DH-C14

1 0 0
                                        

Una naming pinuntahan ang mga booth kung saan makikita ang mga keychain ng Drayton. Sunod naman naming pinuntahan ang booth kung saan pwede maglaro. May booth din kung saan pwedeng magpa picture. First pose fierce, sunod naman wacky, sunod naka smile na labas lahat ngipin. Nakita kong nag eenjoy din naman si Shem. Ayoko na talagang matapos to baka kase pag natapos na' to hindi ko na siya ulit makikitang nakangiti.
Hoooh! Nakakapagod din pala tong ganito pero sobrang worth it naman. 4:37 na, nandito pa'din kami ni Shem sa isang booth kung saan may libreng cotton candy. Libre tama. Libre kase ang Drayton lang naman ang nag provide sa lahat ng gastusin bale kame lang yung pinasikaso para naman may magawa kami.

"Sa lahat ng foundation day na naranasan ko, eto yung pinakadabest!". Pagmamalaki ko sa kaniya.

"Bakit mo naman nasabi yan?". Kase Ha-ha-ha ang dami kong tawa mga tatlo.

"Kase libre lahat hekhek". Tumawa naman si Shem sa kakulitan ko. Oo nga kase dun sa dati kong school may bayad. Eh dito sa Drayton, sila na ang bahala pero kailangan mo din namang tumulong sa pag-aayos.

Pasado alas sais na ng hapon ng makabalik ako sa dorm. Kailangan ko na ding mag-ayos para mamaya. One hour na lang ang meron ako. Mamayang 7 mag sisimula ang contest. Sa ngayon naka ponytail na ang buhok ko na may wavy na kulot sa dulo, nilagyan ko din ng asul na laso para mas lalong magandang tignan. Yeah, all blue tayo ngayon except sa boots; hindi ako mahilig mag heels eh hehehe. 6:30 na ng makaalis ako sa dorm. Howemji kaya mo to Katana! Bitbit ko ang gitara habang naglalakad papunta sa Gym. Dinig na dinig ko na ang dagundong na dulot ng malakas na musika. Kinakabahan ako na naeexcite. Bigla namang nag ring ang phone ko.

From: Astridlicious

Paktita. Diretso kana dito sa backstage, Nandito kami ni Shem naghihintay sayo. Bilisan mo.

Si Shem nandun? Gosh, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko mga men. Pagpasok ko sa loob ng Gym, agad akong tumakbo papuntang backstage. May mga classmate naman akong nakakasalubong ko na todo goodluck.

"Paktita. Naku, galingan mo ha? Exzoited na kase ako hekhek". Pumapalakpak niyang sabi.

"Goodluck". saad ni Shem na nakangiti. Pero yung slight lang na ngiti. Okay na yun, kesa naman sumimangot siya diba?

Nagsimula na nga ang contest at halata namang excited na yung kasama ko.

"Ano ba yan! Antagal matapos!". Pagrereklamo niya. Nilingon ko naman si Shem na nakatingin pala sakin. Agad naman akong umiwas.

"And know may we will come our next contestant. Ms. Katana Collins. Round of applause please". dinig na dinig dito ang pagtawsg ng emcee sa pangalan ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Tinignan ko naman ang mga kasam ko na nakangiti.

Habang bitbit ang gitara. Dahan-dahan akong naglakad palabas. Makikita mo agad ang mga estudyante at ang board of judges. Si Ms. Davis, Mr. A, Faculty Member Loly Jacinto at Si Mrs. Sison. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang istrum ang guitar.

He's always on my mind
From the time I wake up till I close my eyes
He's everywhere I go
He's all I know

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Madami ding nagkalat na mga DA. Nakita ko naman si Astrid na maluha-luha at Shem na seryosong nakatingin sakin.

And though he's so far away
It just keep's gettin stronger, every day
And even now he's gone
Im still holding on
So tell me where do I start
Cause it's breakin my heart
Don't want to let him go.

Nagsitaasan naman ang mga estudyante habang iwinawagayway sa magkabilaan kasabay ang kanilang mga ulo. Hindi ko iwasang mapangiti.

Maybe my love will comeback someday

Laking gulat ko ng may isang boses na sumabay sa pagkanta ko. Mas ikinagulat ko si Shem na may hawak ni Mic habang papalapit sakin. Dug. dug. dug. Stop! Nooo! Heart behave ka nga! Nagsigawan naman ang mga estudyante.

Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do Is hope and pray
Cause heaven knows.

Tuluyan na siyang nakalapit sa gawi ko. Magkaharap lang kami habang kumakanta. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya. Sobrang saya habang nakatingin sa mga mata niyang nangungusap. Dinig na dinig din ang mga tuksuhan ng mga estudyante.

"Woooooh!".

"Ayieeeeeeeee!".

"Itigil ang kasal!".

"Bagay na bagay!".

"Kiss! Kiss! Kiss!".

Natapos na namin ang kanta. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Dali-dali kaming nagpunta sa backstage. Napatili naman si Astrid ng makita kami ni Shem. Sisa 2.0. Humarapa naman ako kay Shem saka kinausap.

"Akala ko sa pag akyat ka lang ng puno magaling, yun pala maganda din ang boses mo". Natatawa kong sabi.

"Hindi mo kase tinanong kung marunong akong kumanta". seryoso niyang saad

"Pero totoo nga ang ganda ng boses mo ha, Infairness". Papuri ko sa kaniya.

Natapos na lahat mag perform ang mga contestant. Hinihintay nalang namin ang magiging resulta.

"Okay, gusto ko lang magpasalamat sa mga estudyanteng hanggang ngayon nakasubaybay parin. I would like to thank also the board of judges. Gusto niya na bang malaman kung sino ang nanalo?". maligayang sambit ng Emcee.

Nag hiyawan naman ang mga estudyante. Ang katabi ko naman ngayon sobra kung makakapit with matching papikit-mata pa.
Nasa kamay na ng Emcee ang resulta.

"Congratulations, Contestant No. 5. Ms. Katana Collins". Tama ba ang narinig ko? Napatalon-talon naman si Astrid dahil sa tuwa. Lumabas na ako mula sa backstage para kunin ang trophy ko. Naghiyawan naman ang mga estudyante at kinamayan ako ng mga judges. Nakita ko naman si Astrid sa gilid habang naka thumbs up na nakangiti na abot tenga. Si Shem naman nakangiti din. Tumakbo ako papunta sa kanila saka sila hinila na ikinagulat naman nilang dalawa. I think this is one of the best day in my life.

Kakatapos lang ng program. Nandito ako ngayon sa booth. Todo puri sakin.

Napagpasiyahan namin na bumalik na sa dorm. Pasado alas 11 nading natapos ang program. Naglalakad kami ngayon ni Shem papunta sa dorm ko. Nag offer kasi siyang ihatid ako. Kase nga nasa Gym pa si Astrid na busy sa pag-aayos.

"Thankyou pala sa pagpapahiram sakin niyang guitara mo". pagpapasalamat ko habang inilalahad sa kaniya ang guitara.
"Pano ba, mauna na' ko?". pagpapaalam ko sa kaniya.

"Katana. Congrats". Hindi ko mapigilang mapangiti. Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Pagpasok ko sa kwarto, naka off pa ang ilaw. Hindi ba umuwi si Zeira dito?
San na naman kaya yun?

Agad akong nahiga sa kama dahil narin siguro sa pagod na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari sa araw nato.

Drayton HighWhere stories live. Discover now