Chapter 15 | Maybe

508 29 15
                                    


ZAYA


Today is Sunday! Pumunta kaming lahat sa mall pagkatapos mag simba. We are here for our lunch and you know, shopping! Ayaw sana sumama ni kuya pero tinakot sya ni mommy na kukunin lahat ng credit cards nya kung hindi sya sumama kaya ayun, napilitan.


Habang kumakain kami sa isang Italian Cuisine, parang nakita ko sa labas si Ate Amorè kaya napakurap ako.


"Si Ate Amorè ba 'yon?" tanong ko kay Ate at tinignan nya ito 'tsaka umiling.


"Hindi. Pumunta sila sa company nila ngayon." sabi naman ni Ate kaya tumango ako. Maybe I was hallucinating things.


"Ah," sagot ko at bumalik sa pagkain.


"Who is that Amorè anyway? Bakit bukambibig mo 'yan palagi?" tanong ni Kuya dahilan para umangat ang gilid ng labi ko.


"Bakit? Interesado ka?" tanong ko with a matching nakakalokang ngiti. Nako Kuya, kung kilala mo lang si Ate Amorè, sigurado akong magugustuhan mo sya. A million times better pa sya kesa sa higad na Kazarina na 'yon.


"No. I'm just confused." mabilis naman nyang sagot dahilan para tumawa ako. He sounds defensive tho.


"Well she's my ate-slash-friend. She's gorgeous, beautiful, smart, simple, kind, generous, brave, she cares for me even though we just met, and she's totally hot." nakakalokang sabi ko naman 'tsaka tumango ito.


"Can I meet her then?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya kaya nginitian ko sya.


"Paraparaan kalang, Kuya. Alam kong gusto mo lang sya makilala." nakangising sabi ko 'tsaka pina taas-baba ko ang kilay ko. "Gusto mo sya 'no? Uy si kuya may gusto kay Ate Amorè!" tukso ko sakanya kaya tinaasan nya ako ng kilay. Sungit, gwapong masungit. Tumawa lang sina Ate at Mommy dahil kay Kuya.


"No. I just wanna know who's my lil sis's new friend." walang reaksyong sagot nya.


"Sus. Don't me, Kuya. don't me!" sabi ko sakanya kaya nagtawanan kami. I'm sure Kuya na magugustohan mo sya.


XAMIRA


Madaling araw na kami nakauwi dahil sa nangyari. Pagkatapos nung nangyari ay dali-dali akong pumunta sa kwarto kung saan ako dinala ni Kaizer para isauli ang jacket at saka para hindi sila magdududa. Paano ako nakapasok? Well, I have my ways.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon