"Astriiid! Astriiid!". Sigaw ko ng pagpasok ko sa loob ng abandonadong gusali. Masyadong madilim.
"Astriid! Astriid!". Sigaw ko ng may pumalo sa ulo ko. Na naman?
Argghh! Futek na paktita yun! Heto ako ngayon naka upo 't nakagapos. Pangalawang beses na akong na palo buti na lang at hindi ako nag ka amnesia.
"Katana. Katana. Katana". Pambabanggit niya sa pangalan ko. Marahil ay ito nga ang pumalo sa ulo ko.
"Sino ka?". tanong ko.
"Sino pa nga ba edi ang pinakamagandang Lady Red". Tumatawa niyang sambit.
"Zeira ikaw ba yan?! Tama nga ang hinala kong ikaw si Lady Red!". Tama nga akong si Zeira at si Lady Red ay iisa. Una, lagi siyang wala sa bahay kaya magagawa niya ang mga gusto niyang sabihin. Pangalawa, ang logo ng Halmington at Pangatlo ang pulang bilog sa kamay niya.
"Isa kang hangal! HAHAHAHA akalain mo napagbintangan mo ang roomate mo. Masyado ka kaseng mabait at mabilis magtiwala eh kaya ayan tuloy kawawa ka". Hindi si Zeira? Kung hindi siya Sino?
"Kung ako hangal siraulo ka naman". Singhal ko naman sa kaniya pero nilabas niya ang baril niya at agad hinampas sa ulo ko.
"Kung hindi ka lang sana nakialam pa". Nararamdaman kuna ang likido sa may pisnge kung dumadaloy paibaba. Unti-unti na ding nawawala ang paningin ko ng.
"Katanaa! Katanaa!". Shem.....
"Shit!". Dali-dali namang tumakbo si Lady Red.
Nakita ko naman si Shem na nakangiting nakatitig sakin. Pangatlong beses na akong hinampas kaya eto na naman. Huli kong nakita ang pagtakbo ni Shem papunta sa gawi ko kasabay nun ang pagpikit ng aking mga talukap.
Shem's POV
Shit! Masyadong madilim. Pag may nangyaring masama kay Katana malalagot talaga siya sa 'kin.
"Katanaa! Katanaaa!". Sigaw ko. Lumiko ako sa bandang kanan at nakita ko si Katana na nakagapos habang may pulang likido na umaagos sa pisnge niya. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita siya. Pero agad din siyang nawalan ng malay kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi niya at kinalas ang nakagapos sa kaniya.
"Snooow! Ihanda niyo ang kwarto!". Bakas sa boses ko ang pag kabahala.
Kinarga ko siya at dali-daling naglakad papalabas ng abandonadong gusali.
*****
Arghh! Futek na Lady Red yun! Dalawang beses akong hinampas! Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga at nakitang hindi pamilyar sa 'kin ang kwartong ito.
"Gising ka na pala". Zeira? Bat siya nandito?
"Sakit ng ulo ko bwesit na Lady Red yun". Pag nakita ko ulit yun siya naman hahampasin ko.
"Buti na lang at nadala ka dito ni Shem". Shem? Ahh tama! Siya nga yun. Pero pano niya nalaman na nandun ako?
"Ahmm Zeira may sasabihin sana ako sayo pero wag kang magagalit ha?Ano kase eeh--". Agad na niyang pinutol ang sinabi ko.
"Na pinagbintangan mo 'ko?". Natatawang sambit ni Zeira. Napayuko na lang ako ng dahil sa sinabi niya.
"So--sorry". Apologetic kong sabi.
"Ayos lang yun ang mahalaga yang ulo mo". Hindi ko mapigilang mapangiti ng dahil sa sinabi niya. Hindi naman pala si Zeira si Lady Red.
YOU ARE READING
Drayton High
Ficção AdolescenteDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH
