DH-C20

0 0 0
                                    

"Hoy gising batugan!". Naalimpungatan ako ng narinig kong nagsalita si Zeira.

"Ano ba zeira? Ganyan mo na ba talaga ako ka gusto?". Pang-aasar ni Blaze. So si Blaze pala ang sinabihan niya ng batugan?

"Gusto mo mukha mo!". Pag-susungit ni Zeira.

It's unat time na muna. Wala pa ding tigil sa pagbabangayan sina Zeira at Blaze. Tinignan ko naman ang sofa pero wala ni si Shem doon.

"Si Shem ba hinahanap mo?". Tanong ni Blaze.

"Nasa Cr naliligo na". Dugtong ni Zeira.

Alas 5 y media pa naman pero naligo na siya? Wow ha. Daig pa babae ne 'to.

"Hoy Blaze! Ang tagal mo namang makalabas diyan! Kahit anong gawin mong pag-aayos diyan pangit ka parin para sakin!". Sigaw ni Zeira. Alangan naman kase ang tagal lumabas ni Blaze.

"Ang sakit mo namang magsalita my loves". Sa wakas lumabas na rin.

"My loves mo pwet mo!". Pag-susungit ni Zeira kay Blaze.

Sabay kaming apat na naglalakad ngayon papunta sa rooms namin. Gusto ko ding kausapin si Astrid.

"Oh siya, mauna na kami ni Zeira my loves ha?". Pagpapaalam ni Blaze sa amin ni Shem. At yeah nagbabangayan na naman silang dalawa. Pinagtitinginan na nga sila ng ibang mga estudyante.

"Hmm. Katana mauna kana". Ani ni Shem.

"Ha? bakit?". Ba 't naman? Hindi ba siya papasok?

"Dadaan lang ako sandali sa office ni Ms. Davis". Paliwanag niya.

"Ahh okay". Saka siya naglakad papalayo.

Naalala ko tuloy yung sagupaan namin ni Lady Red. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya kase madilim tsaka may nakatakip din sa mukha niya. Pero may isang bagay akong hindi nakakalimutan, yung peklat sa kanang kamay niya. Nakita ko yun nung hinampas niya ang ulo ko gamit yung baril.

Kahit kailan talaga tong si Astrid napaka-ingay. Pano ba naman kase abot labas ng room yung tawa niya. Kung makatawa wagas. Teka, para may naaalala ako sa tawang yun. Aish, baka hindi.

"Katana, minamahal kitaaa~". Kanta ni Astrid pagpasok na pagpasok ko kahit wala naman sa tono HAHAHA.

"Ewan ko sayo mukha kang ewan". Mukhang engot HAHAHA.

"Pero maganda naman HAHAHA". Wow ha? Confident ka ghurl?

"Teka may sasabihin sana ako sayo". Pag-iiba ko sa usapan baka mapunta pa kase sa pagandahan tong topic namin.

"Oh ano chika mo? Tsaka what's with that benda sa ulo mo?". Aliw na tanong ni Astrid. Chismosa sa kanto ni aleng Hilda. Bansag ko sa kanya.

"Ganito kase yan. May nag text sa 'kin kahapon ang sabi, puntahan daw kita sa abandonadong gusali para iligtas. Akala ko talaga kung napano kana kaya pinuntahan kita". Paliwanag ko sa 'kanya.

"Oh tapos?". Napaka laswa ng itsura ni Astrid ngayon HAHAHA. mukhang asong hindi binigyan ng pagkain ng amo niya.

"Tapos pumunta ako dun. Tsaka pangatlong beses na akong na palo sa ulo. Akala ko maaabutan kita dun pero ako yung nagapos. Pano ba naman kase pinalo ako sa ulo nung paktitang Lady Red na yun! Nakakalorke talaga! Tapos nun dumating si Shem kaya dali-daling tumakbo yung Lady Red pero wala na nahampas na naman ako sa ulo kay nagkaganito". Dugtong ko sa paliwanag ko kanina.

"Pahawak nga". Hinawakan ni Astrid ang benda sa ulo ko ng. Hell no. yung--yung--yung peklat sa kanang kamay niya. No, hindi naman siguro baka nagkataon lang. Ayokong paniwalaan hangga 't wala akong ebedensiya.

Sakto namang dumating si Mr. A. Ngayon magsisimula ang unang araw ng pag-eensayo namin. Hindi na daw tuloy yung sa Gym, mas mabuting sa mga rooms na lang magkita-kita para masigurong lahat ay mag paparticipate.

"Draytonians. Alam kong matagal na tayong naghahanda pero hindi sapat iyon para sa darating na labanan. Tandaan, protektahan ang mga sarili ninyo, ang Drayton High at ang Drayton Master". Seryosong ani ni Mr. A.

"Buong araw ang gagawing pag-eensayo. Alam kong nangangamba kayo para sa darating na labanan pero sinisigurado ng Drayton ang kaligtasan ng bawat isa. May mamamatay at may mabubuhay. Pero etong tandaan niyo ang Draytonians ay hindi umuurong sa anumang laban. Mamamatay naman kayong may isang hangarin". Wow nakakatouch naman yang sinabi mo Mr. A. Parang gusto mo na kaming ma deads.

"Grenade, Bow and Arrow, Dagger, Switch Blades, Ballistic knife and Boomerang". Deadly and Hand to hand Weapons.

"Mr. A? Bakit ganyan ang mga gagamitin natin? Pano kung baril ang gamitin ng mga Halmington". Ani ng isa kong kaklase.

"Tapos sir sabi nga niya diba na Assassin's nila ang mga kalaban natin at mas expert ang mga iyon. At isa pa--". Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng may isang kutsilyo ang dumaan sa may tenga niya na ensaktong tumama sa dart board na nasa likod. Bakas naman ang pagkagulat sa mga mukha naming lahat.

"Wala ka bang tiwala sa 'kin?". Kalmadong tanong ni Mr. A habang dinudukot ang kutsilyo sa dart board.
"Isa pa, hindi gagamit ng mga baril ang mga Halmington dahil kung gagamit sila neto para na rin nilang tinanggap ang pagkatalo nila". Nakangising ani ni Mr. A

"Sir? May grenade? Pano yun? Magpapractice tayo pano gamitin ang grenade?". Tanong ng isa kong engot na kaklase. Duuh! Syempre hindi noh.

"Hindi. Tuturuan lang kayo kung pano ito gamitin pero hindi tayo gagamit muna ng granada". Saad ni Mr. A.

"Lahat maghanda dahil magsisimula na tayo. Sumunod kayo sa 'kin". Ani ni Mr. A. Nagsimula na ding sumunod ang mga kaklase ko kay Mr. A.

"Katana, pakisabi kay Mr. A hindi na muna ako makakasali kase ansama ng pakiramdam ko". Paalam ni Astrid.

"Ah ganun ba, sige ako na ang mag sasabi kay Mr. A. Ikaw naman magpahinga kana". Saka siya nag umpisang maglakad papalabas. Hanggang ngayon hindi pa 'din nakakabalik si Shem. Siguro importante yung pinunta niya dun sa office ni Ms. Davis

---

"Ry, anong sadya mo 't naparito ka?". Tanong ng matanda.

"Kailangan nating mag-usap Nanie". Sagot ng alaga niya.

"Ano na mang pag-uusapan natin?".

"Tungkol sa plano niyo". tipid na sagot ni Ry.

"Wala na kaming ibang maisip na paraan para maitago ang tunay na pagkatao mo--".

"Alam ko. Hindi ko na mababago ang desisyon ni Lr kaya 't tutulong ako. Bubuo tayo ng plano ngayong alam na namin kung sino ang Lady Red na yan".

---

Isa-isa ng nilapag ni Mr. A ang mga pana 't palaso sa mesa. Kung dati isang set lang, ngayon tig-iisa na kami. Ang set na makukuha namin ngayon, eto na rin ang gagamitin namin para sa labanan.

Hanggang ngayon wala pa 'din si Shem. Nakakabagot, wala akong makausap.

Dala-dala ko ngayon ang bow at arrow na pag mamay-ari kuna. Ng nagkasalubong kami ni Zeira sa tapat ng Girl's Dorm. May dala-dalang dalawang maleta? Maleta na mukhang sa kaniya at maletang. Maletang akin! Mukha siyang balisa.

"Sa headquarter na ako magpapaliwanag. Tara na, tsaka tulong naman". Kinuha ko naman ang maleta ko sa kaniya at nagsimulang sumunod. Kahit naguguluhan man, sumunod pa 'din ako sa kanya.



Drayton HighWhere stories live. Discover now