Chapter 20 | The Secret

523 23 20
                                    


XAMIRA


Noong may narinig kaming sumabog, agad-agad kaming pumunta kung saan galing 'yon. Paglabas namin sa parking lot ay nakita namin ang kotse ni Kaizer na umuusok. Pinuntahan namin at may papel na nakadikit sa sahig sa gilid ng sasakyan nya. Kinuha 'yon ni Kaizer at tinignan ang abandonadong building sa gilid ng mall. Sinulyapan nya sina Calyx at tumango.


"Tara na," sabi nya kina Calyx at aalis na sana nang bigla akong nagsalita.


"Sasama kami!" ani ko pero mabilis syang umiling.


"No! It's not safe for you guys to come too. Away namin 'to. Stay out of this." sabi nya. Sasalita pa sana ako nqang bigla silang tumakbo papunta doon.


Susundan sana namin sila pero may biglang humawak sa braso ko. Liningon ko at may nakita akong dalawang naka itim na lalake na nakahawak sa akin. Nilingon ko sina Amira at may humahawak rin sakanila. Lalaban sana sila pero sinenyasan kong hindi muna. Kumunot ang noo nila na parang nagtatanong. I mouthed them 'trust me' kaya agad naman silang tumango.


Hindi ko sila pinalaban dahil alam kong dadalhin kami nila sa lugar kung saan pumunta sina Kaizer. Hinila kami nila papunta sa abandonadong building at pinapasok.


Pagpasok namin ay may nakita kaming higit pa sa sampong nakaitim na lalake sa unahan nina Kaizer. Yung iba merong tubo, baseball bat, at dagger samantalang sila naman ay maski ni isa ay walang dala pero parang walang bahid na takot sa mukha nila. When he saw us, that's when anger strikes on his eyes.


"Diba tinatanong mo kami kung ano ang kailangan namin?" tanong nung lalakeng sa gitna at sinulyapan nya kami. "Eto! Eto sila!" sigaw nya habang tinuturo kami.


"Anong kailangan mo sa amin?" kalmadong tanong ko dahilan para tumingin silang lahat sa akin.


"Gusto mo malaman? Ipinautos lang 'to sa amin ni Boss Leanne." sabi nya sabay suntok sa sikmura ko. Si Leanne ang umutos? Boss nila? So it means sila ang underlings ng apat na dahon? I rolled my eyes. Susuntok na nga, wala namang pwersa.


Noong sinuntok nya ako ay bigla syang linapitan ni Kaizer 'tsaka buong lakas na sinuntok. Pag suntok nya ay doon na sila nagsimulang lumaban. Pinanood namin silang makipaglaban dahil hinahawakan pa rin kami ng mga lalake. Sinenyasan ko sina Nayah na wag muna silang lumaban dahil kung lalaban sila ay alam kong hindi mag eenjoy sina Calyx at alam ko rin na kung mapatumba na nila ang lahat ay may susunod na papasok. Every gangs has more than 30 underlings kaya hindi imposibleng mangyari 'yon.


Mabilis na sinuntok ni Calyx ang lalakeng may baseball bat at siniko sa panga 'tsaka kinuha ang baseball bat nya. May sabay-sabay na lumapit na apat na lalake kay Calyx dahilan para inihagis nya palibot ang baseball bat at natamaan sa itsura ang mga lalake. Calyx's fighting skills really improved a lot. Nung huli ko syang makalaban ay 9 years old palang kami.


Habang sinusuntok ni Ash ang lalakeng nakahandusay sa sahig ay may biglang umatake sa kanya mula sa likuran. Hahampasin na sana sya nung lalakeng nasalikod nya pero mabilis syang umilag kaya ang lalakeng nakahandusay sa sahig ang kanyang nahampas. Tumawa si Ash sa ginawa nya at siniko ang batok ng lalakeng umatake sakanya dahilan para mawalan ito ng malay. Pupunta sana sa amin si Ash pero may mga humarang sakanya kaya nakipaglaban sya ulit.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon