Chapter 11 | Invincible

542 27 16
                                    


XAMIRA


Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis na ng formal clothes. Wine red backless skater dress at nude ankle strap heels lang ang sinuot ko. I don't know why pero feel na feel kong color na 'to ngayon. I curled the bottom of my hair and put some lil make up to finish my look. Kinuha ko na ang purse ko at phone 'tsaka bumaba sa sala.


Hindi namin isasama si Rhylie dahil ayaw nyang sumama. Maglalaro lang daw sya sa mga cousins nya kaya ayun, mag sleep over sya doon. Ang suot ni Mom ay black cassi dress samantala si Ate naman ay naka white spaghetti strap crisscross cutout bodycon dress.


Sumakay kami sa limo ni Dad at bumaba sa isang fancy restaurant. Pagdating namin ay sumunod lang kami kina Dad kung saang lamesa sila uupo dahil hindi pa namin kilala kung sino ang bago nilang business partner.


Nung tumigil si Dad sa isang table ay laking gulat ko nalang nung nakita ko sya na umupo kasama ang isang magandang babae. Kamukha nya ito. My brows furrowed. Why is he here?


Kitang kita ko rin ang gulat sa mga mata nya noong nakita nya ako. Biglang tumayo ang babae at ngumiti kina Mom and Dad which made my brows furrowed more. Sila ang having business partner nina Mom?


"Good evening," bati nito at bumati rin pabalik si Mommy. Umupo na kami at sa napakamalas naman ay kaharap ko sya. Sana hindi nalang ako sumama.


"Sorry. My oldest and youngest can't come because they had an important thing to do." sabi naman ng magandang babae. Mama nya siguro.


"Reàl, Xam, Anazain, this is Mrs. Zendaia Lee, the owner of The Lee's and PIS. Ang pinapasukan mong paaralan, Xam." ani Dad at tinignan ako. "And this is her son, Kaizer Phoenix Lee." dagdag naman nya.


"Zendaia, Kaizer, this is Reál Hamilton, our oldest. Anazain Drea Hamilton, our second. Xamira Amorè Hamilton, our third. And our youngest couldn't come. He's only 6 years old." dagdag na aniya.


Nung dumating ang pagkain ay nagsimula nang kumain ang lahat. Sina Mom at Dad ay nakipag usap kay Tita Zendaia samantalang si Kaizer naman ay sumasagot lang kung tatanungin sya. Napatigil ang lahat ng biglang may tumunog na cellphone.


"Excuse me," sabi ni Kaizer 'tsaka tumayo at lumabas sa restaurant para masagot ang tawag. Ganon ba talaga ka importante 'yon na kailangan pa nyang lumabas? Hindi ko nalang binigyan ng pansin 'yon at bumalik na sa pagkain.


"Hija, you and my son look good together." biglang sabi ni tita Zendaia na nakapatigil sa akin.


Tinignan ko silang lahat na nakangiti sa akin. Dad even nodded while smirking at me! Tinignan ko lang ito ng masama pero tinawaan nya lang ako ng mahina. He likes to tease me all the time!


Napatigil ako sa pagkain nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko yung screen at si Nayah ang tumatawag. This should better be important. Nagpaalam muna akong mag cr at doon sinagot ang tawag.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon