Chapter 3 | Sapphire

729 39 25
                                    



XAMIRA



"Xam, sama tayo lunch!" sabi sa akin ni Calyx habang nakangiti. Tinignan ko yung mga kaibigan nya at ngumiti ito maliban sa lalakeng 'yon na walang reaksyon.


Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko at ngumiti sila na parang sinasabing 'sige na payag kana' kaya tinignan ko sila ng masama.


"Ah eh, pasensya na pero may gagawin pa kami eh." ani ko dahilan para ngumuso si Calyx.


"Sige, Xam. Sa susunod nalang, ah?" sagot nya at tumango lang ako 'tsaka ngumiti tapos pumunta kina Maiara.


"Sayang!" reklamo ni Maiara kaya tinignan ko sya ng masama. Ngumiti lang sya sabay peace sign sa akin. "Ba't mo ba tinanggihan yun, Xam? Sayang ang offer at makasama ko pa sana si Alex." ngumuso naman si Maiara pagkatapos nyang sinabi iyon. Napailing-iling nalang ako dahil sa kakulitan nila.


"Eh ang awkward kasi eh." naiinis kong sabi. Why are they so clueless?


"Bakit naman?" parang inosenteng tanong ni Nayah at ngumiti. Eto nanaman tayo.


"Natural! Yung nangyari sa canteen kanina!" tinignan ko sila ng masama nung nakakatukso nila akong tinignan. "Tara na nga sa coffee shop. Treat ko!" sabi ko sakanila dahilan para ngumiti sila at mabilis na sumunod sa akin.


Habang lumalakad kami patungong coffee shop, hindi talaga maiiwasan ang bulong-bulongan. Why can't they move on? I didn't know na maraming chismosa pala dito.


Pagpasok namin sa coffee shop ay umupo kami kaagad sa bakanteng upuan at inutusan ko si Amira na sya nalang ang o-order. Akmang kunin ko na sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang nahagip ng atensyon ko ang bagong pumasok sa coffee shop. Hanggang dito ba? At mukhang nag iisa lang sya? Nasaan na yung mga kasama nya? Bumalik nalang lahat sa reyalidad nung nagtama paningin namin kaya mabilis akong umiwas 'tsaka tumayo.


"Where are you going?" tanong ni Maiara dahilan para mapa hinto ako. Tinignan ko muna sila at nakataas ang kilay ng dalawa sa akin.


"A-ah powder room lang ako." Damn it! Why am I stuttering?


Matagal nila muna akong tinignan bago tumango. Mabilis akong tumalikod at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa hiya. Nagmamadali akong lumakad pero bigla namang may bumungga sa akin. Not again.


I can see that she's pissed because she bumped into me. Sya pa ang may ganang magalit?


"Ah! Look at my dress! This is all your fault!" sigaw ng babaeng bumangga sa akin.


Tinignan ko yung damit nyang puti at mukhang nabuhusan ng kape. Not again. I don't want to cause any trouble.


Akmang sasampalin na nya sana ako nang bigla kong sinalo ang kamay nya at sinampal sakanya ang sarili nyang palad. Mukhang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko dahilan para tumaas ang gilid ng labi ko. Expect the unexpected, dear.


Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon