Chapter 13 | Acquaintance Party

549 28 29
                                    


XAMIRA


Biglang lumabas si Kaizer sa sasakyan nya na ikinagulat ko. Pumunta sya muna kina Mom para bumati 'tsaka pinagbuksan nya ako ng pintuan. I rolled my eyes. Pa gentlemen effect lang?


Tinignan ko sina Mom at mas lalong lumaki ang kanilang mga ngiti maliban nalang kay Kuya na seryosong tinitignan si Kaizer. Sinenyasan ako ni Mom na pumasok na kaya nagpaalam na ako sakanila at pumasok sa sasakyan ni Kaizer.


Sinundan ko sya ng tingin and my brows furrowed noong tinawag sya ni Kuya. May sinabi muna si Kuya kay Kaizer bago ito pumasok sa sasakyan.


Wala kaming kibo habang bumabyahe hanggang sa binagsak nya ang katahimikan. "Wag kang feeling. Sinundo lang kita because my mom threatened me that if I won't fetch you, she will confiscate my car and freeze my bank accounts for the entire year." sabi nya habang nakatingin pa rin sa kalsada. Liningon ko sya at tinaasan ng kilay. Hindi ko naman tinanong 'no! Ikaw ata ang assuming sa ating dalawa e!


"At pinagbuksan lang kita ng pintuan kanina dahil sabi nya na be gentleman daw. Don't worry, sa harap ng parents mo lang 'yon." dagdag pa nya. I rolled my eyes. Hindi ko naman kasi tinatanong. Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin sa daan. 


Tahimik kaming dumating sa paaralan. Paglabas namin sa sasakyan nya, tinignan kami kaagad ng mga estudyante na parang hindi makapaniwala na kasabay kaming dumating. Ang iba masama pa ang tingin sa akin!


Lumakad kami papuntang ballroom kung saan gaganapin ang party. Habang lumakad kami, nakita namin sina Alex, Calyx, Ash, Amira, Maiara at Nayah na nakaupo sa may table sa garden. Tinignan ko si Kaizer at tumango lang ito. Agad-agad kaming pumunta sakanila at kagaya ng ibang estudyante, nagulat rin silang nakita kaming magkasama.


Si Nayah ay naka hem silver halter gown. Si Amira naman ay naka rose gold lace and glitter tulle evening gown. Si Maiara ay naka black sparkling off shoulder with side slit gown samantala ang mga lalake naman ay naka black tuxedo.


Pabalik-balik kaming tinignan ni Calyx na parang nagtataka kung bakit kami magkasama ng kaibigan nya. Tinaasan lang sya ng kilay ni Kaizer kaya ngumiti ito at saka nag-iwas ng tingin.


"Nandito na pala kayo," sabi ni Ash sabay kamot sa batok nya.


"Himala, ah. Bakit kayo magkasama?" naka kunot-noong tanong ni Alex pero halatang pinipigilan nyang tumawa.


"Sinundo nya 'ko." sagot ko sana para manahimik na sila pero parang mali ang ginawa ko. Nagulat sila pati na rin ang tatlo kong mga kaibigan.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon