DH-C8

0 0 0
                                    

Astrid's POV

Nandito ako ngayon sa Clinic kung saan isinugod si Katana. Haayst, sinabi ko naman sa kaniyang pumunta na kami dito eh para naman makapagpahinga siya. Ayan tuloy nahimatay.

Flashback....

Panalo ang Team B! Yeheeeey! Panalo ang manok ko! Sa galing ba naman ng 3 points shoot ni Shem. Nagsitakbuhan naman kami sa gawi nila upang batiin ang Team B sa pagkapanalo nila. Habang busy ka' mi sa pagpupuri kela Shem. Bigla na lang umalingawngaw sa buong Gym ang isang kalabog. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang nakabulagta na si Katana sa sahig. Unang lumapit sa kaniya si Shem. Sumunod nadin ako pati na yung ibang kaklase ko. Binuhat naman siya ni Shem saka isinugod sa Clinic.

End of Flashback.....

Hanggang ngayon. Nandito pa din ako sa Clinic kasama si Shem. Malapit na ang second period namin. Kailangan ko ng pumasok. Babalikan ko nalang si Katana mamaya.

"Shem? Malapit na ang second period. Papasok na ako. Iwanan nalang muna natin si Katana sa nurse". Nakatingin lang si Shem kay Katana habang wala paring malay. Hmm, i smell something fishy ha. hekhek.

"Mauna ka' na. Ako na lang ang magbabantay sa kaniya". ani ni Shem.

"Sigurado ka?". Tango lang ang naging sagot ni Shem. Nagpaalam na muna ako bago tuluyang umalis.

*****

Shem's POV

May lagnat naman pala siya, edi sana nagpahinga nalang siya sa dorm niya. Tigas talaga ng ulo! Tsk. tsk. tsk. Teka lang, bat ba ako naiinas sa katigasan ng ulo ng babaeng to?!

Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Napaka peaceful ng mukha niya. Ewan ko lang talaga pag lusubin na kami ng nga Assassin's ng Halmington dito eh maging peaceful pa din yung mukha niya.

Ano na naman kayang pinaplano ng mga Halmington? Tsk. Mga duwag. Puro Assassins na lang nila ang laging kumikilos. Bat hindi na lang sila mismo ang pumunta dito?

*****

Katana's POV

Sakit ng ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata, puro puti? Nasa langit na ba ako? Inilibot ko ang aking tingin sa paligid ng makita ko si Shem na nakaupo habang seryosong nakatingin sakin. Ay, mali. Nasa Clinic lang pala. Medyo magaan nadin ang pakiramdam ko dahil na rin siguro nakapagpahinga ng konti. Hindi ko naman kase aakalain na mahihimatay ako dun sa Gym.

"Kanina ka pa nandiyan?". tanong ko sa kaniya. Seryoso naman ng mukha niya.

"Kanina pa". As usual, blanko pa din ang expresyon ng mukha niya. Ni hindi ko nga nakitang ngumiti yan eh.

"Hindi ka ba pumasok sa second period?". Nakita ko kase anong oras na.

"Hindi malamang, nandito nga ako diba?". Aba, napaka pilosopo naman.

"Bat ba ang tigas ng ulo mo? May lagnat ka na nga, mas gusto mo pang pumasok!". galit ba' to. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Kase nga, ayokong umabsent".

"Bat ba ha?! Kahit mag-aral ka man o hindi wala pa ding maitutulong yan satin dito sa loob ng Drayton! bakit? Pag lumusob na dito ang mga assassin's ng Halmington mas pipiliin mo pa rin bang mag-aral kesa ipagtanggol ang sarili mo?!". sigaw niya. Bat ba kase nagagalit siya ha?

"Sorry na nga diba? Hindi ko naman kase inaakala na mahihimatay ako dun. Edi sana kung alam ko, hindi na sana ako pumasok".

"Aiish! Ewan ko sayo!". Napasabunot na lang siya sa buhok niya saka naglakad papalabas. Problema nun?

Maayos na din naman ang pakiramdam ko kaya nagpaalam nalang ako sa nurse na sa dorm na lang ako magpapahinga. Palabas na sana ako ng clinic ng nakita ko si Shem na nakasandal sa pader.

"Tsk. Antagal mo naman". Ehhh? Akala ko umalis na' to.

"Sinabi ko bang maghintay ka?". Pagsusungit ko.

"Samahan mo' ko". tipid niyang sagot.

"San naman tayo pupunta?". San na naman ako dadalhin ng lalaking to?

"Sumunod ka na lang". Nagkibit-balikat na lang ako saka nagsimulang naglakad habang nakasunod sa kaniya.

May ideya na ako kung san kami pupunta ngayon. Sa Forest Park. Bat ko nahulaan? Syempre, manghuhula kaya to. Joke. Daan kase to papuntang Forest park. Okay na din dun, para naman makapag-relax ako. Pero baka mas lalong sumama ang pakiramdam ko kase baka sa puno na naman kami uupo niyan. Sa halip na tahimik at walang katao-taong forest park ang madadatnan namin eh mga estudyanteng nagkukumpulan ang naabutan namin. Bakit? Anong meron?

Nakisusyo na din kami ni Shem sa nangyayari. Laking gulat ko ng makita ang mga nakasabit sa isang puno. Mga estudyanteng wala ng buhay. Muntik na akong masuka. Wakwak ang kanilang tiyan, habang ang isa ay tinanggalan ng mata at ang isa naman ay wala ng kamay. Sa bandang baba naman makikita ang itim na marka na may ekis sa gitna na may tatak na H. Halmington... Mga walang awa, pati mga inosenteng estudyante dinadamay! Mukhang mas lalong bumigat ang katawan ko ng dahil sa aking nasaksihan. Nahati naman sa dalawa ang kumpulan ng mga estudyante ng biglang dumating si Ms. Davis kasama ang mga naka black na mga guy na kung tawagin ay DA. Drayton's Assassin. Kita sa mukha ni Ms. Davis ang panggagalaiti. Marahil ay panggagalaiti sa mga gumawa neto. Nilingon ko naman si Shem na seryosong nakatingin sa mga estudyanteng nakabitay.

Hindi na kami nagtagal doon at baka masuka pa ako ng tuluyan. Naaawa ako sa mga pamilya nung mga kapwa ko estudyante. Paano kaya tatanggapin ng mga magulang nila ang pagkamatay ng kanilang mga anak? Hinatid naman ako ni Shem sa labas ng Girl's Dormitory.

"Salamat sa paghatid". I'm tired na. Tumango lang siya. Papasok na sana ako ng bigla nalang siyang nagsalita.

"Katana. Get well soon". Tumango lang ako saka naglakad papunta sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto, akala ko nandun na si Zeira. Akala ko lang pala. Minsan na lang kung umuwi dito sa Zeira ah. Malabo din namang umuwi siya sa kanila hindi ba? San ba kase nagpupunta yun? Arghh gossh! Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip. Mas mabuti ngang magpahinga na muna. So far, etong araw palang nato ang masasabi kong one of the worst day na pagpapalagi ko dito sa Drayton.

Drayton HighWhere stories live. Discover now