NIGHT-TIME CLASS..
It's already 6:40 p.m, 20 minutes na lang at magsisimula na ang first night-time class ko. Well, yeah first time at wala din akong clue kung anong gagawin namin dito sa gymnasium. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Astrid sakin, yung about sa misteryosong Drayton Master kako. Tas yung nangyari sa cafeteria. Kalorke.
Bep. bep. bep.
From: Astridlicious
Katana, saan banda kaba nag susuot? Halika na dito at baka ma late ka pa. Sa bandang kanan yung malapit sa stage. Takbo kung pwede lumipad ka, lipaad!!
To: Astridlicious
Oo na, papunta na po. Nasa gym nadin naman ako. Konting rampa nalang. Tsaka hindi pa ako pwedeng lumipad na stress yung pakpak ko kanina kaya pina relax ko na muna para sa susunod ready to fly na.
Ewan ko ba dito kay Astrid. Bago palang naming magkakilala, close na close na kami yung tipong pati contact name niya may pa arte-arte pa. Astridlicious daw kamo. Lutuin kita diyan eh. Joke lang ha-ha-ha dami kong tawa mga tatlo.
"Sus inday! kadugay gud nimo nakaabot diri, aha ka man gikan pa diay?". Ha? pinagsasabe neto?
"Ha?". Alien ata tong si Astrid. Sayang maganda pa naman may lahi lang ng alien. Tsk. tsk. tsk.
"Ang sabi ko. An tagal mo naman, san ka pa kase pumunta? Makaka bisaya ka na lang talaga dahil diyan sa kabagalan mo". Nakapamewang niyang sagot. Nginitian ko lang siya saka nag peace sign.
By section din pala ang night-time class yun nga lang iba-iba ng weapons. May mahabang mesa sa harapan namin ngayon at tatlong target na magkakaiba ang layo. May nakahanda nading isag set ng pana at palaso. Ang cheap naman ng Drayton isang set lang ng pana at palaso. Syempre, joke lang eheee.
May lalaking sa tingin ko nasa Age 30's lang ang naka pwesto sa mahabang mesa.
"Good day Draytonians, Para sa mga bago; I'll introduce my self first. I'm Jez Aragon, or just call me Mr. A nalang. Shall we start?". I-denemo na muna ni Mr.A kung pano ang tamang paghawak ng pana at palaso.
Woshhh....
Boom! Sapol! Grabe, asintadong-asintando. Halatang bihisa si Mr.A sa pag hawak ng pana at palaso. Sa tamang hawak at pagtama sa target sa bawat pakawala niya. Isa-isa ng tinatawag ni Mr. A ang mga last name namin para sumubok.Si Astrid na ang may hawak ng pana't palaso. Go! go! go! Astridlicious! Kung pwede lang mag pa banner hexhex.
Woah, natamaan niya yung first target. Ngayon ko lang nakitang sumeryoso si Astrid. Siguro nga, dapat talagang mag seryoso kung ganito na. Syempre, kung dumating na yung araw na lusubin kami ng ibang organisasyon alangan naman naka smile lang kami. Oh diba, hindi ka pa nakakailang hakbang sa mga kalaban mo deads kana agad. Mapagkamalan kapang taga mental. Ngisi ka ng ngisi para kang asong ulol.
Ng matapos si Astrid. Si Mr. Poker Face naman. Mr. Poker Face Cold Snob, Shem Ferell.
Natamaan niya ang una at pangalawang target. Relax na relax lang din siya na kung aakalain mo napakadali lang yun gawin para sa kaniya. Bago niya itinira sa target, tumingin na muna siya sakin na agad ko namang iniwasan. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Grabe, galing naman. Pwede na siyang Mr. A 2.0.
"Galing mo dun Astrid ha". puri ko sa kaniya.
"Naku, naturuan lang". sagot niya.
Pasado alas-otso na ng matapos ang klase namin. Tahimik na ang paligid. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon kase nga iniwan ako ng dakilang Astrid. Joke, ayun pinatawag lang ni Mr. A. Tahimik lang akong naglalakad ng may naaninag akong isang bulto na nasa labas ng boy's dorm. Tatawagin ko sana siya pero nakalakad na siya papalayo. Lumiko siya sa bandang likod ng dorm. Binilisan ko naman ang lakad ko. Hanggang sa nakita ko na siyang tumatakbo.
