Nandito ako ngayon sa dorm nag-iisip kung ano ang kakantahin ko para sa singing competition. Ano naman kaya ang kakantahin ko para sa singing competition? Sa thursday pa naman yun so bukas ko na lang iisipin HAHAHA. Nakakatamad mag-isip eh. Since no class ngayon, nasa dorm lang ako nakatunganga. Ayoko din munang pumunta sa Forest Park kase fresh na fresh pa sa utak ko yung nangyari.
Try ko kayang libutin ang buong kwarto, alam muna baka makakita ako ng kung ano-ano. Sinimulan kong maglibot sa kusina. Sa banyo, sa ilalim ng sofa, sa ilalim ng kama ko. Habang tinitignan ko ang ilalim ng kama ni Zeira nakuha naman ng pamilyar na marka ang atensyon ko. H. Halmington.
Bat meron netong ganito sa ilalim ng kama ni Zeira? Weird. Hanggang ngayon, hindi pa din umuuwi si Zeira. Ni hindi ko nga alam kung nasan siya, Minsan naman naabutan ko na lang siyang tulog na tapos bukas, wala na naman. Tanungin ko kaya si Shem. Oo, tama tanungin ko kaya siya. Akmang aalis na ako ng biglang bumukas ang pintuan. Isiniksik ko na muna sa skirt ko yung marka. Dali-dali ko namang pinulot ang walis na nasa gilid ng kama ni Zeira.
"Anong ginagawa mo?". tanong ni Zeira. Base sa itsura ni Zeira, wala namang nagbago sa kaniya.
"Naglilinis". Inosente kong sagot.
"Naku, pasensiya na at hindi ako nakakapaglinis dito". Apologetic niyang sabi.
"Ayos lang yun. Ahmm, Zeira? Alam mo na ba yung two days foundation day natin? Pupunta ka' ba?". tanong ko.
"Oo, I will be there". nakangiti niyang sambit. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit may marka na halmington ang naka-ipit sa kama ni Zeira. Puntahan ko na lang kaya si Shem.
"Zeira, aalis lang ako sandali". pagpapaalam ko sa kaniya. Tango lang ang naging sagot niya sa' kin. Dali-dali na akong lumabas para hanapin si Shem.
Dala-dala ko pa din ang marka. Papunta ako ngayon sa favorite spot niya. Ang forest park.
"Sheeem! Yohoooo!". San na ba yun?
Napalundag naman ako dahil may nagsalita."Ano?". walang emosyong ani ni Shem. As usual, nasa puno na naman siya. Aakyat na naman ako. Ako nalang lagi nag aadjust.
"Nakakagulat ka na man! Ba't bigla-bigla ka na lang nagsasalita ha?! Kalorke ka naman". Gosh! Nakakastress tong si Shem ha. Imbis na sagutin ang tanong ko, hinagisan niya lang naman ako ng hagdan. Napakagaling din naman.
Eto na naman ako umaakyat para makausap lang siya. May lahi ata tong unggoy eh. Umupo na muna ako sa isang matibay na sanga saka binigay sa kaniya ang marka. Kunot-noo niya namang tinignan ang marka.
"Ano naman to?". Nagtatakang tanong ni Shem.
"Nakita ko yan sa ilalim ng kama ni Zeira, yung ka roomate ko". paliwanag ko sa kaniya. " Tsaka alam mo ba, minsan lang siyang umuuwi sa dorm namin. Minsan pag-uwi ko tulog na siya, tapos pag gising ko naman wala na naman siya ulit. Ang weird lang. Kase bat pa siya mag dodorm kung hindi din naman siya dun umuuwi. So weird you know". dugtong ko.
"Ano naman kayang koneksyon niya sa mga Halmington?". Nagkibit-balikat na lang ako kase nga hindi ko din naman alam kung ano.
"So ano na?".
"Kailangan mong embestigahan yang ka roomate mo. Kailangan mong humanap pa ng ebidinsiya kung ano talaga ang totoong koneksyon niya sa mga Halmington. Wag ka ding magpahalata na alam mo na ang tungkol dito. Be safe". pagpapa-alala niya. Ano ba talagang koneksyon mo sa mga Halmington. Wait! Naalala ko tuloy yung bilog na pulang marka malapit sa pulso niya.
"Shem. Naalala ko din yung bilog na pulang marka malapit sa pulso niya. Nung una, akala ko trip niya lang yun. Pero ngayon, baka konektado yun sa marka na nakita ko sa ilalim ng kama niya". Haaaish! Sino ka ba talaga Zeira Synx Alberts?
*****
Zeira's POV
Kakauwi ko lang sa dorm. Pinihit ko ang seradura na palatandaang may tao na sa loob. Pagpasok, nakita ko si Katana na nagwawalis.
"Anong ginagawa mo?". tanong ko.
"Naglilinis". Nakangiti niyang sagit
"Naku, pasensiya na at hindi ako nakakapaglinis dito". Apologetic kong sabi.
"Ayos lang yun. Ahmm, Zeira? Alam mo na ba yung two days foundation day natin? Pupunta ka' ba?". tanong niya.
"Oo, I will be there". Nakangiti kong Ani.
"Zeira, aalis lang ako sandali". pagpapaalam niya. Tumango lang ako at naramdaman ko ng lumabas na siya kaya dali-dali akong pumunta sa ilalim ng kama ko. Laking gulat ko ng wala na ang marka. Hinanap ko na ito sa paligid pero bigo akong makita to.
Hindi pwedeng mawala yun. Importante iyon. Pag nakita yun ng iba, mabubunyag na ang buong pagkatao ko. Hindi. Hindi pa pwede.
YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH