DH-C10

2 0 0
                                        

Someone's POV

Naalala ko parin ang araw na iyon. Ang araw ngayon kung saan ako nawalay kina Mommy at Daddy.

Flashback....

"Mommy? Ba't kailangan kong umalis?". tanong ko kay Mommy.

"Anak. Hindi safe dito. Kailangan mong magtago at magpalakas. Tsaka pag malakas kana pwede na ulit tayong magkita". Pang-aaliw ni Mommy sakin noon. Kahit bata pa lang ako noon, alam ko na kung hindi lang iyon ang dahilan.

"Liar. Hindi lang naman yan ang dahilan hindi ba?". This time si Daddy naman ang lumapit sakin saka ginulo ang buhok ko.

Tinignan muna niya si Mommy. Tumango lang naman si Mommy na kung saan para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Nagpakawala muna ng buntong-hininga si daddy saka nagsalita.

"Big boy kana hindi ba? Kailangan mo na ding malaman ang lahat". daddy smiled bitterly.

"Anak, hindi safe etong buhay na kinalalagyan namin ng Daddy mo. Ayaw din namang mapahamak ka. Diba? nakapunta ka na ng Drayton High? Diba gusto mo dun? Dahil love ka ni Mommy at Daddy, dun ka na muna". Wala naman akong ibang magawa kundi paniwalaan ang sinabi nila Mommy at Daddy.

"Anak eto lang ang laging mong tatandaan ha? Hindi mo gagamitin ang last name mo. Hindi mo gagamitin ang Drayton. Dapat walang makakakilala sayo na isa kang Drayton. Maliwanag ba?". kahit naguguluhan man ako noon, tinanguan ko nalang si Mommy.

End of Flashback...

Habang lumalaki ako, unti-unti ko na ding nauunawan at naiintindihan ang mga pangyayari. Ang mga Halmington na gustong pabagsakin ang mga Drayton. Kahit wala sila Mommy at Daddy, ipinagkatiwala naman ako nila kay Nanie. Si Nanie ang nakasama ko buong buhay ko sa Drayton.

Hanggang sa dumating ang araw na may espiya ng nakapasok sa Drayton. Ang pagpatay sa mga estudyante at ang paghahanap sa akin.

*****

Someone's POV

"Luther. Kumikilos na sila. Ano ng gagawin natin". tanong niya.

"Magpapakilala ako bilang Drayton. total yun naman ang pakay nila hindi ba? Ba't hindi natin ibigay ang gusto nila". walang emosyon kong sabi.

"Hindi pwede, sa tingin mo ba pag ginawa natin yan ay ititigil niya na ang pag-angkin sa Drayton High? ". Walang emosyon niyang sabi.

"At sa tingin mo ba may magagawa pa tayo? May mga espiya na sa buong Drayton High".

"Tama ka. I have a plan at ang kailangan ko na lang ay ang kooperasyon mo". Siguraduhin mo lang magiging maayos ang plano mo.

*****

Medyo maayos na din ang pakiramdam ko.
Kaso hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari sa Forest park kahapon. Ba't ba kase sa favorite spot pa namin ni Shem ha? Ay, Wait! Ba't ba iniisip ko yung cold na lalaking yun? Papunta na sana ako sa classroom ng biglang tumunog ang Speaker ng Drayton.

"Good day Draytonians. There will be no class today. Paki proceed na lang lahat sa Gymnasium. We will have our Drayton's Black Meeting today. Please cooperate! Thankyou". No class? Ba't naman? Tsaka anong meron dun sa Gymnasium? Kung kailan naman ako papasok saka naman walang pasok. Hay buhay ng humampas ng ulo ko, malasin sana. Madami-dami na din ang tao sa loob ng gymnasium. Marami ding DA ang nagkalat sa buong Gym. Pagpasok ko palang agad hinanap ng mata ko si Astrid. San ba kase nag susuot ang babaeng yun? Hay naku! Unti- unti nang napupuno ang Gym pero bigo pa rin akong mahanap si Astrid. Mamaya na nga lang!

Drayton HighWhere stories live. Discover now