"Teka! Sandali lang!". Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko makita ng malinawan ang mukha niya. Bukod nga sa walang ilaw dito, naka black-attire din siya. Hindi ko din alam kung magnanakaw bato o tatakas ba kamo.
Tumigil na din ako sa pagtakbo ng tumigil din siya. Dead end na 'to. Na corner ko din siya sa wakas."Sandali lang! Sino ka?". hingal na hingal kong sabi sa kaniya. Dahan-dahan niyang hinubad ang cap niya ng bigla nalang may pumalo sa ulo ko. Arghh. Nanlalabo na ang paningin ko. Humarap na siya ng tuluyan pero huli na. Unti-unti ng bumibigat ang aking mga talukap. Kainis.
*****
Arghh! Sakit ng ulo ko. Bwisit na ano yun, hampasin ba naman ako sa ulo. Pag yun nakita ko, iuuntog ko talaga siya sa pader.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pamilyar sakin ang kwartong to. Balak ko sanang tumayo pero sumasakit na naman ang ulo ko. Kainis talaga oh!
"Sa wakas, gising ka na din". Boses lalaki? Wth ibig sabihin? Nanlaki naman ang mata ko. "Relax, wala akong ginawang masama sayo". Haayst. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"I'm Blaze". Siya ba may-ari ng kwartong to? " Mabuti na lang at nakita ka ni Shem kanina. Natagpuan ka kasi niyang walang malay sa likod ng boy's Dormitory. Hindi din niya alam kung alin ang kwarto mo dun kaya dito ka nalang niya dinala". Shem? As in Si Mr. Poker Face? Wews.
"Oh Shem, maiwan ko na muna kayo ha? Tsaka ako na bahala mag excuse sa inyong dalawa". Tinapik niya muna ang balikat ni Shem na nakasandal sa pader bago tuluyang umalis.
"Ahh-ehh Salamat". nakadungo kong sabi. Nahihiya kase ako. Nakaabala pa tuloy ako. Bwisit kasi nung pumalo ng ulo ko kagabi eh. Ayan tuloy!
"Bat ka nasa likod ng boy's dorm kagabi?". Lamig ng boses niya. Shocks nakakatindig balahibo. As usual, blanko pa din ang mukha niya.
"May nakita kase akong tao sa labas ng dorm namin kaso tumakbo siya papunta sa likod ng boy's dormitory kaya ayun hinabol ko. Pero hindi ko nakita ang mukha niya kase nga may pumalo sa ulo ko. Kainis!". Kung di dahil sa kaniya sana nakita ko pa yung mukha ng hinahabol ko. Pag yun talaga nagpakita ulit sakin. Naku! naku!
Nahulog naman siya sa labis na pag-iisip. Ayan tuloy na stress na din siya kakaisip kung sino yun.
"Posibleng espiya yun ng ibang organisasyon. Kumikilos na nga sila". Bulong niyang sabi.
Naala ko tuloy yung nakita ni Shem sa ilalim ng Soda nung biktima dun sa Cafeteria noong isang araw. Itim na marka na may ekis at may tatak na H sa gitna.
"Shem. Matanong ko lang. Ano bang ibig sabihin nung Itim na marka na may ekis at may tatak na H sa gitna?". Curious lang kasi ako.
"Halmington". tipid niyang sagot.
"So sinasabi mong kagagawan ng Halmington yung nangyari sa cafeteria noong isang araw?". Tanong ko.
"Posible ding sila ang nakita mo kagabi". Shekes alagad ng Halmington pala yung pumalo sa ulo ko kagabi. Naku! kakalbuhin ko talaga yun.
Magtatanong pa sana ako ng bigla nalang may sumigaw na babae sa labas. Nagkatinginan na muna kami ni Shem saka Dali-daling lumabas. Maraming nakatingin sakin nung lumabas ako pero wala muna akong pakealam sa ngayon. Madami ng taong nakikisusyo sa labas, marahil narinig din nila ang sigaw ng babae. Maraming tao ang nagkukumpulan sa huling kwarto ng palapag. May isang lalaking ibinitin. Malabo din namang suicide ang nangyari. Sigurado akong hindi dahil sa isang Itim na marka na may ekis at tatak H sa gitna na nakasulat sa pader.
Halmington....

YOU ARE READING
Drayton High
Teen FictionDrayton Assassination | Drayton Empire | Drayton Master DRAYTON HIGH