Sunod lang ako ng sunod kay Shem. Sa wakas, nandito nadin kami. Abandonadong gusali? Dito? Ano namang meron dito? Kahit kailan talaga napaka misteryoso netong si Shem.
"Oh, ano namang gagawin natin dito?". Sigurado ba talaga siya dito? Safe ba' to? Baka kase gumuho yan. Gosh! Sa halip na sumagot sa tanong ko, nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Snob sa personal.
Akala ko talaga dun sa abandonadong gusali yung pupuntahan namin yun pala, dumaan lang kami dun para malito yung sino mang sumunod o nakasunod samin. Huminto kami sa harap ng isang pader. Medyo malayo na din ito sa Abandonadong gusaling dinaanan namin kanina. Akala ko nga aakyat kami sa pader para makapunta sa kabila. Luminga-linga na muna si Shem sa paligid bago may pinindot dun sa pader. Automatic naman na bumukas ang pader. Syempre, hindi yung buong pader; bumukas yung hugis pintuan sa pader.
Pagpasok namin sa loob, akala ko na naman yun na. Yun pala dun pa sa dulo. Ilang lakad lang naman. Maliit na bahay? Hindi ko alam na may ganito pala dito sa Drayton.
"Katana. Itong lahat ng nakita mo. Sana atin-atin lang to. Secret House to kaya hindi pwede sabihin. Kung malalaman to ng iba, katapusan nadin ng pag iimbestiga natin sa mga Halmington. Gaganti ka pa sa humampas sa ulo mo diba?". Yes, Sir!
"Oo, promise! Cross my heart! Mamatay ka man yung humampas sa ulo ko". Una na siyang pumasok sa loob. Sumunod kaagad ako, baka may momo pa dito.
"Paano nagkaroon ng ganito dito sa Drayton?". curious lang po hehe.
"Ewan. Basta ko na lng tong nakita". Ahh okay.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Napako naman ang tingin ko sa isang Whiteboard na maraming sulat.
Halmington..
Daming nakasulat dun na tungkol sa Halmington.
"Shem, matanong ko lang. Ano ba yung Halmington?". Yeah, ayun natanong ko din sa kaniya.
itinuon na muna niya ang kanyang atensyon sa Whiteboard.
"Halmington. Isa sa mga kalaban ng Drayton na gustong sakupin ang Drayton High. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila. Kahit madamay pa man ang mga inosenteng tao". Napaka-bad naman ng Halmington na yan."Kaya ba tayo sinasanay, para protektahan ang Drayton High at yung Drayton Master?". Tango lang ang naging sagot niya.
"So, ano na ngang gagawin natin?".
"Sa ngayon, inaalala ko kung sino yung espiya ng Halmington na nakapasok na dito sa Drayton". Sino ba kase yan ha?
"Kailangan natin siyang makilala para malaman natin kung ano ang susunod na plano ng mga Halmington"."So magmama-ala Sherlock Holmes tayo ngayon?". Pumapalakpak kong sabi.
"Parang ganun na nga".
"Uwuuuu! Dream come true!". patalon-talon kong sabi.
"Ano na? Kailan tayo magsisimulang mag imbestiga?". Excited na sabi ko sa kaniya.
"Pagkatapos ng Night-time Class natin mamaya. Magkita tayo sa forest park. Alam mo na kung saan mo' ko mahahanap". Tango lang ang sagot ko sa kaniya.
Shem's POV
Nararamdaman kong nakasunod parin sa' kin si Katana. Tumigil ako sa paglalakad ng nagsalita si Katana.
"Oh, ano namang gagawin natin dito?".
Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. Pinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit kailangan pa naming pumasok sa abandonadong gusali. Nandito na kami sa labas ng pader. Luminga-linga na muna ako sa paligid bago pinindot ang entrance button. Nakasunod pa rin siya sa likuran ko. Bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay kinausap ko muna siya.
"Katana. Itong lahat ng nakita mo. Sana atin-atin lang to. Secret House to kaya hindi pwede sabihin. Kung malalaman to ng iba, katapusan nadin ng pag iimbestiga natin sa mga Halmington. Gaganti ka pa sa humampas sa ulo mo diba?".
"Oo, promise! Cross my heart! Mamatay ka man yung humampas sa ulo ko". Hanggang ngayon, yun parin iniisip niya?
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sunod din namang pumasok si Katana.
"Paano nagkaroon ng ganito dito sa Drayton?". See, hindi talaga nauubusan ng tanong tong babaeng to.
"Ewan. Basta ko na lng tong nakita". Yeah, naglilibot-libot ako nun; nagbabakasakaling makakita ng ebidensiya tungkol sa mga Halmington pero sa halip na ebidensiya ang mahanap ko, bahay ang naabutan ko.
Tumingin-tingin siya sa kabuuan ng kwarto. Kunot-nuo niya namang tinignan ang Whiteboard na kung saan ko sinusulat ang mga ebedinsyang nalalaman ko.
"Shem, matanong ko lang. Ano ba yung Halmington?".
Tinignan ko muna ang Whiteboard saka nagsalita.
"Halmington. Isa sa mga kalaban ng Drayton na gustong sakupin ang Drayton High. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila. Kahit madamay pa man ang mga inosenteng tao". Walang pinipili ang Halmington. Basta't hadlang ka sa mga plano nila, papatayin ka."Kaya ba tayo sinasanay, para protektahan ang Drayton High at yung Drayton Master?". Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya.
"So, ano na ngang gagawin natin?".
"Sa ngayon, inaalala ko kung sino yung espiya ng Halmington na nakapasok na dito sa Drayton". "Kailangan natin siyang makilala para malaman natin kung ano ang susunod na plano ng mga Halmington".
"So magmama-ala Sherlock Holmes tayo ngayon?". Pumapalakpak niyang sabi.
"Parang ganun na nga".
"Uwuuuu! Dream come true!". patalon-talon niyang sabi.
"Ano na? Kailan tayo magsisimulang mag imbestiga?". Halatang excited siya sa mangyayari.
"Pagkatapos ng Night-time Class natin mamaya. Magkita tayo sa forest park. Alam mo na kung saan mo' ko mahahanap". Tango lang ang sagot niya sa sinabi ko.
Sana naman hindi ka mapahamak sa desisyon mong tulungan ako sa pag iimbestiga sa mga Halmington. Siguro, mas mabuting mabantayan kita at ng ma protektahan kita sa anumang posibleng mangyari. Alam kong may hindi magandang mangyayari, kaya sana mag-ingat ka.
![](https://img.wattpad.com/cover/227182841-288-k722135.jpg)
YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH