Chapter 6 | 4 of Spades

663 31 39
                                    


KAIZER


We couldn't help but listen in to what students were talking about while eating in the cafeteria.


"Grabi pre, natalo ng bagong transferee ang 4 of Spades. Ang astig nila,"


"Oo nga e. They were so brave! Hindi mo akalain na Rank 7 ang kinalaban nila at napatumba pa nila ang lahat."


Huh? Sinong mga yun?


"Baka gangsters rin sila pre,"


"Hindi ko alam pero parang hindi naman impossible."


"Diba sya ang nakabunggo kay Kaizer at Sapphire? And what's worse? Si Sapphire pa kanina ang tinulungan nila!"


Nakabunggo? Siya? Nila? What the heck are they talking about?


"Oo nga. Ano nga ang pangalan nun, ah? Xa...Xam... ahhh. Xamira! Oo, Xamira ang pangalan non."


Kinalaban nina Xam ang 4 of Spades? Tapos napatumba nila? That's impossible!


Eh kung napatumba nga nila, baka babalikan sila nun. Hindi nila alam ang kinakalaban nila. Baka gagantihan sila. Transferee lang sila pero ang lakas ng loob magmamayabang. Gangsters yung kinakalaban nila. Gangsters.


"Napatumba nina Xam ang 4 of Spades?!" gulat na tanong ni Ash. Kakasabi lang nga diba.


"Parang may kakaiba sa mga 'yon. Napaka misteryosa nila! Parang walang kinakatakutan." ani naman ni Alex. "Ganyan ba talaga sila, Cal?" dagdag pa nya.


"Yea. Tinuruan silang maglaban ng mga lolo nila noong mga bata pa sila para sa self defense." pagpaliwanag ni Calyx.


"Alam ba nila na gangsters ang kinakalaban nila? And worse, Rank 7 pa. Baka babalikan sila nang mga 'yon para gumanti." ani Alex.


"Kaya na nila yan," bulong ni Calyx pero narinig rin namin dahilan para tumingin kami sa kanya na nakakunot ang noo. Kaya nila? I think not.


"Kaya nila?" naguguluhang tanong ni Ash at Alex.


"I mean, kaya nilang depensahan ang mga sarili nila." bawi nya at nginitian kami.


"Kaya? Dude, Rank 7 'yon sa Underground at isa sa pinakamalakas dito sa school! Kailangan natin silang bantayan baka bigla silang aatakahin ng 4 of Spade." ani Alex na parang nag-alala talaga. Ano nanaman ba 'tong gulo na pinasok nila?


Tumango naman sina Ash at Calyx saka tumingin sa akin. Tumango nalang rin ako kaya nginitian nila ako. Nakikipag kwentuhan nalang kami about sa Underground pagkatapos naming kumain pero napatigil kami nung pumasok ang apat kasama sina Saph at ang dalawang bakla nyang kaibigan. May mga pasa sina Saph at ang dalawa sa mukha samantala ang apat naman ay walang galos maski ni isa. Umupo sila sa gilid ng lamesa namin at nagtawanan na parang wala lang nangyari kanina.


Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon