Chapter 39 | Out of town

404 20 6
                                    

XAMIRA

A month passed since that revelation. Magkasama kami nina Kaizer sa tuwing may illegal battle at alam na rin ng mga kaibigan ko na ako si Lady Death. I trust them that much kaya sinabi ko nalang ang totoo and besides, bago ko pa man sabihin, they found out. At first they're scared, but Nayah made them realize that I am their friend, that I am the same Xamira that they knew. Their reaction is priceless when they knew.

[Susunduin na kita?] tanong sa akin ni Kaizer sa kabilang linya.

[Sige. Patapos na rin ako.] I replied while brushing my teeth. But in reality, kakatapos ko lang maligo.

[Alright, I'll be there. I love you.] he said then ended the call.

Dali-dali akong nagmugmog at kinuha ang dryer ko sa cr then dried my hair. Mag out of town kami ngayon dahil sembreak namin. He was the on who consulted me to my parents that's why they approved.

I'm wearing a navy blue paperbag short and white asymmetrical top matched with white sandals. Isang backpack nalang ang dinala ko dahil three days lang naman kami doon.

I braided my hair then I put a little make up before going down. Nilagay ko ang mga gamit ko sa sala at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng glazed donuts at banana milk sa ref 'tsaka umupo na sa lamesa.

"Oh, hijo! Magandang umaga." bati ni manang sa may sala kaya napatingin ako.

"Ah manang, magandang umaga din ho. Nasaan po si Xamira?" ani ng pamilyar na boses.

"Nasa kusina, hijo. Kumakain pa." sagot naman ni manang sakanya.

"Maraming salamat ho. Pupuntahan ko muna sya." rinig kong sabi ni Kaizer.

"Osya sige, hijo. Mag ingat kayo sa lakad nyo mamaya, ha?" ani Manang.

"Opo, manang." I heard footsteps na papalapit sa akin. I guess that's him na.

Dinali-dali ko ang pagkain 'tsaka kumuha ng tubig sa ref. "Love..." nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Oh? Nakakain kana?" tanong ko, biting my lower lip to prevent my face to blush.

"Not yet pero I'm not hungry." kumalas ako sa yakap nya at tinignan sya ng masama.

"Kumain ka muna dito." utos ko sakanya at pinanliitan ng mata.

"But—"

"Kumain ka," pag-uulit ko dahilan para ngumuso sya at kumuha ng tinapay sa lamesa. Napailing-iling nalang ako dahil sakanya.

"Coffee?" I asked and he nodded.

Kumuha ako ng baso at kape sa cabinet 'tsaka tinemplahan sya. He likes espresso and so do I. Umupo ako sa tapat ng upuan nya at nilapag ang kape sa gilid ng pinggan nya. Mabilis syang kumain dahil baka ma late daw kami sa flight.

Pagkatapos nyang kumain ay nagpaalam na kami kina mama at saka umalis. Pagdating namin sa airport ay tamang boarding na ang mga pasahero ng sasakyan naming eroplano.

Pumasok kami sa loob then went look for our seats. I'm glad that my seat is beside the window. Mas gusto ko sa part na 'to. Kaizer sat beside my seat and he held my hand. We continued chatting about something while waiting for our plane to take off.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon