Chapter 16 | Research

536 26 20
                                    


A/N: Nandyan sa ilalim ang portrayer ni Xamira. Enjoy Reading!


XAMIRA


Kinabukasan. May klase na kami ngayon. Back to reality nanaman. Meron na kaming uniform na apat kaya eto na ang sinuot namin. White blouse sya :tsaka merong navy blue na blazer at necktie. Meron syang logo ng school sa ibabang parte ng necktie nya at navy blue na pencil skirt. Ginawa ko na ang morning rituals ko at pumasok sa paaralan.


Pagdating ko doon ay nakasalubong ko si Nayah. In fairness, bagay sa kanya ang uniform.


"Naks! Bagay, ah!" pagpupuri nya sa akin kaya tumawa ako.


"Mas bagay sayo," sagot ko naman sakanya at ngumiti naman ito.


"Hey! Stop it!" sabi naman nya at hinampas ang braso ko. "Wag mo na ngang sabihin, nahihiya tuloy kagandahan ko." dagdag pa nya dahilan para tumawa ako.


Pagdating namin sa kwarto ay tinignan kami ng lahat 'tsaka ngumiti. Nandoon na sina Maiara at Amira sa kanilang upuan. Bagay rin sakanila ang uniform. Biglang tumahimik ang kwarto nang biglang pumasok ang so-called f4 diri sa amin. Tinignan kami nina Calyx at ngumiti. Kitang kita kong biglang namula si Maiara noong kinindatan sya ni Alex.


"Bagay na bagay, ah." sabi ni Ash sabay tingin sa uniform namin.


"The uniform looks good on you." sabi ni Calyx sabay sulyap kay Nayah na kinakausap si Ash. Something smells fishy. Tumingin ako sa gunggong at bigla syang nag iwas ng tingin. Bumalik na ang lahat sa mga upuan nila nang pumasok ang adviser namin.


"Good morning! Due to the incident that happened last saturday, hindi pa inanounce kung sino ang nanalo. And I have good news to you." sabi ni prof kaya ngumiti ang lahat. Parang alam na nila ang idudugtong. "You all won a three-day vacation to boracay and all expenses are already paid. It's part of the prize. Sa Friday na ang flight nyo. Congratulations!" dagdag pa nya at naghiyawan ang lahat. Nakikisama na rin kami dahil sa saya at worth it ang lahat. Napatigil nalang ako nang biglang sumigaw si Jax.


"Idol ko si boss Kaizer! Hindi ko inaasahan na gagawin nya 'yon!" sigaw ni Jax dahilan para tumawa ang lahat maliban sa amin ni Kaizer. Tinignan naman kami ng lahat at tumawa pa. Nakikisama na rin sina Maiara.


"Oo nga, HAHAHAHA parang totoo na 'yon, ah!" sang ayon naman ni Seb kaya mas lalong tumawa ang lahat.


"Ano bang pumasok sa isip mo na ginawa mo yun, boss?" tumatawang tanong ni Piolo kaya tumahimik ang lahat 'tsaka tinignan si Kaizer. Mukhang hinihibtay nila ang sagot nito. Bigla syang ngumisi kaya naghiyawan ang lahat.


"Bago to, ah? KINIKILIG SI BOSS!!!" sigaw ni Calyx dahilan para mas tumawa ang lahat. Tinignan sya ng masama ni Kaizer at sinulyapan si Nayah. Napanguso si Calyx at kinamot ang batok nya.


"Sabi na nga eh, hindi kinikilig si boss eh." sabi ni Calyx at padabog na pumunta sa upuan nya. Napatingin ako kay Kaizer at mahina syang tumawa. Napatigil ang lahat nang biglang pumasok ang prof namin sa research.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon