Chapter 37 | The Tattoo

412 23 3
                                    


XAMIRA


"Anong noon, love? Ngayon ka lang nakapunta dito, ah?" tanong ni Kaizer pero hindi ako sumagot. Nanatili akong nakayuko. "Maliban nalang kung ikaw si—" hindi nya pinatapos ang sasabihin nya at hindi makapaniwalang tinignan ang tatlo.


Damn it! Wala na, alam na nila.


"No. Hindi," umiling sya at lumapit sa akin. "Hindi ikaw 'yon, diba?" tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko.


Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo at— ganon nga! I need to deny it.


"A-ah, oo naman." biglang lumiwanag ang mukha nya at niyakap ako. I bit my lower lip. Sorry for lying. You'll understand me someday.


"I knew it! It's quite impossible that you are her," aniya.


"Oo naman, 'no. Ako? Si Lady Death? Imposible." kunot noo ko syang tinignan nang bigla syang bumitaw sa yakap. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang kanyang itsura. Ganon din ang tatlo nyang kasama.


"H-how did you—" hindi na natapos ni Kaizer ang sasabihin nya nang biglang nagsalita si Alex.


"We didn't mentioned anyone. How did you know?" tanong ni Alex dahilan para mapa lunok ako.


C'mon, Xam. Think! You need to freaking think!


Bumuntong hininga ako. "A-ah kasi k-kaibigan ko si Lady Death kaya alam ko." pagdadahilan ko.


"Weird. I thought Lady Death is a stone-hearted cold person and now, malalaman namin na may kaibigan sya?" pagsususpensa ni Alex. Hindi ko sila masisisi dahil curious lang sila. They want answers.


"Doesn't mean na she's a stone cold person, she's heartless. At bakit? Hindi na ba sya pwedeng makipag-kaibigan? Ano 'yon? Loner?" pagdidipensa ko.


Kumunot ang noo nya ay ganon rin ang tatlo. "Why are you so..." pinabitin nya ang sinabi nya dahilan para mapataas ang kilay ko. "Defensive?" dagdag nya kaya napalunok ako.


Oo nga, Xamira. Nagpapahalata ka.


"Because she's my friend?" patanong kong sagot. "And friends always have each other's back." dagdag ko dahilan para umawang ang labi nila. I'm so proud of myself.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon