Chapter 23 | Moonlight

513 26 7
                                    


XAMIRA


It's already 7 o'clock kaya bumalik na kami sa suite 'tsaka nagbihis dahil mag ca-camp fire kami sa tabing dagat mamayang gabi. Hindi na lang kami kakain dahil bumili sila ng pizza para mamaya at marami pang iba. Army green paperbag shorts at puting front knot crop top with ruffle sleeves ang suot ko. Nag santorini flat sandals nalang ako para mabilis suotin.


Pagkalabas namin ay nakita namin ang mga lalake. Agad akong pinuntahan ni Kaizer noong nakita nya ako. He's wearing a brown polo na three buttons opened at white above the knee shorts habang hawak nya ang ukulele na binili nya kanina para sa akin.


Bumaba na kaming lahat at nakita kong inaayos nina Josh ang apoy at sina Jax naman ay ang mga mat na uupuan namin. Meron silang inihanda na lamesa sa gilid. Mayroon itong dalawang jars na puno-puno ng marshmallows at may mga sticks sa gilid 'tsaka red cups. Nandoon na rin ang mga pizzas, nuggets at donuts na binili nila kanina. Merong cooler sa ilalim ng lamesa para sa drinks.


Nagsi-upuan na kami sa mat habang ang iba naman ay kumuha ng pagkain. Tabi ko sina Nayah at Amira. Si Maiara ay nandoon sa tabi ni Alex. They're in a relationship! Kanina lang sya sinagot ni Maia.


"Topic naman dyan!" simangot ni Calyx habang nilalagay ang inumin sa red cups. Pumunta na sya sa amin at binigyan kami ng baso 'tsaka umupo sa tabi ni Ash.


"Ano' to?" tanong ko sabay pinataas ang baso.


"Tequila," sagot nya kaya tumango nalang ako.


"Truth or Dare tayo!" sigaw ni Ash at sumang-ayon naman ang lahat. I shook my head. This is not good.


Kumuha sya ng plastic bottle at pumunta sa gilid ng lamesa. Pumunta rin kami doon dahil mas flat ang surface doon kaya okay na. Pinaikot nya at kay Krissa tumigil. Dare ang pinili nya kaya inutusan sya ni Ash na hahalikan nya kung sino ang gusto nya. At first, hindi nya sana gagawin pero may parusa kung hindi magawa o masagot ang truth or dare. Sabi nang hindi 'to maganda eh.


Nabigla kami nang lumapit sya sa pwesto ni Josh at hinalikan ito. Naghiyawan ang lahat dahil sa ginawa nya. Patuloy ang paglalaro namin hanggang sa tumigil kay Calyx ang bote at truth ang pinili nya. The side of my lips rose. Nagtaas ako ng kamay para ako ang tatanong. Tinignan nya ako ng masama pero tinawaan ko lang ito. Kawawa ka sa akin ngayon.


"Calyx," tawag ko sakanya. He turned his gaze on me at pinanliitan ako ng mga mata. I made a face at him before smirking. "Tell us the truth, ha?" dagdag ko kaya tinaasan nya ako ng kilay. I laughed before asking him the question. "Ano ang naramdaman mo kay.." pinabitin ko ang sasabihin ko kaya tinignan nila akong lahat. "Yazanayah Maribela," dagdag ko at nginisihan sya.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon