Chapter 10 | Practice

534 28 20
                                    


XAMIRA


Kinabukasan. Noong dumating ako sa classroom, marami ng mga instrumento sa likod para sa practice namin mamaya. Mukhang ako nalang ang hinihintay. Kung maaga ako kahapon, late naman ako ngayon. Wala e, tinatamad talaga ako ngayon.


"You're late," bungad nya sa akin pero hindi ko sya pinansin. Nilagpasan ko lang ito at dumiretso sa upuan ko. I'm not in the mood to talk.


"Ngayong kumpleto na tayo, I suggest that we should start." sabi naman ni Josh at pumunta sa harap. "Any suggestions? Do you have something in mind na kanta para sa kakantahin natin?" dagdag pa nya.


"Love Story by Taylor Swift?" suhestyon ni Camille, kaklase kong babae.


"Okay sana kung babae lang ang kakanta pero both ang sa atin e kaya parang hindi bagay na kakantahin 'yan ni Kaizer." ani Josh.


"Can't help falling inlove?" suhestyon naman ni Ash kaya ngumiti si Josh na parang may iniisip 'tsaka tinignan ako.


"Perfect! So can't help falling inlove it is, Mr. President?" tanong ni Josh kay Kaizer at kibit balikat lang ang sinagot nito.


Pinapunta kaming lahat sa harap at ipinalista ang mga roles namin 'tsaka pinagplanuhan ang performance. Ang set up, props, at costumes. Okay na sa lahat 'yon kaya wala na kaming problema. Babalik na sana ako sa upuan ko ng mahagip ng mga mata ko ang gitara na linagay sa upuan ko kahapon. Iniwan ko dito dahil nag babasakali akong kunin nang may-ari non pero hindi gumalaw sa pwestong linagyan ko kahapon. Pinuntahan ko 'yon at kinuha 'tsaka ko nalang nakita na may papel na nakadikit sa likuran nito. Kinuha ko 'yon at binasa.


Yes, you're right. That's yours, Ms. Hamilton.


Simpleng sulat lang pero nakikigulo na rin sa isipan ko. Kinuha ko ang gitara at tinanaw dahil baka meron pang sulat kung kanino 'to galing pero wala. Wala akong nakita.


"Xam, pahiram!" sigaw ni Ash sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Ngumiti lang ang loko.


"Nang alin?" kunot noong tanong ko.


"Ayan," sabi nya sabay turo sa gitarang hinahawakan ko. "'Yang gitara mo. Peram!" dagdag pa nya at kinuha agad ang gitara sa kamay ko. Gitara ko? Akin ba talaga 'to?


Umupo si Ash sa gilid 'tsaka pinatugtug ang gitara at nagsimulang kumanta kumanta.


"I wanna make you smile whenever you're sad,
Carry you around when your arthritis is bad.
All I wanna do is grow old with you" pinangunahan ni Ash.


"I'll get your medicine when your tummy aches,
Build you a fire if the furnace breaks.
It could be so nice, growing old with you," sinundan naman ni Alex.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon