsalita si Shem.
"Samahan na kita". ani ni Shem. Nakita ko naman si Astrid na nakatingin samin ng may nangtutuksong tingin. Baliw.
Nasa bandang likod pa ang mga bodega. Medyo malayo din sa Gym. Walang ka tao-tao ang labas. Talagang lahat sila excited kase lahat nag cocooperate. Nararamdaman kong nakasunod lang si Shem sa' kin.
Madali lang kaming nakapasok sa bodega dahil hindi din naman ito naka lock. Marahil ay binuksan ito ngayon kase ang ilan sa gagamitin sa mga booth ay nandito. Kagaya na lang ng mga tent. Mga costume at props.
San kaya banda ang nakalagay ang mga costume na para sa horror booth? Habang naghahanap kami kung saan nakalagay ang mga costume. Biglang tumigil si Shem saka ako hinawakan sa braso. Anong meron? Nakatingin naman siya backdoor ng bodega. Ano bang meron diyan? Teka, may gumagalaw.
"Sino yan?". Sigaw ni Shem. Bigla nilang itong tumakbo papalabas ng bodega kaya tumakbo na din kami ni Shem para habulin siya. Ng lumiko kami laking gulat namin ng bigla nalang itong nawala. Aish!
"Shit!". Sinapa namin ni Shem ang mga bato sa paanan niya. Halatang irita dahil hindi namin naabutan ang hinahabol namin. Bumalik nalang ulit kami sa bodega para kunin ang mga costume. Sayang naman oh! Kainis!
*****
Someone's POV
Kailangan ko ng magmadali at baka may makakita pa sakin dito. Tapos na, sakto namang natapos na ako sa paglalagay ng bigla na lang bumukas ang pintuan sa harap. Shit! Kailangan ko munang magtago. Nakita ko na man ang lalaki't babae na para bang may hinahanap. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalabas ng back door ng biglang sumigaw ang lalaki.
"Sino yan?". Shit! Hindi na ako sumagot sa halip tumakbo na lang ako papalabas. Nararamdaman ko na mang hinahabol nila ako. Ng makaliko ako sa isang banda agad akong nag-tago sa likod ng isang basurahan. Nakita ko naman ang pag-tigil ng dalawa habang hinihingal. Kita naman ang inis sa mukha ng lalaki. Ng makita nilang wala na ako bumalik na agad sila. Ng masiguradong wala na sila, agad din akong lumabas. Tsk. Mga pakialamera. Buti na lang at hindi na nila ako nasundan. Ha-ha-ha-ha. Hindi ko pa naman gagamitin ang nilagay ko. Pero advance naman akong kumilos. Hintayin niyo ang pasabog ko mga taga Drayton. Pahihirapan ko kayo hangga't magpakilala na ng kusa ang Drayton Master".
YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH