"HAHAHAHAHAHAHAHA!". Umaalingawngaw na tawa sa buong gym na nanggagaling sa mga speaker na siya namang nakapagpatahimik sa lahat.
"Oh ano? Nagustuhan niyo ba ang pasabog ko? Pano ba naman kase hindi niyo ako ininvite sa kasiyahan niyo kaya ayun nagtampo tuloy ako! Ouch naman! Pero di na bale nakapaghanda naman ako ng munting regalo na kakasabog lang kanina, HAHAHAHAHA poor Draytonians". LadyRed! Grrr nakakagigil ka talagang babae ka!
"Sino ka ba ha?!". Sigaw ni Ms. Davis.
"Relax tanda baka atakihin ka diyan HAHAHA mauna kapang mamatay kesa sa mga estudyante mo HAHAHA. Well, ako lang naman si Lady Red ang pinakamagandang Lady Red". Wow ha? Confident? Artista ka ghurl?! Tse mas maganda ako sayo noh!
"Wala kang puso!". Sigaw ng isa sa mga estudyante ng Drayton.
"Pano kaya kung tanggalan kita ng puso?!". Pansisindak ni LadyRed.
"Oh ano na kayo ngayon? Isa lang naman ang gusto ko at matatapos na rin ito".
"Ano naman yun?". tanong ni Ms. Stefañia.
"Ang Drayton Master". Nabigla naman ang mga estudyante at nagsimulang magbulong-bulongan.
"Pano naman kami makakasigurong matatapos na ang lahat ng to kung ibibigay namin sayo ang Drayton Master?". Tanong ni Shem na ikinabigla ko. Hinatak ko naman ang t-shirt niya pero hindi niya ako pinansin, seryosong-seryoso siyang nakatingin kay Ms. Davis. Bakas naman sa pagmumukha ni Ms. Davis ang pag-aalala.
"Hindi namin alam kung sino ang Drayton Master!". Sigaw ni Ms. Davis.
"Talaga ba tanda? Kung gayon--". Naputol ang pagsasalita ni LadyRed ng dahil sa--.
"Ako. Ako ang Drayton Master". Kalmadong saad nung lalaki sa gitna ng stage. Nagulat naman ako ng makita si Blaze sa gitna, nagsimula na namang magbulungan ang mga tao. Tinignan ko naman si Shem na nakatingin lang din kay Blaze na walang emosyon ang mukha.
"Tama. Ako nga ang Drayton Master. I'm Blaze Luther Drayton". Ibig sabihin matagal ko ng nakakasama ang Drayton Master?
"Sa wakas at lumabas ka rin. Napakaduwag mo kase kaya ka tago ng tago". Mas duwag kang paktita ka! Sa speaker ka nga lang namin nakikilala eh! Siraulo ka pala eh.
"Anong kailangan mo?". Walang emosyong tanong ni Blaze.
"Ang Drayton High ang Drayton Assassination". Seryosong saad ni LadyRed.
"At sa tingin mo ba basta-basta ko na lang isusuko ang Drayton High?". Kalmadong saad ni Blaze.
"Kung ganon I declare war between our Assassination's. Draytonians Vs. Halmington Assassin's". Sounds bad.
"Sa tingin mo matatakot mo na ako niyan?". Nakasmirk na sabi Ni Blaze na siya namang nakapagpaglit ng husto kay Lady Red.
"Talaga lang ha? Sige kung yun ang gusto mo HAHAHAHA. May two weeks pa kayo para sa paghahanda at magsisimula na ang labanan. Wait bago ako magpaalam may last surprise mo na ako sa inyo". Pagkatapos nun may sumabog na naman! Kasabay ng pagtigil ng sabog ang pagkawala ni LadyRed.
Ilang segundong katahimikan saka may nag lakas loob bumasag sa katahimikang bumabalot sa Gym.
"Totoo bang ikaw ang Drayton Master?". Tanong ng lalaking estudyante.
"Hindi ba kapani-paniwala?". Walang emosyong sambit ni Blaze.
"Pano kami makaksigurong ikaw nga ang Drayton Master?". dugtong ulit ng lalaki.
"Enough!". Umaalingawngaw na sigaw ni Ms. Davis. "Sa ngayon isipin na muna natin ang paghahanda, narinig niyo na man ang sinabi ng Lady Red na yun hindi ba? Two weeks lang".
YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH