Hindi ako masyadong nakatulog dahil dun sa napag-usapan namin ni Shem kagabi. Dapat pala lagi akong naka observe sa paligid. Malay mo nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Grabe talaga yung mga evil doings ng mga Halmington na yan. Pati nadin yung humampas sa ulo ko. Pag yun nakita ko, iuuntog ko talaga siya. Akala niya ha! Wala na naman si Zeira sa kwarto namin. Minsan nalang kong umuwi.
Hindi ko feel pumasok ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gosh! Pero kailangan pa din, absent pa naman ako kahapon.
Pagkatapos kong maghanda, tinahak ko na ang daan papuntang classroom.Nakita ko sa Astrid na nakangisi habang kumakaway. Nagkasalubong naman ang tingin namin ni Shem. Napasubsob nalang ako sa mesa, ansama talaga ng pakiramdam ko huhuhu.
"Huy anong nangyari sayo?". tanong ni Astrid. Hindi ko din alam. Basta pagising ko kanina, ang bigat na ng pakiramdam ko. Gusto ko ng humiga sa kama. Hinawakan niya naman ang noo ko na siyang ikinabahala niya.
"May lagnat ka ah. Gusto mo samahan kita papuntang clinic?". Umiling lang ako. Gusto kong pumasok.
"Wag na. Ayos lang ako". Sa totoo talaga, hindi. Pero kailangan ko talagang pumasok. Ayoko ng maraming absent eh.
"Sure ka?". tango lang ang naging sagot ko sa kaniya.
"Ahh, guys kakatext lang ni Ms. Stefañia. Maglalaro daw tayo ngayon. Magbihis daw kayo, pagkatapos dumiritso nalang kayo sa Gym". Maglalaro?! Arghh! Bigat na nga ng pakiramdam ko eh, saktong maglalaro pa kami?
Nandito ako ngayon sa cr ng Gym nagbibihis. Pinilit ko paring kumilos kahit hindi ko feel gumalaw. Aalis na sana ako ng may humila sa braso ko. Paglingon ko si Shem pala.
"Bakit?". walang gana kong tanong. Kunot-nuo niya naman akong tinignan.
"Ayos ka lang ba?". Ehhh? Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Dahan-dahan naman akong napasandal sa pader. Unti-unti ko namang pinipikit ang mata ko. Yun pala, hinawakan lang niya yung noo ko. Gosh! Nakakahiya ka Katana!
"May lagnat ka". Siguro nga. May kinuha naman siya sa bulsa niya saka binigay sakin. Gamot? Botika ba' to si Shem?"Inumin mo". Tumango lang ako. Pagkatapos kung kunin lumabas nadin siya at naglakad patungo sa court. Bigla namang dumating Si Astrid na sinusundot ang tagiliran ko. Ano na namang iniisip ng babaeng to ha? Sira ata ulo neto eh.
"Uyyy, Ikaw ha! Di mo sakin sinabi na close pala kayo nung Shem!". Kalorke tong babaeng to. Kung ano-ano nalang pumapasok sa isip.
"Ano bang pinagsasabi mo ha? Tsaka friends lang kami nun". parang hindi naman siya naniwala sa sinabi ko. F-R-I-E-N-D-S. Magkaibigan, yun lang.
"Talaga ha? Sige, sabi mo eh". Saka umagikgik ng tawa. Napailing na lang ako ng dahil sa ka negahan niya.
"Pasensiya na at hindi ko nasabi sa inyo agad na mglalaro tayo ngayon. Masyado na kayong busy sa pag-eensayo. Kaya naisipan kong gumawa na muna ng isang activity para naman makapag-relax kayo". paliwanag ni Ms. Stefañia. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko.
"Mag babasketball tayo ngayon". Nagsigawan na naman ulit yung mga kaklase ko. Halata naman sigurong sila lang yung excited maglaro di' ba? Nakakasira talaga to ng mood kapag may sakit ka. Hindi ka tuloy nakakapag-enjoy. Fever, Alis! Shoo kana muna.
Hinati sa dalawang grupo ang mga boys kase sila lang din naman ang mag-kalaban. Panay cheer naman ang mga girls. Panay tilian ang maririnig mo sa kanila. Syempre, rinig na rinig mo yung boses ng leader nila. Walang iba kundi ang dakilang Astrid. Kulang nalang magpa banner siya. Ako? gusto ko lang namang humiga at matulog buong magdamag.
Nagsimula na ang game. Ang grupo nila Shem ang may hawak ng bola. Hindi ko maiwasang hindi titigan si Shem. Sa matingkad niyang pangangatawan, sa singkit niyang mata, sa matangos niyang ilong, sa mapula niyang labi. Wow nemen. Ay! ano ka ba naman Katana. Umayos ka nga! Gosh, ganito na ba talaga pag may sakit? nagpapantasya? Pinisil-pisil ko ang pisnge ko para naman matigil natong kahibangan ko. Habang busy sa pag-pisil ng mga pisnge ko, nagsigawan na naman ang mga kaklase kong babae. Naka shoot pala ang grupo nila Shem.
"Gooo Sheem!".
"Galingan mo Stefan".
"Team B for the win!".
"Galingan niyo Team B kung hindi, isa-isa ko kayang pepektusan!".
Ngayon, hindi lang ang katawan ko yung masakit. Isama mo na din yung ulo. Lakas makatili ng mga cheering squad dito sa tabi eh. Parang sasabog ulo ko. Gosh! Minimize your voice naman! Haler, tayo-tayo lang yung nandito.
Time out muna. Konti na lang ang oras at lamang ng 3 points ang Team A. Bale ang score nila ngayon is 63/60. Konting oras nalang ang natitira. Nagsimula na ulit ang game at saktong naka'y Shem ang bola. Palipat-lipat ang tingin ko sa oras at kay Shem. Tumigil na din sa pag-sigaw yung cheering squad. Parang nag slo-slowmow yung pangyayari. Lahat kami hindi humihinga. Nagkatingininan naman kami ni Shem. 5 seconds na lang.
5........
4.......
Gosh! Pumikit na lang talaga ako. Ayokong makita yung mangyayari.
3......
2......
1......
Ingkkkkkkk....
"Wooooh! Panalo ang team B!". sigaw ng mga kaklase kong babae habang tumatalon. Nakahinga naman ako ng maluwag kasabay nun ang pag-sakit ng ulo ko. Lahat naman sila ay tumakbo papunta kay Shem. Si Shem naman pinagkakaguluhan pa rin ng mga kaklase ko pero sakin lang siya nakatingin. Dug. dug. dug. dug. Ano ba naman yan heart! Tumigil ka nga! Pst, Behave!
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bleacher. Akmang lalapit na ako sa gawi nila ng nararamdaman kong umiikot ang paligid. Nahihilo ako. Ang bigat ng mga mata ko. Nararamdaman ko na lang ang lamig ng sahig ng gym. Bago tuluyang magsira ang mga mata ko, nakita ko ang pagtakbo ni Shem papaunta sakin. Kasunod si Astrid na bakas sa mukha ang pagkabahala. Hindi ko na kaya. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko.

YOU ARE READING
Drayton High
Roman pour AdolescentsDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH