Chapter 28 | Knife

437 25 0
                                    


XAMIRA


"Anong meron?" tanong ko sa katabi kong si Nayah dahil biglang nagsilabasan ang mga estudyante at pumunta sa open field. Nagkibit balikat lang sya dahil wala rin syang alam sa nangyayari.


"STUDENTS! GO TO THE OPEN FIELD, NOW!" sigaw ng kung sino na pumunta sa classroom namin kasabay ang pag alarm ng fire alarm.


Nagmamadali kaming lumabas lahat at napatingala kami sa abandonadong building na ngayon ay umaapoy na. Hindi ko halos marinig ang mga sinasabi nila Nayah dahil nag pa-panic ang lahat. Si Josh ang bumabantay sa aming lahat at wala naman kaming kulang.


"Are you okay?" nabigla ako nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko at si Kaizer iyon. I nodded to make him calm dahil bakas sa pag-alala ang kanyang mga mata.


Tinitignan ko ang building at nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong anino ng tao sa loob. Mabilis kong kinuha ang kamay ko kay Kaizer at tumakbo papasok sa loob. Narinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin. This person needs my damn help!


Kinuha ko ang panyo ko at tinakpan ang ilong ko pagpasok dahil sa usok nito. There are some debris falling pero iniwasan ko lang ito. My eyes widened when I saw someone laying down in the floor, unconscious.


"S-saph?" mabilis akong tumakbo at binuhat sya dahil wala itong malay. Tatalikod na sana ako nang may nakita akong anino ng babae na tumatakbo palabas sa backdoor. Napalingon nalang ako dahil may humawakan sa balikat ko.


"Lumabas na kayo. Kami na ang susunod sa babaeng lumabas." sabi ni Leanne at tinapik ang balikat ko. We're in good terms now since the day she knew about my darkest secret. Tumango nalang ako at sinundan na nila ang babae.


Dali-dali akong lumabas sa building at nakita ko ang galit na mukha ni Kaizer.  Pumipiglas sya dahil hawak sya nina Alex at Ash. Mabilis na pumunta sa akin si Calyx noong nakita nya akong lumabas at kinuha si Saph mula sa akin.


"Medics!" he shouted and the medics immediately ran to him.


Nakita ko si Kaizer na tumakbo papunta sa akin at bigla akong niyakap. Kitang kita ang galit sa kanyang mga mata. Hinila nya ako papunta sa mga medics at galit na tinignan.


"Damn! Look at you. Bakit bigla bigla ka nalang pumasok doon, ha? Hindi mo ba nakita na umuusok doon? Delikado ang ginawa mo alam mo ba 'yon? Tignan mo, meron kang sugat sa kamay at tuhod mo. You're so careless. Fuck! You made me so worried sick!" sermon nya sa akin at sinabunutan ang sariling buhok. He sighed before facing me. "Sorry for the curses, baby. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo." dagdag pa niya. Gusto kong matawa sa reaksyon nya pero seryosong-seryoso sya ngayon. Nasugatan ang kamay ko nang may biglang nahulog na bato mula sa itaas kaya nadaplisan ako. Yung sa tuhod naman ay hindi ko alam. Ni hindi ko nga naramdaman e.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon