DH-C17

0 0 0
                                    

"Hi Zeira". bati ko kay Zeira pagdating ko.

"Mukhang excited ka ah!". Astrid 2.0 .

"Excited? Ni hindi ko nga alam kung anong susuotin ko ngayon eh". Nakabusangot kong sabi habang naka-upo sa kama.

"Sus parang yun lang? Expert yata to". Confident niyang sagot.

Mali ata ako sa pagpili ng stylist napaka choosy. Panay hindi, no, hindi bagay.

"Hindi."

"Hindi bagay sayo."

"Noooo."

Haayst nakaka stress naman. Parang pagpili lang naman aabot pa ng isa at kalahating oras.

Last na talaga to ha, pah heto hindi pa niya nagustuhan ayoko na talaga.

"Perfection!". pumapalakpak niyang sambit. Hay salamat naman after 100 years natapos din. Black Highwaist at white-t shirt lang pala ang katapat. Simple lang nga neto inabot pa kami ng ilang oras. Ganyan ba talaga kapag fashionista?

Mas excited pa' tong si Zeira kesa sakin panay talon at papuri sa 'kin. Pero nagpapasalamat din ako 't tinulungan niya ' ko. Without her ano na lang kayang gagawin ko. Ayos na ayos na lahat pati buhok ko na kinulot pa niya.

Alas syete na kaya nagpaalam na' din ako kay Zeira na aalis na, susunod na lang din daw sha pagkatapos niyang mag-ayos.

Pupunta kaya si Shem? Makikita ko kaya siya ulit? Gosh! Ba 't ba iniisip ko yung unggoy na yun?!

Sa ngayon, inalis na nila ang booth. Nag mukhang mala ball ang Gym. Nasa gilid din si Ms. Davis, pati na din ang mga professor's at trainor's. Nagkalat pa din ang mga DA sa buong Gym.

Dali-dali akong nagpunta sa backstage kase malapit na ding magsimula ang slow dance.

Nagpasalamat na muna si Ms. Davis sa lahat ng dumalo sa countdown ng Foundation Day namin. Narinig ko ng pumalakpak ang mga tao hudyat bilang paghahanda at lalabas na din ako maya-maya. Sa ngayon hindi ko mahanap si Shem.

"Let us all welcome Ms. Katana Collins". Narinig ko ulit ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa labas. Tahimik akong naglakad palabas.


I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin' I have inside

Nagsimula na ding nagsayawan ang mga estudyante in a slow mow way na may iba't-ibang kapares. Sweet. Ansaya lang nilang tignan.

You're a hopeless romantic is what they say
Fallin' in and out of love just like a play
Memorizin' each line
I still don't know what to say
What to say

Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could fly

Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways
You're beside me all the time
All the time
I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel
This feelin' I have for you inside

Pilit pa ding hinahanap ng paningin ko si Shem. Ewan ko ba' t parang may kulang.

"Pero gusto mo siya?".

Gusto ko ba talaga si Shem? Aish, hindi. Hindi ko alam. Nakakalito.

I'm a hopeless romantic I know I am
Memorized all the lines and here I am
Struggling for words
I still don't know what to say
What to say

Drayton HighWhere stories live. Discover now