"So sinasabi mong may nakita kang sulat na isinilid sa kwarto natin?". Tanong ko.
"Tama ka diyan! Kaya agad tinawagan ni Zeira si Shem kung kaya 't pinautos niya kay Zeira na kunin ang mahahalaga mong gamit". Madaldal na sabi Ni Blaze.
"Tsk. Ang daldal. Babae ka siguro nung hindi ka pa na rereincarnate ano?". Pag-susungit ni Zeira kay Blaze.
This time nandito na si Shem. Seryosong nahuhulog sa pag-iisip.
"Ibig sabihin, delikado ang buhay ko?". Ano ba nama yan.
"Yees". Confident na sagot ni Blaze habang nakangisi. Binatukan naman siya ni Zeira.
"Maiba tayo. Kamusta naman yung kaibigan mong si Astrid ba yun?". Tanong ni Zeira. Nagkatinginan naman silang tatlo. Weird.
"Ah yun ba, okay lang naman siya". Tumango-tango lang si Blaze at Zeira.
Hindi ko sinabi sa kanila ang nalaman ko. Wala pa naman akong sapat na ebidensiya kung totoo ba talaga ang hinala ka.
---
"May bumabagabag ba sa 'yo?". Tanong ni Shem sa' kin. Nandito kami ngayon sa veranda ng headquarter nila. Ah, yung headquarter pala nila is yung secret house ni Shem.
"Arfff! Arfff! Arff!". Tahol ng Aso.
"Shiezel! San ka ba nagpupunta? Ba 't ngayon ka lang nagpakita ha?". Ang cute-cuteeeee.
"Arff! Arrf!". Sarap kainin grrr! HAHAHAHAHA.
"Ah yung sa tanong mo pala Shem, meron". Saad ko sa kanya habang karga-karga ang natutulog na ngayong si Shiezel.
"Hindi lahat ng kaibigan, kaibigan din ang turing sa 'yo". Ani ni Shem saka tumalikod. Iniwan niya naman akong nakatunganga. Anong ibig niyang sabihin?.
---
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng pag-uusap namin ni Shem. Huling araw na din ng pagsasanay.
"Arghhhh". Sabay-sabay naming ani ng mga kaklase ko kasabay nun ang pagbagsak namin sa training ground.
"Mr. A, wala bang pahinga diyan kahit 5 mins lang?". Pagmamaktol ni Axel.
"Oo nga sir, 5 mins lang naman kumpara sa 13 days na pag-eensyo nmin". Pag sang-ayon ni Grizel kay Axel.
Laging wala si Astrid. Kung kailan lang si Zeira ang laging wala pero ngayon si Astrid na naman.
"Alam niyo ba ang tawag di 'to?". Tanong ni Mr. A sa 'min.
"Dagger?". Patanong din na ani Ryle.
"Tama, dagger nga". Ahh dagger.
"Anong gagawin namin diyan Mr. A?". Tanong ni Yanny.
"Tukmol! Gawin mong suklay baka pwede". Pamimilosopo ng kakambal niyang si Tammy. Napa pout na lang si Yanny sabay kamot sa Ulo. Nagtawanan naman ang lahat. Nakisali na din si Mr. A
"Para ma enjoy naman na 'tin ang last day ng training magkakaroon tayo ng Training Match". Nakangising ani ni Mr. A.
"Enjoy?! Enjoy ba tawag niyan Mr. A?!". Pasinghal na tanong ni Tammy.
"Yep. Mr. A vs....". Tumingin-tingin muna siya sa 'min.
"Shem". Nawala naman ang kaba na nararamdaman ng bawat isa pero hindi ko mapigilang mapalingon kay Shem. Kalmadong-kalmado lang siyang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Mr. A.
Binigyan ni Mr. A bg dagger si Shem saka pumwesto.
"Mr. A pano kung mapatay mo si Shem?". Nababahalang tanong ni Migs.

YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH