Chapter 21 | Boracay 1

504 27 22
                                    


XAMIRA


Nag iimpake ako ngayon ng mga damit na dadalhin ko sa boracay. I bought some dresses, swimsuits, shorts, tops, and sandals. Linagay ko 'yon lahat sa maleta ko. Kinuha ko rin ang skin care ko at nilagay doon.


Matapos kong mag impake ay bumaba na ako para kumuha ng pagkain. It's already 11 in the evening yet I'm still hungry. Gusto kong kumain ng ice cream but wala ng stock sa ref. I guess Kuya ate it all.


Nagpaalam muna ako kay manang na umalis para bumili sa malapit na convenience store. Nung una ay hindi pa sya pumayag pero makulit ako e. Nag suot muna ako ng hoodie at kinuha ko ang helmet ko and keys para makaalis na. Sumakay na ako sa motor ko at umalis.


I've been thinking na bibili rin ako ng mga foods para dadalhin bukas. Dapat 5 am palang ay aalis na kami sa school kasi 6 yung flight namin. Yes, sa school ang meeting area namin dahil may service kami. Our adviser can't come because they have meetings and stuffs.


Kumuha ako ng basket para dpon ilagay ang mga gamit ko. Vanilla ice cream, chips, candies, and drinks ang linagay ko doon.


Babayad na sana ako nang mahagip ng atensyon ko ang isang pamilyar na babae. Sya ang nasa cr noon, ah? She was drinking her iced coffee while talking to someone on her laptop. Hindi ko nalang ito pinansin at nagbayad nalang ako 'tsaka umalis.


Pagdating ko sa bahay ay inilagay ko sa kitchen ang mga binili ko at kinuha ang ice cream. I went up to my room and watched Netflix in my laptop. It's already passed 1 am noong nakatulog ako.


Kinabukasan. I slept for 3 hours that's why I'm still sleepy. It's 4 in the morning. I went to my bathroom to do my morning rituals and then change my clothes. I wore a cream smoked pull over tube top with ruffles for my top, denim shorts and a black belt for my bottom, and my LV monogram slides. I feel like wearing something soft kaya ito ang sinuot ko ngayon.


Kinuha ko nalang ang white leather shoulder bag at maleta 'tsaka bumaba na. Pagbaba ko ay kinuha kaagad ng butler namin ang maleta at ang mga binili ko kagabi. Pagkalabas namin ay may naka park na na pulang sasakyan sa labas. I guess it Kaizer's.


Simula nung may nangyari sa abandonadong lugar, parati nya na akong sinusundo. Eh minsan hinahatid pa nga. I saw him standing outside wearing a white polo with 3 buttons opened, navy blue shorts and white sneakers.


Kinuha nya ang mga gamit ko mula sa butler namin at linagay sa compartment ng sasakyan. Pagkapasok namin sa sasakyan nya ay may nakita akong paper bag sa upuan ko. I peek to see what's inside then I saw a bacon and ham sandwich and a coffee. Tinignan ko sya at tinanguan nya lang ako.


"Nakakain kana?" tanong ko at tumango naman sya 'tsaka pinaandar ang sasakyan.


"Diba may service van ang school? Saan mo lalagay ang sasakyan mo?" I asked then he took a glance at me before putting his attention back on the road.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon